X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

50 pesos ulam recipe: 11 ulam recipes na swak sa budget at for the family!

7 min read

Nahihirapang mag-isip ng ulam na pasok sa budget para sa inyong pamilya? Subukan ang mga 50 pesos ulam recipe na ito na siguradong mai-enjoy nila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga 50 pesos ulam recipe for the family.
  • Ano ang sangkap at paano ihanda ang mga recipe na ito.

50 pesos ulam recipe for the family

50 pesos ulam recipe: 11 ulam recipes na swak sa budget at for the family!

Food photo created by freepik – www.freepik.com

Sa ngayon kung saan nahaharap tayo sa matinding problemang pang-kalusugan na sasabayan pa ng pagtaas ng mga bilihin, ang tanging opsyon lang natin ay ang magtipid.

Bagamat may kahirapan itong gawin lalo pa’t sa araw-araw ay kailangan nating kumain, ito naman ay posible. Ang isang hakbang nga na maaaring gawin ay sa pamamagitan ng paghahanda ng mga ulam na hindi kamahalan.

Kaya naman para matulungan kang makatipid at makapaghanda ng masarap na ulam para sa iyong pamilya ay narito ang 50 pesos ulam recipes na siguradong magugustuhan nila. Kahit na ng iyong mga maliliit na anak.

1. Tortang Sardinas

Mga sangkap:

1 latang sardinas (P19)

2 pirasong itlog (P15)

3 butil na bawang (P5)

1 pirasong sibuyas (P5)

Mantika (P5)

Asin at paminta

Paraan ng pagluluto:

  1. Una ay i-drain ang sardinas saka ito durugin gamit ang tinidor. Itabi ang sauce dahil maari mo parin itong gamitin bilang pang-dagdag sarap sa mainit na kanin.
  2. Sa isang bowl ay haluin ang dinurog na sardinas at ang hiniwang bawang at sibuyas.
  3. Biyakin at ilagay dito ang dalawang pirasong itlog. Kung may available na harina ay maari ring haluan ito para sa dagdag na volume.
  4. Timplahan ng asin at paminta saka haluin.
  5. I-prito sa mantika ang pinaghalong mga sangkap depende sa laki o hugis na iyong nais.
  6. Maaring i-garnish sa ibabaw ng iyong nalutong tortang sardinas ang sauce nito para sa dagdag na lasa.

