Mommy at daddy take note ang parenting mistakes na ito na maaaring maging dahilan kung bakit walang malasakit ang bata.
Mababasa sa artikulong ito:
- 4 parenting mistakes kaya lumalaking walang malasakit at pakialam ang bata
- Tips para sa mga magulang
Ang pagpapalaki sa ating mga anak ay kinakailangan talaga ng pagsisikap. Pero mas mahirap ang pagpapalaki sa ating mga anak kung hindi nila natutunang sundin tayo. Siyempre, ayaw nating lumaki sila na isang walang malasakit ang bata.
Maaaring madala nila ito hanggang sa paglaki nila. Kaya naman narito ang 4 na parenting mistakes na minsan ay nagagawa natin at lumalaking walang malasakit ang bata.
Ayon kay Dr. Thomas Lickona, isang psychologist at professor sa State University of New York, Cortland, mahalaga sa isang magulang na nirerepesto tayo at sinusunod ng ating mga anak.
Kinakailangan ito upang matulungan natin ang ating mga anak na maging marespeto sa atin na kanilang mga magulang. Gayundin dapat maunawaan nila ang kahalagan ng pagsunod sa atin.
Larawan mula sa iStock
Ayon sa pag-aaral
Isang kalahating siglo ng pag-aaral ang sumusuporta sa pagiging epektibo umano ng “authoritative parenting”. Ang parenting style na ito’y nagpopokus parehas as values at obedience ang mga magulang at independence ng kanilang anak.
Sa ganitong parenting style din, ay mahalaga ang pagpapaliwanag ng dahilan sa likod ng mga rules at naghihikayat ng tinatawag na give and take sa pagitan ng magulang at kaniyang anak.
Mahigpit na pinapatupad ang mga alituntunin subalit hindi isinasaalang-ala na nagkamali rin siya bilang isang magulang. Sa parenting style din na ito ay nakikinig ang mga magulang sa kaniyang anak pero hindi binabase ang desisyon niya sa kagustuhan ng kaniyang anak.
Ayon umano sa lahat ng developmental levels ang isang authoritative parents ay pinakamatgumpay na nagpapalaki ng mga batang may tiwala sa sarili, hindi basta-basta sumusuko, at socially responsible.
Isang 15 na taong gulang na lumaki sa authoritative na mga magulang ang nagsabi at nag-describe na ang pagpapalaki sa kaniya ng nanay at tatay niya ay “firm pero democratic”.
4 parenting mistakes kaya lumalaking walang malasakit at pakialam ang bata
Pero may ilang mga parenting mistakes kaya maaaring hindi mo magawa ang pagiging authoritative parenting style. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.
-
Kapag hindi mo ipinaliliwanag sa kaniya kung bakit mo siya pinagbabawalan.
Larawan mula sa iStock
Kapag pinagbabawalan mo na gawin ang isang bagay sa anak mo kinakailangan na ipaliwanag mo ang dahilan kung bakit. Kahit na sabihin pa natin na bata ang iyong anak at hindi niya pa masyadong nauunawaan ang iyong sinasabi.
Sapagkat magkaganoon man maiintindihan ka pa rin ng iyong anak dahil sa tono ng boses mo. Mahalaga na sabihan at turuan ang iyong anak na kaya mo siya pinagbabawalan sa mga ganoong bagay ay dahil mahal mo siya. Ang gusto mo lamang ay mapabuti siya.
Sinasabi rin sa mga pag-aaral ang mga teens ay mas susundin at rerespetuhin ang inyong family rules kapag nauunawaan niya ang dahilan nito ay gusto niyo lamang mapabuti siya.
Ang pagbibigay rin ng rason ay nagkakapag-develop ng konsensya or conscience sa isang bata na mahalaga para magawa nila ang tamang bagay.
BASAHIN:
“Mamaya Na!” 3 parenting mistakes kung bakit nasasanay ang bata na sabihin ito
Paano maging mabuting bata: Tamang pagpapalaki
Ang iyong maling pag-aakala sa tamang pagpapalaki ng iyong anak
-
Kapag napasusunod mo ang anak mo dahil sa takot
Dapat maunwaan ng anak mo na bilang magulang ay sinusunod ka niya. Pero kung sinusunod ka lamang niya dala ng takot ay mali ito.
Mahalaga na sinusunod ka ng iyong anak dahil ikaw ang kaniyang magulang at importante na sumunod siya sa iyo. Ipaliwanag na kaya mo ito ginagawa ay dahil sa ikabubuti niya.
Kapag may ipapagawa sa anak o ipagbabawal laging sabihin na ginagawa mo ito dahil mahal mo siya at gusto mong mapabuti siya.
Ayon kay Dr. Lickona, ang obedience o pagkamasunurin ay isa sa pinakamahalaga para mag-cooperate ang iyong anak.
Halimabwa pwede mong sabihan sa anak mo na gusto mo siyang sumunod dahil sasaya ka kapag sumunod ka.
-
Hindi mo tinuturuan ang anak mo sa madaling paraan kung bakit niya dapat gawin ang isang bagay
Larawan mula sa iStock
Minsan tayong mga magulang inaakala natin na madali para sa mga anak natin ang maglipit ng gamit niya o ipaayos ang kaniyang mga damit.
Pero ang totoo may mga batang hindi naman talaga alam ang tamang paraan para magawa ito. Mahalaga na turuan sila ng mas madaling paraan sa mga bagay na ipapagawa mo sa kaniya.
Halimbawa, “Tara anak ipapakita ko sa ‘yo kung paano ito gawin.” Turuan siya ng mahinahon at kalmado. Minsan hindi natin talaga maiiwasang mainis pero dapat hindi. Sapagkat bata pa sila hindi nila agad basta-basta mauunawaan ang isang bagay ng isang sabi lang.
Ang ilang pang halimbawa, kapag nagkamali siya o may nagawa siyang kasalanan imbes na magalit ka.
Ipaliwanag na kapag may nagawa siyang mali ay dapat siyang humingi ng sorry sa ‘yo at aminin ang mga pagkakamali niya. Sa paraan din itong hindi lalaking walang malasakit ang isang bata.
-
Kapag hindi mo sila ginagawang accountable sa iyong mga expectation
Isang halimbawa rito ay kapag pinapatulog mo na at pinapapunta sa higaan pero hindi niya ginawa. Huwag hayaan o hintayin siyang sumunod, dapat alam niya na kailangan niyang gawin ito.
Pwede mo rin tanungin halimbawa, “Anong rule natin tungkol sa mga laruan mo pagkatapos maglaro?” Dapat alam niya ito at ipa-enforce mo ang rule mo sa kaniya.
Para malaman niya ang kalahagan ng pagsunod at hindi siya lumaking walang malasakit na bata. Kinakailangan din kasi na matuto ang bata na pahalagahan ang damdamin ng ibang tao at sumunod sa tama.
Larawan mula sa iStock
Tandaan parents hindi dahil nagawa mo ang mga ito hindi ibig sabihin ay hindi mo na mapapasunod ang iyong anak at lalaki na siyang walang malasakit na bata.
Mayroon pa rin oras na itama ito lalo na kung bata ang iyong anak. Huwag ka ring titigil na turuan siya. Maaaring challenging nga ito pero lahat ng bagay ang makakaya basta nanaisin natin.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!