Gamot sa sakit ng sikmura: 15 paraan para maibsan ang acid reflux

Gawin ang mga ito para maiwasan at malunasan ang sakit ng sikmura dulot ng hyperacidity.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahapdi at nangangasim ba ang iyong sikmura at paminsan-minsa’y nasusuka? Mayroong mga gamot sa sakit ng sikmura na mabibili sa mga botika. Mayroon din namang mga hakbang na maaaring gawin para maiwasan ang sakit sa sikmura. Alamin dito!

Hyperacidity o acid reflux

Ang acid reflux o hyperacidity ay nangyayari kapag ang acid mula sa tiyan ay umakyat sa esophagus. Ang esophagus ay ang tubong nagdadala ng pagkain at inumin mula sa ating bibig pababa sa ating tiyan.

Ito ay normal at hindi delikado. Ngunit kung ito ay nangyayari nang madalas ay maari nitong masunog ang loob ng esophagus.

Kung ito naman ay nararanasan nang dalawang beses sa isang linggo, ito ay nauuwi na sa GERD o gastroesophageal reflux disease. Ang pinaka-common na sintomas ng acid reflux ay ang heartburn. Ito ay ang masakit o burning feeling sa dibdib o lalamunan.

Maliban dito ang iba pang sintomas ng acid reflux ay ang acidic taste sa bibig at hirap sa paglunok na sinasabayan rin ng pananakit ng sikmura. Ang iba pang sintomas na maaaring maranasan ay ubo, asthma, tooth erosion at inflammation ng sinus.

Ang kilalang gamot laban sa hyperacidity ay ang over-the-counter drug na omeprazole. Ngunit maliban sa pag-inom ng gamot, natuklasan ng siyensa na mas epektibo ang lifestyle change para tuluyan nang gumaling mula rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman para maiwasan at malunasan, narito ang mga gamot sa sakit ng sikmura na dulot ng acid reflux o hyperacidity.

Image from Freepik

15 na gamot sa sakit ng sikmura o hyperacidity

1. Huwag kumain nang sobra.

Ang esophagus ay nakakonekta sa tiyan sa pamamagitan ng ring-like muscle na kung tawagin ay lower esophageal sphincter.

Ito ang nagsisilbing valve o tagapigil sa mga acidic contents mula sa tiyan na umakyat sa esophagus. Bumubukas ito nang kusa kapag tayo ay lumulunok o sumusuka. Ngunit, kapag hindi ito ay nakasara.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa may mga acid reflux, ang muscle na ito ay humihina o nagiging dysfunctional. Kaya naman hindi na nito napipigilan pa ang mga acid mula sa tiyan na hindi umakyat sa esophagus.

Kapag naman nagkaroon ng sobrang pressure sa tiyan gaya ng sobrang pagkabusog ay maiipit at aakyat ang acid pataas na nagpapalala ng acid reflux.

Kaya naman para maiwasan ito, ay dapat hindi kumain nang sobra at tama lang para sa iyong tiyan. Isang tip para dito ay kumuha lamang muna ng kaunting pagkain na ilalagay sa iyong pingkan.

Sa ganitong paraan maiiwasan ang pagkain ng sobra o labis na pagkabusog, na maaaring mauwi sa acid reflux.

2. Magbawas ng timbang.

Ang pressure sa tiyan na maaaring makapagpaakyat ng acid sa esophagus ay dulot din ng sobrang belly fat. Kaya naman madalas na nararanasan ng mga buntis at obese ang hyperacidity.

May mga pag-aaral ding nagsabi na ang sobrang timbang sa abdominal area ay nagpapataas ng tiyansa ng GERD. Habang may ilang pag-aaral naman ang nagsabing ang pagbabawas ng timbang ay nakakabawas ng sintomas ng acid reflux.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahirap man gawin ito sa una para sa marami ang mahalaga ay unti-unti ay sinisimulan mo na ito. Masisimulan ito sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at ehersiyo kahit 30 mins a day lamang muna.

