Sa panahon natin ngayon, mahirap na ang magpalaki ng bata. Ito’y dahil sa iba’t ibang epekto ng kanilang kinakalakihang kapaligiran. Kaya naman ang ibang magulang, binibigyan ng importansya kung paano maging mabuting bata ang kanilang anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano maging mabuting bata?
- Paggawa ng kabutihan ng magkasama
- Pagturo sa mga bata na maging mabuti sa kanilang mga sarili
Habang tumatagal ang panahon, ang mukha ng bawat isa ay nagiging maskara na lamang. Isang pagkakamali, libo-libo na ang huhusga sa iyong pagkatao lalo na sa online.
Bilang magulang, may kakayahan tayo na protektahan ang ating mga anak na hindi sumunod sa yapak ng ibang tao at kabutihan lamang ang kaya nilang ipakalat. Magsisimula ito sa loob ng inyong bahay.
Paano maging mabuting bata: Tamang pagpapalaki
Sa perpektong mundo, hindi dapat tinuturo ang pagiging mabuting tao dahil ito ay likas na sa indibidwal. Sa kabila ng kaguluhan, may kakayahan tayong magulang na palakihin ang ating mga anak bilang isang mabuting anak, kaibigan, mamamayan o tao.
Paano maging mabuting bata? | Image from Unsplash
Ayon sa Parents Value Study, ang mga magulang noong 2020 ay mas binibigyan nila ng importansya ang pagiging mabait ng kanilang anak. Para rin sa mga eksperto, makakatulong ang pagiging mabuti nila para mapabuti ang kanilang self-esteem habang lumalaki.
Ngunit paano nga maging mabuting bata? Paano ito maituturo nating mga magulang?
Siyempre, hindi ibig sabihin nito na kaya mong turuan ng kabutihan ang iyong anak sa isang gabi lamang. Isa itong proseso na maituturo sa iyong anak at buong pamilya.
Narito ang paraan kung paano maging mabuting bata ang iyong anak.
Paano ituro ang kabutihan sa bata?
Ang kapangyarihan ng salita
Hindi kontrol ng mga bata ang kanilang sinasabi. Kaya naman makakatulong kung bigyan sila ng pangaral kung ano ang pagkakaiba ng salitang nakakasakit sa hindi.
1. Pagsasabi ng “pakiusap”
Ang salitang ito ay maituturing na magic word. Dahil ito’y nagpapakita ng tamang asal pati na rin ang pagiging mapagkumbaba nila.
2. Paghingi ng tawad
Ang paghingi ng tawad ng isang bata ay paraan para malaman nila ang kanilang pagkakamali sa isang bagay. Maiintindihan nila ang konsepto ng pagpapatawad at paghingi ng tawad.
3. Pagpuri sa kanilang kabutihan
Kapag nakita mong mabait ang iyong anak sa kaniyang mga kalaro ng hindi mo tinuturuan, ‘wag kalimutang purihin ang kanilang ginawang aksyon.
BASAHIN:
STUDY: Paglalaro ng bata, nakakatulong sa development ng kanilang emosyon
STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak
Paano tumalino ang baby? 8 paraan para tumaas ang IQ ng anak mo
4. Pagpapakita ng pasasalamat
Ang simpleng “salamat” ay kaya nang buuin ang araw ng isang tao. Sila man ay waiter, bus driver o iyong malapit na kaibigan. Parte ng pagiging isang mabuting bata ang pag-appreciate sa ginagawa ng iba.
5. Pag-aaral ng ibang wika
Ang pag-aaral ng ibang kultura o tradisyon ng bata ay makapagtuturo sa kanila ng acceptance. Ito man ay pagkakaiba ng kasarian o etnisidad. Napapabuti rin ang kaalaman ng isang bata sa mga pananaw ng tao dahil sa iba’t ibang lenggwahe na ito.
Paggawa ng kabutihan ng magkasama
May kasabihan nga tayo na, “Action speak louder than words.” Pasok dito ang pagtuturo sa iyong anak ng kabutihan. Siyempre, kasama ka.