2. Ginataang Kalabasa

Nahihirapang mag-isip ng ulam na pasok sa budget para sa inyong pamilya? Subukan ang mga 50 pesos ulam recipe na ito na siguradong mai-enjoy nila. Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod: • Mga 50 pesos ulam recipe for the family. • Ano ang sangkap at paano ihanda ang mga recipe na ito. 50 pesos ulam recipe for the family Sa ngayon kung saan nahaharap tayo sa matinding problemang pang-kalusugan na sasabayan pa ng pagtaas ng mga bilihin, ang tanging opsyon lang natin ay ang magtipid. Bagamat may kahirapan itong gawin lalo pat sa araw-araw ay kailangan nating kumain, ito naman ay posible. Ang isang hakbang nga na maaring gawin ay sa pamamagitan ng paghahanda ng mga ulam na hindi kamahalan. Kaya naman para matulungan kang makatipid at makapag-handa ng masarap na ulam para sa iyong pamilya ay narito ang 50 pesos ulam recipes na siguradong magugustuhan nila. Kahit na ng iyong mga maliliit na anak. 1Tortang Sardinas Mga sangkap: 1 latang sardinas (P19) 2 pirasong itlog (P15) 3 butil na bawang (P5) 1 pirasong sibuyas (P5) Mantika (P5) Asin at paminta Paraan ng pagluluto: 1. Una ay i-drain ang sardinas saka ito durugin gamit ang tinidor. Itabi ang sauce dahil maari mo parin itong gamitin bilang pang-dagdag sarap sa mainit na kanin. 2. Sa isang bowl ay haluin ang dinurog na sardinas at ang hiniwang bawang at sibuyas. 3. Biyakin at ilagay dito ang dalawang pirasong itlog. Kung may available na harina ay maari ring haluan ito para sa dagdag na volume. 4. Timplahan ng asin at paminta saka haluin. 5. I-prito sa mantika ang pinaghalong mga sangkap depende sa laki o hugis na iyong nais. 6. Maaring i-garnish sa ibabaw ng iyong nalutong tortang sardinas ang sauce nito para sa dagdag na lasa. 2 Ginataang Kalabasa Mga sangkap: Piraso ng kalabasa (P20) Gata ng niyog (P15) Bawang (P3) Sibuyas (P5) Mantika (P7) Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain ang kalabasa sa mga kwadradong piraso. 2. Sa kawali ay igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 3. Sunod na ilagay ang gata ng niyog at hayaan itong kumulo. 4. Ilagay ang mga hiniwang piraso ng kalabasa hanggang sa ito ay maluto. 5. Timplahan ng asin at paminta. 6. Para sa dagdag na lasa ay maari itong lagyan ng kaunting bagoong alamang. O kaya naman ay mga maliliit na piraso ng karne. Puwede rin itong lagyan ng dahon ng malunggay kung available sa inyong bakuran. 3 Ginisang corned beef na may itlog Mga sangkap: 1 latang corned beef (P30) 1 pirasong itlog (P8) Bawang at sibuyas (P7) Mantika (P5) Paraan ng pagluluto: 1. Igisa sa mantika ang bawang at sibuyas. 2. Sunod na ilagay at igisa ang corned beef. 3. Batihin ang itlog at timplahan ng asin at paminta. 4. Saka ito ilagay sa ginigisang corned beef at halu-haluin. 4 Ginisang gulay o pakbet Mga sangkap: Hiniwang gulay na pampakbet (P30) Bagoong alamang (5) Bawang at sibuyas (10) Mantika (5) Paraan ng pagluluto: 1. Igisa sa mantika ang bawang at sibuyas. 2. Sunod na igisa ang bagoong alamang. Tantyahin o i-base sa dami ng gulay na iyong lulutuin para hindi masyadong umalat. Hayaang maluto ang bagoong o mamula-mula. 3. Ilagay ang hiniwang gulay. Halu-haluin sa loob ng isang minuto. 4. Sunod na lagyan ng kaunting tubig para kumulo at tuluyan itong maluto. 5 Ginisang sardinas na may pechay Mga sangkap: 1 latang sardinas (P19) 1 taling pechay (P10) Bawang at sibuyas (P10) Mantika (P5) Asin at paminta Paraan ng pagluluto: 1. Igisa sa mantika ang hiniwang bawang at sibuyas. 2. Sunod na ilagay ang sardinas kasama ang sauce nito. Pakuluin. 3. Kapag kumukulo na ay ilagay ang hiniwang pechay sa maliliit na piraso. Lagyan ng kaunting tubig para maayos na maluto at para mayroon itong sabaw. 4. Timplahan ng asin at paminta. 6 Tortang hotdog Mga sangkap: Hotdog (P25) 2 pirasong itlog (P15) Mantika (P10) Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain ang hotdog sa maliliit na piraso. 2. Batihin ang itlog at ihalo rito ang hiniwang piraso ng mga hotdog. 3. Timplahan ito ng asin at paminta. 4. Saka ito i-prito sa mantika depende sa hugis o laki na iyong gusto. 7 Adobong kangkong Mga sangkap: 2 tali ng kangkong (P20) Bawat at sibuyas (P8) Pack ng chicharon (P10) Mantika (P5) Pares pack ng toyo at suka (P6) Paraan ng pagluluto: 1. Tanggalin ang mga dahon ng kangkong saka hiwain o putul-putulin ang mga tangkay nito. 2. Sa mainit na mantika ay igisa ang bawang at sibuyas. 3. Sunod na igisa ang mga tangkay ng kangkong at lagyan ng kaunting tubig para maayos na maluto. 4. Isunod ang mga dahon ng kangkong saka lagyan ng tamang dami ng toyo. 5. Pakuluin ng bahagya at lagyan ng suka. 6. Timplahan ng asin at paminta. 7. Hayaang maluto at lagyan ng chicharon sa itaas kapag ihahain na. 8 Ginisang togue Mga sangkap: 1 balot ng togue (P20) 1 pirasong kamatis (P5) Bawang at sibuyas (P8) Mantika (P5) Pork cubes (P6) Hibe o pinatuyong hipon (P5) Paraan ng pagluluto: 1. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika hanggang sa maluto. 2. Sunod na igisa ang hibe hanggang sa mamula. 3. Lagyan ng kaunting tubig at isunod ang pork cubes hanggang sa ito ay matunaw. 4. Saka ilagay ang togue at hayaang kumulo. 5. Timplahan ng asin at paminta hanggang sa ito ay maluto. 9 Ginisang monggo Mga sangkap: 1 paketeng monggo (P20) 2 pirasong kamatis (P10) Bawang at sibuyas (P8) Mantika (P5) Pork o shrimp cubes (P6) Paraan ng pagluluto: 1. Ibabad ang monggo ng 30 minuto sa tubig upang lumambot o humiwalay ang mga matitigas ng piraso nito. 2. Maari rin itong hiwalay ng pakuluan sa tubig hanggang sa lumambot. 3. Sa kawali ay igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. 4. Sunod na ilagay ang naluto at pinakuluang monggo. 5. Lagyan ng pork o shrimp cubes para magkalasa. 6. Timplahan ng asin at paminta. 7. Para sa dagdag na lasa ay maari itong haluan ng dinurog na chicharon. O kaya naman ay dahon ng malunggay kung available sa inyong bakuran. 10. Tokwa with oyster sauce Mga sangkap: 4 pirasong tokwa (P20) Bawang at sibuyas (P8) Mantika (P10) Oyster sauce (P6) Dahon ng sibuyas (5) Paraan ng pagluluto: 1. Iprito sa mantika ang tokwa at hiwain sa maliliit na kwadrado piraso. 2. Sa kawali ay igisa ang hiniwang bawang at sibuyas. 3. Sunod na igisa ang hiniwang maliliit na piraso ng piniritong tokwa. 4. Maya-maya ay ilagay na ang oyster sauce para magkalasa. 5. Sunod na ilagay ang dahon ng sibuyas at halu-haluin. 6. Isalang saglit sa apoy saka agad na hanguin dahil ito ay luto na. 11 Ginisang sayote Mga sangkap: 2 pirasong sayote (P20) Kamatis (P5) Bawang at sibuyas (P8) Mantika (P10) Hibe o dried na hipon (5) Paraan ng pagluluto: 1. Balatan at hiwain sa maliit na piraso ang sayote. 2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika hanggang sa maluto. 3. Sunod na igisa ang hibe hanggang sa mamula. 4. Lagyan ng kaunting tubig at saka ilagay ang sayote. Hayaang kumulo hanggang sa maluto. 5. Timplahan ng asin at paminta o seasoning para maging malasa. Sana ay makatulong sa inyo ang mga 50 pesos ulam recipe na tampok sa artikulong ito. Ang mga nabanggit na recipe ay maaring pasarapin sa pamamagitan ng pagdadagdag ng sangkap na naaayon parin sa inyong budget.