3. Mag-low-carb diet.

Ayon sa siyensa ang undigested carbs ang isa sa mga dahilan para magkaroon ng bacterial overgrowth sa tiyan na nagdudulot ng acid reflux.

Ang undigested carbs din ang dahilan kung bakit tayo nakakaramdam ng pagka-bloated sa ating tiyan. Kaya naman para maiwasan ang mga undigested carbs at maibsan ang sintomas ng acid reflux ay magkaroon ng low-carb diet.

Ang low carb diet ay pag-iwas o pag-limit sa mga pagkaing tulad ng kanin at pasta. Magandang palitan halimbawa ang white rice ng brown rice.

Samantala, mas maganda rin sa low carb diet ay ang pagkain ng mga leafy foods. Katulad ng kangkong, sitaw, talbos ng kamote, at iba pa.

4. Limitahan ang pag-inom ng alak.

Ang pag-inom ng alak o alcohol ay mas nagpapalala ng acid reflux at heartburn. Dahil mas dinadagdagan nito ang acid sa tiyan.

Kaya naman para maiwasan ang paglala ng acid reflux ay maghinay-hina o limitahan ang pag-inom ng alak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels kuha ni Toni Cuenca

5. Huwag uminom ng sobrang kape.

Ayon sa mga pag-aaral ang kape ay pansamantalang pinapahina ang lower esophageal sphincter dahilan para mas umatake ang acid reflux.

Pinatunayan ito ng ibang pag-aaral na kung saan natuklasang ang pag-inom ng decaffeinated coffee ay nakakabawas ng sintomas ng reflux kumpara sa regular na kape.

Kung mapapansin mong mas umaatake ang acid reflux sa tuwing umiinom ka ng kape ay pinapayong limitahan mo na ang pag-inom o kaya naman ay tuluyan mo ng iwasan ito.

6. Ngumuya ng gum.

Ayon sa mga pag-aaral ang pag-nguya ng gum ay nakakabawas ng acidity sa esophagus. Partikular na ang mga gum na nagtataglay ng bicarbonate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil paliwanag ng siyensa ang pag-nguya ng gum ay nagdagdag sa produksyon ng saliva na tumutulong naman sa ating esophagus na alisin ang stomach acid dito.

7. Iwasang kumain ng hilaw na sibuyas.

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa may mga acid reflux, natuklasang mas lumala ang sintomas ng heatburn matapos nilang kumain ng pagkaing may hilaw na sibuyas. Ikinumpara ito sa naramdaman nila matapos kumain ng pagkaing hindi nagtataglay ng sibuyas.

Maliban rito, ang hilaw na sibuyas rin ay maaring mag-iritate sa lining ng esophagus na mas nagpapalala ng heartburn.

8. Limitahan ang pag-inom ng mga carbonated beverages.

Lumabas sa mga pag-aaral na ang pag-inom ng mga carbonated water o cola ay nagpapahina rin ng lower esophageal sphincter. Kaya naman mas tumataas rin ang tiyansa ng acid reflux sa tuwing iinom nito kumpara sa plain water.

9. Huwag uminom ng sobrang maasim na citrus juice.

Sa isang pag-aaral na ginawa sa 400 GERD patients, 72% ang nagsabing mas lumala ang sintomas ng acid reflux nila matapos uminom ng orange o grapefruit juice.

Hindi lang ang acidity ng juice ang may dulot nito. Tulad ng sa orange juice na may neutral pH na nag-aggravate ng sintomas ng reflux.

At ang mga constituents na taglay ng mga juice na ito ay ini-irritate ang lining ng esophagus dahilan para mas lumama ang acid reflux.

10. Limitahan ang pagkain ng chocolate.

Bagamat nangangailangan pa ng mas matibay na ebidensya sa epekto ng chocolate sa pag-atake ng acid reflux, may ilang pag-aaral naman ang naisagawa para maipakita ang ugnayan ng dalawa.

Tulag ng isang pag-aaral na nagsabing ang pag-consume ng 4 ounces o 120ml na chocolate syrup ay nagpapahina rin lower esophageal sphincter.

