Walang makapagsasabi ng ganap oras ng simula ng labor. Pero dahil ang katawan ng isang nagdadalang-tao ay sadyang naghahanda para sa magaganap isang buwan bago pa ito mangyari, mapapansin mo na ng paisa-isa, o unti-unti ang mga senyales. Alamin kung paano malalaman kung bukas na ang cervix at iba pang senyales na handa ka nang manganak.
Mababa sa artikulong ito:
- Signs na handa ka ng manganak
- Mga kailangan malaman patungkol sa mga senyales na iyong nararanasan
Signs na mangaganak ka na
Mababa na ang tiyan mo
Larawan mula sa Freepik
Ang tinatawag na “lightening” o halata nang pagbaba ng nasa sinapupunan mo ay unang paltandaan na simula na ng iyong labor. Ibig sabihin nito ay naghahanda na ang katawan mo sa panganganak.
May nararamdaman ka nang contractions o paghilab ng tyan
Kung nararamdaman ito sa ibabang bahagi ng tiyan, maaring ikaw ay nagli-labor na. Ang paghilab na ito ay patindi ng patindi, o mas lalong sumasakit habang lumalaon. Mapapansin mo ring mas madalas na ang paghilab.
Isa pang senyales ay pag masakit na ang iyon lower back o ibabang bahagi ng likod mo, at hindi na ito nawawala.
Pumutok na ang panubigan mo
Larawan mula sa Freepik
Mararamdaman mo ang biglang pagbuhos ng tubig mula sa puwerta, na para bang naihi ka, pero sobrang dami o lakas ng agos, o di kaya’y tuluy-tuloy lang ang pagdaloy ng tubig at ‘di mo mapigil. Kadalasan, ang pagputok ng panubigan ang pinakamalinaw na palatandaan na manganganak na ang babae. May mga pagkakataon na hindi pumuputok ang panubigan. Nangyari ito sa akin sa una kong panganganak. Kinailangang putukin pa ito ng doktor bago ako paanakin, para maiwasan ang impeksyon o panganib sa sanggol at sa ina.
Paano malalaman kung bukas na ang cervix
May dugo na kulay kape o maitim na pula na lumabas na sa pwerta. Tinatawag din ito na bloody show. Minsan ito ay buo-buo, minsan ay parang regla ang itsura. Ito na ang mucus plug na bumabara sa cervix o sipit-sipitan. Ito ang isa sa mga paraan kung paano malalaman kung bukas na ang cervix. Bumubuka na kasi ang daanan ng bata. Maaaring araw o oras na lang ang hihintayin mo.
Kailangang tumawag at kumunsulta agas as iyong OB-Gynecologist o midwife sakaling may napansin o naramdaman nang kahit isa sa mga nasabing palatandaan. Kahit pa matagal pa ang nakatakdang due date, importanteng ipaalam ito sa iyong doktor o midwife para mapayuhan ka kung kailangan nang pumunta sa ospital para sa panganganak o para sa karampatang pre-labor check-up.
BASAHIN:
LINEA NIGRA: Mga mahalagang kaalaman tungkol sa linya sa tiyan ng buntis
Paninigas ng tiyan ng buntis sa huling buwan: Senyales na ba ng panganganak?
#AskDok: Wala ba talaga akong mararamdaman kapag gumamit ako ng anesthesia sa panganganak?
Paano malalaman kung nagla-labor ka na?
Larawan mula sa Freepik
May mga senyales na maaaring obserbahan o tingnan, pero ito ay unang hakbang lamang. Kailangang itawag o ikonsulta sa doktor kaagad kung ito ay napansin mo na.
Paghilab. Malalaman mo sa tindi at dalas ng paghilab. Kung nasa sampu hanggang dalawampung minuto ang pagitan ng paghilab, at unti-unting tumitindi ang sakit, ito na ang tinatawag na Braxton Hicks contraction, at ibig sabihin ay totoong labor na. Ang false labor kasi ay hindi regular ang pagitan ng sakit at paghilab.
Mas mararamdaman ang tumitinding sakit mula sa likod ng tiyan, papunta sa harap. Sa false labor, karaniwang nasa harap lang.
Lahat ng pagdadalang tao ay kakaiba
Sa huling dalawang buwan ng pagbubuntis, itinakda na ng OB GYN ko noon na bumisita at magpatingin tuwing sabado, o isang beses kada linggo, hanggang sa manganak ako. Ito na kasi ang importante at delikadong panahon ng kahit anong pagbubuntis. Lalo pa kung high-risk ang pagdadalang tao o may komplikasyon ang ina o sanggol.
Lahat ng pagdadalang tao ay iba. Unique, ika nga. Wala ring listahan ng paalala o palatandaan na makakapagsabi ng lahat ng kailangan mo. Pakiramdaman mong mabuti, dahil ikaw din ang makakaalam kung masakit na, o hindi na komportable o maaayos ang pisikal na kalagayan.
Huwag magaalinlangan na tumawag o magtanong sa iyong doktor, lalo kung nararamdaman mo na ang mga sintomas sa ika-37 na linggo ng pagbubuntis. Walang mawawala sa ‘yo. Hayaan mo nang masabing makulit ka, basta’t sigurado ka na ligtas ang pagbubuntis mo. Ang magaling na doktor ay hindi nag-aatubiling sumagot sa mga tanong o magpayo sa kanyang pasyente.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source:
LiveScience
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!