Magandang balita para sa mga ina na SSS member! Maaaring makakuha ng SSS Maternity Reimbursement. I-download lamang ang SSS maternity reimbursement form dito at ituturo namin ang mga kailangan at mga gagawin.
Hindi lang SSS maternity reimbursement form ang kailangan
Makakabuti na kumpletuhin muna ang mga kakailanganing dokumento para sa pag-apply ng naturang reimbursement. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Valid ID
- Maternity Notification na may tatak na itinanggap ng SSS bago ang panganganak o miscarriage.
- Dokumento ng panganganak, ano man ang naaangkop sa sitwasyon
- Normal delivery
- Orihinal na birth certificate ng anak o certified true copy
- Caesarean delivery
- Orihinal na birth certificate ng anak o certified true copy
- Operating Room Record o Surgical Memorandum mula sa ospital kung saan na-confine ang miyembro
- Stillbirth
- Miscarriage o abortion
- Pregnancy tests (bago at matapos ang miscarriage o abortion)
- Medical certificate o Obstetrical history na nagsasabi ng bilang ng miscarriage at may lagda at PRC number ng physician
- D & C Report mula sa ospital kung saan na-confine ang miyembro
- Dokumento ng miyembro, ano man ang naaangkop
- Miyembro na hiwalay na sa pinapasukang employer
- Certification mula sa dating employer kung saan nakasaad ang petsa na humiwalay ito sa trabaho
- Boluntaryong miyembro
- Kopya ng naaprubahang SS Form E-5
- Self-employed na miyembro
- Kopya ng naaprubahang SS Form RS-1
Pagsumite ng application
Sundin lamang ang mga sumusunod sa pagpasa ng SSS Maternity Reimbursement form:
- Mag fill-out ng isang kopya ng form.
- Isulat ang SS number sa bawat dokumentong ipapasa.
- Isumite ang mga dokumento sa pinakamalapit na SSS branch office.
Mga kailangang tandaan
- Kung may bahagi ng form na hindi naaakma, lagyan ito ng “Not Applicable” o “N/A”
- Lagyan ng initials ang bawat correctiosns.
- Kung hindi makakalagda ang miyembro, kakailanganin ng 2 witness sa fingerprinting. Isa sa mga witness na ito ay dapat representative ng pinagtatrabahuhan.
- Ang mga maternity benefits ay maaari lamang makuha ng mga babaeng miyembro.
- Hindi na maaaring kumuha ng sickness benefit sa parehong panahon na may nakuha nang maternity benefit.
- Epektibo mula May 24, 1997, hanggang sa ika-apat na panganganak o miscarriage na lamang ang maaaring kuhanan ng maternity benefits. Ang ika-limang panganganak o miscarriage ay hindi na maaaring kunan ng maternity benefits, makuha man ang mga nauna o hindi.
Source: SSS Maternity Reimbursement Form
Basahin: SSS para sa mga SAHM (Stay-at-home mom): Paano mag-apply at makakuha nito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!