Habang isang pag-aaral rin ang nakatuklas na ang pag-inom ng chocolate ay nagdadagdag ng amount ng acid sa esophagus.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Lisa Fotios

11. Iwasan ang mint kung kinakailangan.

Ang peppermint at spearmint ay ang mga common herbs na ginagamit para bigyan ng lasa ang mga chewing gum, mouthwash at toothpaste.

Kilalang ingredients din sila sa mga herbal teas. Pero ayon sa isang pag-aaral, ang high dose ng mint ay nagpapalala ng sintomas ng acid reflux sa pamamagitan ng pag-iirritate sa loob ng esophagus.

12. I-elevate ang ulo sa iyong pagtulog.

Ayon sa isang pag-aaral, ang pagtaas o pag-elevate ng ulo sa higaan kapag matutulog ay nakakabawas ng reflux episodes at symptoms kumpara sa pagtulog ng walang elevation.

Makakatulong ito sa mga madalas na inaatake ng acid reflux at heartburn sa gabi.

13. Huwag kumain tatlong oras bago matulog.

Para maiwasan ang pag-atake ng acid reflux sa gabi ay iwasan ding kumain tatlong oras bago matulog. Dahil sa pagitan ng mga oras na ito ay hindi na matutunaw ng maayos ng tiyan ang pagkaing kinain. Ito ay magdudulot ng indigestion na nagpapala naman ng sintomas ng acid reflux.

14. Huwag matulog sa iyong right side.

Maraming pag-aaral ang nagsabing ang pagtulog sa iyong right side ay nagpapalala ng sintomas ng acid reflux sa gabi.

Ito ay dahil ang esophagus ay nakakonekta sa kanang bahagi ng tiyan. Ibig sabihin ang lower esophageal sphincter ay nakapwesto sa itaas ng stomach acid kung matutulog ka sa iyong kaliwa.

Habang kapag ikaw ay natulog sa iyong right side, ang stomach acid ay tatakpan ang iyong lower esophageal sphincter dahilan para mag-leak ang acid at umatake ang acid reflux.

Iyan ang ilan sa mga gamot sa sakit ng sikmura o hyperacidity na maari mong gawin para ikaw ay makaiwas sa pahirap at sakit na dulot nito.

15. Iwasan ang pagkain ng maanghang

Ang pagkain ng mga maanghang na pagkain ay maaaring maka-irritate sa inflamed esophagus, na maaaring makapagpalala ng acid reflux o heartburn kaya naman mas maiman na iwas muna sa pagkain ng maanghang na pagkain upang maiwasan ang pagkakaroon ng acid reflux.

Mahirap talaga sa una ang pagbabago ng lifestyle pero sisimulan ito paunti-unti ay magagawa ito. Kaya naman magsimula na magkaroon ng healthy living para maiwasan ang mga kumplikasyon at karamdaman.

Medical na gamot para sa acidic na sikmura

Kadalasan, ang pinagsamang mga home remedies, pagbabago ng lifestyle, at over-the-counter na gamot ang kinakailangan para maibsan ang iyong acid reflux.

Ang mga antacids ang kadalasang iniinom na gamot upang mawala ang pananakit dahil sa iyong acidic na sikmura. Kung sakali naman na hindi pa rin nawawala ang sintomas sa antacids, maaaring magbigay ng iba pang gamot para sa acid reflux ang iyong doktor o sumubok ng kombinasyon ng mga gamot tulad ng mga sumusunod:

  • Foaming agents (Gaviscon) binabalot ang iyong tiyanupang maiwasan ang acid reflux
  • H2 blockers (Pepcid, Tagamet) na binabawasan ang acid production
  • Poton pump inhibitors (Aciphex, Nexium,Prilosec, Prevacid, Protonix) na nakakatulong din makabawas sa produksyon ng acid sa tiyan.
  • Prokinetics (Reglan, Urecholine) nakakatulong na mapalakas ang LES, mabilis na pawalain ang laman ng tiyan, at mabawasan ang acid reflux.

Tandaan na huwag pagsamahin ang mga uri ng antacid o iba pang gamot nang hindi nagpapakonsulta sa iyong doktor.

Risk factors sa pagkakaroon ng acid reflux

Ilan sa mga kadalasang kondisyon na maaaring makapagpataas ng panganib sa mga taong may acid reflux ay:

  • Pagkain nang marami o paghiga matapos kumain
  • Pagiging overweight o obese
  • Pagkain kapag malapit nang matulog
  • Pagkain ng citrus foods, kamatis, tsokolate, mint, bawang, sibuyas, maanghang o matatabang pagkain
  • Pag-inom ng alcoholic beverages, carbonated drinks, kape, at tsaa
  • Paninigarilyo
  • Pagbubuntis
  • Pag-inom ng aspirin, ibuprofen, ilang mga muscle relaxers, o gamot sa blood pressure

Mga posibleng komplikasyon

Kapag hindi naging epektibo ang mga gamot sa acidic na sikmura at mga home remedies para dito, at napabayaan ang acid reflux. May mga komplikasyon na maaaring ikabahala kapag tumagal ang patuloy na pamamaga ng iyong esophagus, at ito ay maaaring magdulot ng:

  • Pagkipot o pagliit ng esophagus (esophageal stricture). Ang sira sa lower esophagus mula sa tiyan ay maaaring maging sanhi ng pamumuo ng scar tissues. Ang scar tissues ay nakakapagpaliit sa daanan ng pagkain, at maaaring magdulot ng hirap sa paglunok.
  • Bukas na sugat sa esophagus (esophageal ulcer). Maaaring mapawala ng stomach acid ang mga tissues sa esophagus, na nagdudulot ng bukas na sugat sa esophagus. Ang esophageal ulcer ay maaaring magdugo, magdulot ng pananakit, at mahirapan sa paglunok.
  • Precancerous na pagbabago sa esophagus (Barrett’s esophagus). Ang pinsala mula sa acid ay maaaring maging dahilan ng pagbabago sa tissue lining sa lower esophagus. Ang mga pagbabagong ito ay nauugnay sa mataas na panganib ng esophageal cancer.

Mga iba pang gamot upang maging balanse ang acid ng katawan

Bukod sa mga medisinang nabanggit na maaaring ireseta ng doktor, may mangilan-ngilang mga tablet para sa sakit sa tiyan na siyang madaling mabili at mahanap.

Nariyan ang ilan sa mga ito na kabilang sa Anti-Inflammatory Drugs na mabisa sa sakit ng tiyan at mga tablet na ito ay ginawa at pinag-aralan upang gamutin ang mga komplikadong sintomas ng hyperacidity:

  • Buscopan
  • Kremel S
  • Gaviscon double action tablet
  • Bisodol tablet
  • Anti-emetic tulad ng Domperidone
  • Ranitidine
  • Omeprazole
  • Naproxen Sodium
  • Vitamin B Complex  

Mainam ang mga tablet na ito para sa sakit ng tiyan o kapag nararamdaman ang mga common symptoms ng hyperacidity o acid reflux, upang agarang matulungan ang katawan na makontrol ang lebel ng acids o maibalanse ito hanggat sa maging normal ang dami.

Dagdag na gamot kung sakaling hindi epektibo ang mga tabletang nabanggit sa itaas.

  • Rolaids
  • Amphogel
  • Maylanta
  • Maalox
  • Gelusil
  • Simethicone
  • Maaari rin ang pagte-take ng Pepcid AC upang makatulong sa stomach pain. Hindi tulad sa ibang gamot, maaari na mabili ang gamot na ito kahit walang preskripsiyon mula sa doktor.

Ang pagkonsumo ng tamang mga gamot, tablets at capsules para sa sakit ng tiyan ang pinakamainam na paraan upang masulusyunan ang nararamdamang acid sa sikmura.

Kung hindi sigurado sa kung ano ang mas epektibong gamot na iinumin, magtanong sa doktor upang resetahan ng gamot kaugnay ng sintomas na nararanasanan.

Natural na lunas sa acidic na sikmura

Umaatake ang hyperacidity kahit pa na normal ang asido sa iyong katawan. Ang pananakit ng tiyan dulot nito ay nakaaalarma, dahil maaari itong humantong sa iba’t ibang komplikasyon.

Kung mayroong mga tablet at capsule o medicinal na gamot para sa sakit ng tiyan,  alamin naman natin kung ano ang mga natural na lunas sa acidic na sikmura na maiibsan ang pananakit ng tiyan at maiwasan ang panganib na dala nito sa ating digestive system.

Larawan mula sa Pexels kuha ng Pixabay

Makatutulong din ang mga natural na gamot bilang alternatibo at hindi na mahirapan pa sa paghahanap ng mga tablet na gamot sa sakit ng tiyan.

  1. Katas ng repolyo. Nakatutulong ito sa pagkontrol ng tamang acid na dumadaloy sa katawan.
  2. Ginger o luya. Kaya ng luya ang pagpawi ng kahit anong sakit na nararamdaman sa katawan, isa na dyan ang pananakit ng tiyan. Mabisang panlaban din ito kung sakaling magkaroon ng impkesyon sa tiyan.
  3. Basil. Mayroong katangian ang basil na nakababawas ng acid sa ating mga tiyan, gayundin ang gas na siyang makapagpapatigil ng pananakit, pagdidighay at ilan samga sintomas ng sikmurang inaacid.
  4. Apple cider vinegar. Ang paglalagay ng isang kutsarang apple cider vinegar sa isang basong tubig ay nakatatanggal din ng sakit ng tiyan, hindi lamang ito makatutulong sa hyperacidity o acid reflux, nakatutulong din ito sa digestion.
  5. Baking soda. Ang baking soda ay subok na at ginagamit para gawing antacid. Ihalo ito sa isang basong tubig at maaaring inumin upang maibsan ang ilan sa mga sintomas na nararamdaman mula sa sakit ng tiyan.
  6. Coconut water.
  7. Chamomile tea. Tulad ng tulong na naibibigay ng basil, ganoon din ang chamomile tea na siyang nakakapagrelieve ng mga gas pain o hangin sa tiyan.
  8. Lime o Lemon water. Iwasan ang pag-inom ng puro at hangga’t maaari kakaunti lamang ang ilalagay na lemon at hindi ganoon katapang ang pagtitimpla ng lemon water.
  9. Aloe vera juice. Nagpapagaling ito ng hyperacidity at ilang problema sa ating digestive system. Kumuha ng katamtamang laki ng aloe vera, balatan at ihalo sa tubig, inumin ito araw-araw
  10. Cloves
  11. Honey
  12. Cumin

Lagi pa ring tatandaan, mayroong mga medicinal na gamot at natural na lunas para sa acidic na sikmura, mas mainam pa rin ang pagkonsulta sa inyong mga doktor upang masiguro ang lagay ng kalusugan.

Lalo na kung ang sakit ng tiyan ay tumatagal ng ilang araw, hindi humuhupa at mas lalong lumalala. Maaaring maging indikasyon ito ng mas lumalalim na health conditions. 

Kailan dapat tumawag sa doktor

Kung ikaw ay mayroon ng mga saumusunod na sintomas, tumawag agad sa iying doktor.

  • Ang iyong heartburn symptoms ay mas madalas o mas malala.
  • Nahihirapan o masakit kapag lumulunok, lalo na kapag solid foods o pills.
  • Nagdudulot ng pagduduwal o pagsusuka (lalo na kapag nagsusuka ng dugo)
  • Ikaw ay nakakaranas ng hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang na may kasamang heartburn.
  • Hindi gumagaling na ubo, nabubulunan o tingin mo ay may bukol sa iyong lalamunan.
  • Kung ikaw ay nagamit ng OTC antacid medications nang higit sa dalawang linggo (o mas matagal pa), at nananatili pa rin nag sintomas ng heartburn.
  • Mayroon pa ring mga sintomas kahit uminom na ng prescription o nonprescription drugs.
  • Mayroong chronic wheezing o hingal, o lumalala ang asthma.
  • Nakakaapekto na ito sa iyong lifestyle o pang-araw-araw na gawain.
  • Nakakaranas ng pananakit sa dibdib na may kasamang pananakit ng leeg, panga, bisign o binti; nauubusan ng hininga, nanghihina, iregular na pulso, o pagpapawis.
  • Nakakaranas ng malalang sakit ng tiyan.
  • Nakakaranas ng diarrhea o itim o madugo ang inilalabas na dumi.

Mga pagkain pwede sa acidic

Matapos malaman ang mga pagkaing bawal sa acidic, isa-isahin naman natin ang mga pagkain pwede sa acidic. Ang mga pagkain din sa listahan na ito ay makatutulong para maibsan ang heartburn na dulot ng acid reflux.

Mga pagkain na pwede sa acidic: Watery foods

Makatutulong sa pagbabawas ng stomach acid ang mga pagkaing matutubig tulad ng celery, lettuce, watermelon, borth-based soups, herbal tea, at pipino. Sa pamamagitan ng pagkain ng mga ito nadi-dilute at napapahina ang epekto ng acid sa sikmura.

Alkaline foods: Mga pagkain na pwede sa acidic

Ayon sa Hopkins Medicine Org., ang pH scale ay indicator ng acid levels. Kapag mababa ang pH level ibig sabihin ay acidic ang pagkain at nagdudulot ng acid reflux. Kapag mataas naman ang pH level ay makatutulong ito para maibsan ang matinding stomach acid. Ilan sa mga pagkaing may alkaline o mataas ang pH level ay ang saging, mani, fennel, cauliflower at melon.

Mga pagkain pwede sa acidic: High-fiber foods

Makatutulong ang mga pagkaing mayaman sa fiber para maiwasan ang pag-o-overeat. Bukod pa rito, helpful din ito sa digestion. Makatutulong din sa maayos na pagtunaw ng mga kinain at maiwasan ang constipation. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa fiber ay ang oatmeal, couscous, at brown rice na whole grain. Dagdag pa rito ang mga root vegetables tulad ng kamote, carrots, at beets. Gayundin ang mga berdeng gulay na tulad ng asparagus, green beans, at broccoli.

Puti ng itlog

Mabuti rin ang pagkain ng egg white kapag may acid reflux. Limitahan naman ang pagkain ng egg yolk dahil mataas ang fats nito at maaaring maka-trigger ng sintomas ng reflux.

Lean meats at seafood

Ang pagkain ng lean meats tulad ng karne ng manok. Turkey, isda, at seafood ay makatutulong para maibsan ang sintomas ng acid reflux. Ang mga pagkaing ito ay mababa ang fat level.

Healthy fats

Kung dapat iwasan ang mga pagkaing may mataas na fats tulad ng mga pritong pagkain at egg yolk, mayroon namang mga pagkain na may healthy fats. Ang mga pagkaing may healthy fats ay makatutulong sa taong acidic para mabalanse ang acid sa sikmura. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang avocado, olive oil, sesame oil, sunflower oil, walnuts, at flaxseed. Ang mga nabanggit na oil ay maaaring ihalo sa nilutong pagkain.

Mahalaga alamin ang mga pagkaing nakaka-trigger sa iyong acid reflux at simulan na iwasan ang pagkain ng mga ito. Magkakaiba ang food triggers ng bawat indibidwal, kaya mahalagang alamin ang sariling food triggers para maiwasan ang acid reflux.

Para malaman ang individual triggers, mahalagang magkaroon ng food diary kung saan mo isusulat ang mga sumusunod: mga pagkaing kinain, anong oras ka kumain, at mga sintomas na naranasan matapos kainin ang specific na pagkain.

Tandaan na ang mga nabanggit na pagkain na pwede sa acidic ay hindi gamot sa inyong kondisyon. Makatutulong lamang ito para pansamantalang maibsan ang acid reflux. Mahalaga pa rin ang pagpapakonsulta sa doktor para malaman kung mayroon bang underlying issue na dapat pagtuunan ng medikal na atensyon.

 

Karagdagang impormasyon mula kay Shena Macapañas, Jasmin Polmo at Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.