Image from Yummy.ph

Mga sangkap:

Piraso ng kalabasa (P20)

Gata ng niyog (P15)

Bawang (P3)

Sibuyas (P5)

Mantika (P7)

Paraan ng pagluluto:

  1. Hiwain ang kalabasa sa mga kwadradong piraso.
  2. Sa kawali ay igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
  3. Sunod na ilagay ang gata ng niyog at hayaan itong kumulo.
  4. Ilagay ang mga hiniwang piraso ng kalabasa hanggang sa ito ay maluto.
  5. Timplahan ng asin at paminta.
  6. Para sa dagdag na lasa ay maari itong lagyan ng kaunting bagoong alamang. O kaya naman ay mga maliliit na piraso ng karne. Puwede rin itong lagyan ng dahon ng malunggay kung available sa inyong bakuran.

3. Ginisang corned beef na may itlog

Mga sangkap:

1 latang corned beef (P30)

1 pirasong itlog (P8)

Bawang at sibuyas (P7)

Mantika (P5)

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa sa mantika ang bawang at sibuyas.
  2. Sunod na ilagay at igisa ang corned beef.
  3. Batihin ang itlog at timplahan ng asin at paminta.
  4. Saka ito ilagay sa ginigisang corned beef at halu-haluin.

4. Ginisang gulay o pakbet

Mga sangkap:

Hiniwang gulay na pampakbet (P30)

Bagoong alamang (5)

Bawang at sibuyas (10)

Partner Stories
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'

Mantika (5)

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa sa mantika ang bawang at sibuyas.
  2. Sunod na igisa ang bagoong alamang. Tantyahin o i-base sa dami ng gulay na iyong lulutuin para hindi masyadong umalat. Hayaang maluto ang bagoong o mamula-mula.
  3. Ilagay ang hiniwang gulay. Halu-haluin sa loob ng isang minuto.
  4. Sunod na lagyan ng kaunting tubig para kumulo at tuluyan itong maluto.

5. Ginisang sardinas na may pechay

Mga sangkap:

1 latang sardinas (P19)

1 taling pechay (P10)

Bawang at sibuyas (P10)

Mantika (P5)

Asin at paminta

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa sa mantika ang hiniwang bawang at sibuyas.
  2. Sunod na ilagay ang sardinas kasama ang sauce nito. Pakuluin.
  3. Kapag kumukulo na ay ilagay ang hiniwang pechay sa maliliit na piraso. Lagyan ng kaunting tubig para maayos na maluto at para mayroon itong sabaw.
  4. Timplahan ng asin at paminta.

BASAHIN:

Pork Sisig Recipe: Pina-healthy ang classic Kapampangan dish 

Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto

Ito tamang pagluto ng itlog upang makaiwas sa Salmonella

6. Tortang hotdog

Mga sangkap:

Hotdog (P25)

2 pirasong itlog (P15)

Mantika (P10)

Paraan ng pagluluto:

  1. Hiwain ang hotdog sa maliliit na piraso.
  2. Batihin ang itlog at ihalo rito ang hiniwang piraso ng mga hotdog.
  3. Timplahan ito ng asin at paminta.
  4. Saka ito i-prito sa mantika depende sa hugis o laki na iyong gusto.