1. Hayaang tumulong sila sa gawaing bahay
Ayon sa mga eksperto, ang pagbigay ng gawaing bahay sa iyong anak ay makakatulong para malaman nilang mahalaga ang parte nila sa pamilya. Maaaring ito ay ang simpleng pagliligpit ng kanilang laruan, pagtulong sa pagluto o kaya naman paglalagay sa tamang lagayan ng kanilang gamit na damit.
2. Maging halimbawa
Nagsisimula ang pagiging mabuti ng bata sa loob ng bahay. Kaya naman maging role model para sa iyong anak. Ayon sa pag-aaral, mas nagiging maunawain ang isang bata kapag lumaki siya sa magulang na ganito rin ang pag-uugali.
Paano maging mabuting bata? | Image from Unsplash
3. Pagiging mapagbigay
Malaking bagay nang maituturing ang pagbibigay ng maliit na halaga sa ibang tao. Turuang maging mapagbigay ang iyong anak sa kaniyang mga kalaro o ibang tao sa pamamagitan ng charity o donation ng kanilang laruan at damit na hindi na ginagamit.
4. Pagdamay sa isang tao
Kung maglungkot ang isang tao, turuan ang iyong anak na kailangan nilang magbigay ng tulong dito.
5. Magpakita ng suporta
Kung natalo sa laro ang iyong anak o nagkaroon ng mababang marka sa eskuwelahan, ‘wag kakalimutang bigyan pa rin sila ng papuri na ginawa nila ang kanilang makakaya. Magsisilbi itong motivation sa kanila.
Pagiging mabuti
1. Paganahin ang kanilang imagination
Para maintindihan ng iyong anak ang kalagayan ng ibang tao, maaaring iparanas sa kanila ito. Sa paraang ito, magkakaroon sila ng ideya o kaalaman kung paano mamuhay ng ibang tao. Makakatulong din ang iba’t ibang character sa cartoon o libro na kanilang binabasa.
2. Free play
Ayon sa pag-aaral, ang “pretend play” ay nakakatulong para mapabuti ang kanilang empathy o pagiging matulungin sa ibang tao. Maaaring ito ay paglalaro ng manika o pagkakaroon ng alagang hayop.
3. Ang kahalagahan ng pagbibigay
Udyokan ang iyong anak na ibahagi ang kaniyang laruan o pagkain sa ibang bata. Makakatulong ito sa kanila para maging pantay ang trato sa bawat isa. Maiintindihan nila ang konsepto ng pagbibigayan.
Paano maging mabuting bata? | Image from Unsplash
Pagturo sa mga bata na maging mabuti sa kanilang mga sarili
Bago maging mabuti sa iabng tao, kailangang turuan din ang iyong anak na ‘wag kakalimutan ang kanilang mga sarili. Ayon sa mga eksperto, ito ang pinakamagandang dapat ituro sa pamamagitan ng social and emotional learning (SEL). Sa paraang ito, maiintindihan nila ng todo ang kanilang emosyon at kung paano ang komunikasyon sa iba.
Ang SEL ay makakatulong para mapabuti ang pagkatao ng itong anak. Napapaunlad nito ang responsibilidad, pagmamalasakit at pag-aalala sa ibang tao.
Narito ang limang social at emotional skills na makakatulong sa iyong anak para maging mabait.
- Self-awareness. Nakakatulong sa mga bata para malaman ang kahulugan ng isang emosyon. Ito rin ay nag-uugnay sa kanilang personal na mithiin.
- Social Awareness. Pumapasok sa usapan ang empathy sa iba.
- Self-management. Natutulungan ang bata na kontrolin ang kanilang emosyon at kung paano makaya ang isang problema.
- Relationship Management. Nakakatulong sa iyong anak na magkaroon ng maganda at matibay na relasyon sa ibang tao.
- Responsible decision-making. Malaki ang maitutulong ng magulang para maintindihan ng bata ito. Maging magandang ehemplo sa pagdedesisyon.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!