Beke: Sintomas, Paggamot at mga Posibleng Komplikasyon

Beke: Sintomas, Paggamot at mga Posibleng Komplikasyon

Isang virus ang pinagmumulan, na maaaring lumala kung hindi maaagapan—gaano ba ka-seryoso ang sakit na ito?

Naalala ko pa ang sakit na ito na mas karaniwan nung panahon na bata pa ako. Pero dahil sa bakunang napalaganap simula ng 1967, naging bihira na ang “outbreak”  ng beke in english, mumps. Sanhi ito ng isang virus, at kumakalat sa pamamagitan ng laway (o pagtalsik nito). Oo, mabilis na nakakahawa ang sakit na ito, ayon kay Dr. Arsenio Meru, MD. Ang pagbahing, pagtawa, pagtalsik ng laway habang nagsasalita, at pag-inom sa baso ng may sakit, ay ilan sa mga pinakamabilis na paraan ng pagkahawa.

Beke: Sintomas, Paggamot at mga Posibleng Komplikasyon

Kapag nahawa, naiimpeksiyon ang ilang bahagi ng katawan lalo na ang parotid salivary glands— ang glands na pinanggagalingan ng laway ng bibig. Paliwanag ng  MedinePlus Journal, ang parotid salivary glands ay nasa likod ng pisngi, sa gitna ng tenga at panga. Dahil sa impeksiyon sanhi ng virus, namamaga ang bahaging ito ng mukha at malubha ang pagsakit.

11 Bagay na dapat malaman tungkol sa beke

Beke: Sintomas, Paggamot at mga Posibleng Komplikasyon

1. Sa edad 5 hanggang 14 karaniwang nagkakaron ng beke ang mga bata.

May mga ilang kaso pa rin ng beke sa mga adults, pero mas karaniwan ito sa mga bata.

2. Bihira ang mga kaso na magkaroon ng beke ng pangalawang beses ang isang tao

bagama't hindi ito imposible. Mas karaniwang protektado na ang mga taong nagkaron na ng beke ng isang beses. Kaya’t hindi na sila nagkakaron pa ulit, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention-USA.

3. Ilang sintomas ng beke ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, at sakit ng mga muscles

Dagdag pa riyan ang pakiramdam na pagod na pagod, at walang ganang kumain. Saka pa lang mapapansing namamaga ang salivary glands at makikita sa ilalim ng tenga o sa panga, sa isang side ng mukha o parehong side. Hirap ngumuya, lumunok, o magsalita ang may beke.

4. Posibleng hindi makaranas o makita ang mga sintomas ng beke

Maaaring hindi agad makikita o makaranas ng sintomas ng beke agad-agad. Kaya naman mahirap masabi kung may beke ka o wala.

5. Karaniwang tumatagal ng 7 hanggang 12 araw lang ang sakit o sintomas ng beke.

Aabot ng isang linggo bago tuluyang mawala ang pamamaga.

6. Pinakanakakahawa ang mga may beke 2 araw bago lumabas ang sintomas.

Hanggang 6 na araw pagkatapos mawala ito, ayon kay Dr. Meru. Maaari ring  maging “carrier” ang mga taong walang sintomas.

7. Walang paggamot sa beke

Subalit may bakuna mula pa sa pagkasanggol: ang measles-mumps-rubella (MMR) vaccine ang mabisang proteksiyon lalo na sa mga bata. Ibinibigay ang unang dose sa edad na 12–15 buwan, at 4-6 taong gulang naman ang second dose. Kailangang makumpleto ang 2 doses ng MMR vaccine para maging lubusang epektibo ito. Dahil sa MMR vaccine, itinuturing nang rare disease ang beke. 

8. Maaaring gamutin ang mga sintomas (lagnat, sakit ng katawan, atbp)

Puwede namang magamot ang sinotmas ng beke habang nagtatrabaho ang immune system para maalis ang impeksiyon sa katawan. Dahil ang beke'y isang virus, hindi magagamot ito ng antibiotics.