7. Adobong kangkong

50 pesos ulam recipe

Image from Simply Bakings

Mga sangkap:

2 tali ng kangkong (P20)

Bawat at sibuyas (P8)

Pack ng chicharon (P10)

Mantika (P5)

Pares pack ng toyo at suka (P6)

Paraan ng pagluluto:

  1. Tanggalin ang mga dahon ng kangkong saka hiwain o putul-putulin ang mga tangkay nito.
  2. Sa mainit na mantika ay igisa ang bawang at sibuyas.
  3. Sunod na igisa ang mga tangkay ng kangkong at lagyan ng kaunting tubig para maayos na maluto.
  4. Isunod ang mga dahon ng kangkong saka lagyan ng tamang dami ng toyo.
  5. Pakuluin ng bahagya at lagyan ng suka.
  6. Timplahan ng asin at paminta.
  7. Hayaang maluto at lagyan ng chicharon sa itaas kapag ihahain na.

8. Ginisang togue

Mga sangkap:

1 balot ng togue (P20)

1 pirasong kamatis (P5)

Bawang at sibuyas (P8)

Mantika (P5)

Pork cubes (P6)

Hibe o pinatuyong hipon (P5)

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika hanggang sa maluto.
  2. Sunod na igisa ang hibe hanggang sa mamula.
  3. Lagyan ng kaunting tubig at isunod ang pork cubes hanggang sa ito ay matunaw.
  4. Saka ilagay ang togue at hayaang kumulo.
  5. Timplahan ng asin at paminta hanggang sa ito ay maluto.

9. Ginisang monggo

50 pesos ulam recipe

Image from Panlasang Pinoy

Mga sangkap:

1 balot ng monggo (P20)

2 pirasong kamatis (P10)

Bawang at sibuyas (P8)

Mantika (P5)

Pork o shrimp cubes (P6)

Paraan ng pagluluto:

  1. Ibabad ang monggo ng 30 minuto sa tubig upang lumambot o humiwalay ang mga matitigas ng piraso nito.
  2. Maari rin itong hiwalay ng pakuluan sa tubig hanggang sa lumambot.
  3. Sa kawali ay igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  4. Sunod na ilagay ang naluto at pinakuluang monggo.
  5. Lagyan ng pork o shrimp cubes para magkalasa.
  6. Timplahan ng asin at paminta.
  7. Para sa dagdag na lasa ay maari itong haluan ng dinurog na chicharon o dilis. O kaya naman ay dahon ng malunggay, alugbati o talbos ng kamote kung available sa inyong bakuran.

10. Tokwa with oyster sauce

Mga sangkap:

4 pirasong tokwa (P20)

Bawang at sibuyas (P8)

Mantika (P10)

Oyster sauce (P6)

Dahon ng sibuyas (5)

Paraan ng pagluluto:

  1. Iprito sa mantika ang tokwa at hiwain sa maliliit na kwadrado piraso.
  2. Sa kawali ay igisa ang hiniwang bawang at sibuyas.
  3. Sunod na igisa ang hiniwang maliliit na piraso ng piniritong tokwa.
  4. Maya-maya ay ilagay na ang oyster sauce para magkalasa.
  5. Sunod na ilagay ang dahon ng sibuyas at halu-haluin.
  6. Isalang saglit sa apoy saka agad na hanguin dahil ito ay luto na.

11. Ginisang sayote

Mga sangkap:

2 pirasong sayote (P20)

Kamatis (P5)

Bawang at sibuyas (P8)

Mantika (P10)

Hibe o dried na hipon (5)

Paraan ng pagluluto:

  1. Balatan at hiwain sa maliit na piraso ang sayote.
  2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika hanggang sa maluto.
  3. Sunod na igisa ang hibe hanggang sa mamula.
  4. Lagyan ng kaunting tubig at saka ilagay ang sayote. Hayaang kumulo hanggang sa maluto.
  5. Timplahan ng asin at paminta o seasoning para maging malasa.

Sana ay makatulong sa inyo ang mga 50 pesos ulam recipe na tampok sa artikulong ito. Ang mga nabanggit na recipe ay maaring pasarapin sa pamamagitan ng pagdadagdag ng sangkap na naaayon parin sa inyong budget.

Photo:

iStock

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • 50 pesos ulam recipe: 11 ulam recipes na swak sa budget at for the family!
Share:
  • Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

    Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

  • Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto

    Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto

  • Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

    Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

    Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

  • Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto

    Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto

  • Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

    Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.