9. Kailangang obserbahan ang temperature ng pasyente

Siguraduhing dalhin sa doktor ang pasyente kung higit sa 39ºC ang lagnat. Maaaring bigyan ang bata ng acetaminophen o ibuprofen, para sa lagnat at sakit. Huwag bigyan ng aspirin dahil ang gamot na ito ay HINDI para sa mga sakit na viral, at ang pag-inom nito ay maaaring maging sanhi ng liver failure at pagkamatay.

10. Malambot na pagkain o iyong madaling nguyain o kainin ang dapat na ipakain sa may beke.

Tandaan na masakit ang pag-nguya at paglunok ng pasyente, kaya’t puro sopas at fluids lang ang mabuti para sa may beke. Mas masakit ang beke kung iinom ang pasyente ng acidic juices tulad ng orange juice at lemonade, kaya’t iwasan ito. Mas makakabuti ang tubig para sa mga bata, at decaffeinated soft drinks at tea (para sa mga matatandang pasyente).

11. Hindi kailangang pahigain lang ang batang may beke.

Hayaan siyang maglaro kung kaya niya, basta’t hindi sa labas ng bahay, at hindi masyadong nakakapagod na laro tulad ng pagtakbo o pagbibisikleta.

May mga komplikasyon nga ba ang beke?

Beke: Sintomas, Paggamot at mga Posibleng Komplikasyon

Katulad ng nabanggit, bihira ang mga komplikasyon ng sakit na ito. Pero may mga rare cases na naaapektuhan ang utak at membranes, ayon kay Raluca Papadopol, MD ng Mayo Clinic. Kapag may stiff neck, kombulsiyon o seizure, labis na pagkahilo, malalang kaso ng sakit ng ulo, nahimatay, at sumasakit ng labis ang abdomen o tiyan, maaaring senyales ito ng problema sa pancreas sa mga lalaki at obaryo sa mga babae.

Nariyan din ang ilang komplikasyon na dulot ng beke. Tulad ng Meningitis o pamamaga ng tissue na bumabalots sa utak at spinal cord, pagkabingi, Encephalitis o pamamaga ng utak, Orchitis o pamamaga ng testicles sa lalaki na nasa puberty stage, at Oophoritis o pamamaga ng obaryo at/o mastitis o pamamaga ng suso, sa mga babae na nasa puberty stage.

Dagdag pa riyan

Ang isang malubhang komplikasyon ay ang miscarriage o pagkalaglag ng bata, kung ang pasyente ay nagbubuntis.

May mga kumalat ding maling balita dati na ang MMR vaccine. May kinalaman umano ito sa mga kaso ng autism sa mga bata. Pinabulaanan ito ng mga scientists mula sa American Academy of Pediatrics, Institute of Medicine, Centers for Disease Control and Prevention at Department of Health, sa Amerika. Ganun din sa  Pilipinas, at iba pang mga bansa sa buong mundo na nagkaroon na ng masusing pag-aaral tungkol dito. WALANG kinalaman ang MMR vaccine sa anumang kaso ng autism.

Kumunsulta agad sa doktor kung na-expose ang bata sa taong may beke. Ang doktor ang makakapag-kumpirma kung may beke ang bata. Kailangan din kasing ipaalam ng mga sdoktor sa mga health authorities ang lahat ng kaso ng beke. Para malaman kung may outbreak. Kung may measles outbreak, nirerekomenda ng mga doktor na mabakunahan ng MMR vaccine ang mga batang edad 1 hanggang 4 na taon.

Ang mga indibiwal na nasa kolehiyo na, mga palaging naglalakbay sa ibang bansa o international travelers, at health care workers ay hinihikayat na magpabakuna din.

 

 

BASAHIN:

The MMR Vaccine - Hard Facts to the Dangerous Half-Truths

Nakakabaog ba ang beke?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Inedit ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner