X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ano ang isang illegitimate child at anu-ano ang mga karapatan ng anak sa labas?

7 min read
Ano ang isang illegitimate child at anu-ano ang mga karapatan ng anak sa labas?

ALAMIN: Ano ang Illegitimate Child? Anu-ano ang rights ng isang illegitimate child dito sa Philippines? Mahalagang malaman ito!

Sa usaping legal na anak at anak sa labas o legitimate and illegitimate child, marami ang mga misconception at hindi napaguusapang saklaw nito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Legitimate at Illegitimate Child. Ano ang ibig sabihin nito?
  • Anu-ano pa ang mga pamantayan para masabing legitimate child ang isang anak?
  • Kkarapatan ng isang legitimate child

Dahil rito, tiyak din na maraming mga anak at ina ang hindi natatamasa ang kanilang sapat at tamang mga karapatan patungkol sa kanilang pagkakakilanlan, suporta, mana, at iba pa.

Narito ang isang artikulo para mas malinawan ang lahat kung ano nga ba ang isang legitimate child at illegitimate child, gayundin ang kanilang mga karapatan.

Legitimate at Illegitimate Child. Ano ang ibig sabihin nito?

Magtatawag na legitimate child ang isang bata kung ang kaniyang mga magulang ay legal nang naikasal nang siya ay isinilang.

Ang isang bata naman ay illegitimate kung siya ay ipinanganak nang hindi pa ikinakasal ang kaniyang mga magulang. Ito ay kahit na gamit nito ang apelyido ng ama. Hindi rin nagbibigay ng legitimacy ang pagkilala ng paternity ng ama sa birth certificate ng anak.

Ang batang inampon naman ay may katulad na karapatang sa isang legitimate child. Katulad na lang ang paggamit ng apelyido ng nag-ampon, magmana ng mga ari-arian nito at makatanggap ng supporta mula sa mga kamag-anak.

Ano naman ang tinatawag nilang ‘legitimated child’, anak sa labas din ba ito?

Mayroon ding tinatawag na legitimated child o iyong mga batang ipinanganak na hindi kasal ang mga magulang ngunit sa kalaunan ay nagpakasal din ang mga ito. Mapapalitan lamang ang status ng anak kapag sila ay nakapagsumite na ng affidavit of legitimation.

Pagkatapos nito ay magkakaroon na ang isang legitimated child ng parehong mga karapatan na tinatamasa ng isang legitimate child.

Maaari bang mapawalang bisa ang pagiging legitimate child ng isang bata?

illegitimate child rights philippines

Illegitimate child rights in the Philippines. | Larawan mula sa Shutterstock

Mayroon ding mga sitwasyon kung saan maaaring mabawi ang pagiging legitimate child ng isang bata.

Halimbawa, kung ang isang bata ay ipinanganak na kasal ang mga magulang ngunit napawalang bisa ito, due to psychological incapacity, ang bata ay matatawag pa ring legitimate child. Kung ang kasal naman ng mga magulang ay napawalang bisa dahil sa iba pang rason ng annulment tulad ng bigamous marriage, lack of marriage license at iba pa, ang bata ay magiging illegitimate child at ang apelyido na dapat gamit nito ay ang apelyido ng kaniyang nanay.

Anu-ano pa ang mga pamantayan para masabing legitimate child ang isang anak?

Ang isang bata ay matatawag na legitimate child kung siya ay:

  • Isinilang pagkatapos ng isang daan at walumpung araw kasunod ng pagdiriwang ng kasal, at bago ang tatlong daang araw kasunod ng dissolution nito o ang paghihiwalay ng mga mag-asawa.
  • Ipinanganak sa panahon ng kasal ng mga magulang.
  • Isinilang bilang resulta ng aritificial insemination ng asawang babae sa semilya ng asawang lalaki o ng isang donor ay mga lehitimong anak din ng asawang lalaki at ng kanyang asawa. Ito ay sa kondisyon na pareho nilang pinahintulutan o pinagtibay ang naturang pagpapabinhi sa isang nakasulat na instrumento na nilagdaan bago ipanganak ang bata. Ang instrumento ay dapat itala sa civil registry kasama ang birth certificate ng bata.

Ang isang legitimate child ay mananatiling lehitimo kahit na ang ina ng bata ay nagdeklara laban sa pagiging lehitimo nito o maaaring nahatulan bilang isang mangangalunya o adulteress. Ito ay pinagtitibay ng Art. 167 ng Family Code of the Philippines.

Anu-ano ang mga karapatan ng isang legitimate child?

Ang isang legitimate child ay may karapatang:

  • Dalhin ang apelyido ng ama at ina
  • Tumanggap ng suporta mula sa kanila, mula sa kanilang mga namumuno, at sa tamang kaso, mula sa kanilang mga kapatid, alinsunod sa artikulo 291; at
  • Ang mga lehitimong at iba pang magkakasunod na karapatan na kinikilala ng Kodigong ito na pabor sa kanila. (Art. 263, Civil Code of the Philippines)
illegitimate child rights philippines

Illegitimate child rights in the Philippines | Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN: 

Solo parent’s guide: Your rights and privileges

Common-law marriage: Rights of live-in partners

Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon

Paano masasabing ang isang bata ay illegitimate child o anak sa labas?

  1. Kung ang bata ay isinilang sa mga mag-asawang hindi legal na kasal o ng common-law marriages;
  2. Ang anak ay ipinanganak sa incestuous marriages;
  3. Ang bata ay bunga ng bigamous marriages;
  4. Mga anak na isinilang sa pakikiapid sa pagitan ng mga magulang;
  5. Ang mga batang ipinanganak sa kasal na walang bisa dahil sa pampublikong patakaran sa ilalim ng Art. 38 ng Family Code;
  6. Mga batang ipinanganak ng mga mag-asawang wala pang 18 taong gulang, kasal man sila (na walang bisa ang kasal) o hindi;
  7. Mga anak na ipinanganak sa ibang walang bisang kasal sa ilalim ng Art. 15 unless otherwise provided.

Illegitimate child rights sa Philippines: Bakit illegitimate ang aking anak kahit na pumayag naman ang ama na gamitin ang kaniyang apelyido?

Ayon sa ating batas, mananatili pa ring illegitimate ang isang bata kahit na dala-dala nito ang apelyido ng kanyang tatay kahit na hindi kasal ang kanyang mga magulang.

Tanging kasal lamang ng kaniyang mga magulang ang magbibigay tibay sa pagiging legitimate child ng isang bata.

Isa ito sa mga pangkaraniwang misconception ng mga magulang tungkol sa pagiging legitimate o illegitimate child ng kanilang mga anak. Hindi legal na rason ang paggamit ng apelyido ng ama o ang pagkilala ng ama sa anak nito para masabi na ito ay isang legitimate child.

Hindi nga ba maaaring gamiting ng isang anak sa labas ang apelyido ng kaniyang ama?

Ayon sa batas, ang isang illegitimate child ay dapat sundan ang apelyido ng kaniyang ina. Maaari nitong sundin ang apelyido ng tatay kung gugustuhin lalo na kung ang tatay mismo ang pumirma sa likuran ng birth certificate. Kailangan itong maayos bago tuluyang mapunta sa Local Civil Registrar at ng NSO. Illegitimate child pa rin ang batang ito.

Kung sakaling mahuli sa pagpapalit ng apelyido, at napangalan na ng tuluyan sa nanay, maaari naman itong maayos sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang birth record ng kanilang anak. Ang kailangan lang gawin ay mag file ng Affidavit to Use Surname of the Father (AUSF).

Kung walang expressed recognition ay makakapagpalit pa rin ng apelyido ang bata. Ipakita lamang ang mga dokumentong ito na magpapatunay na anak niya ang bata tulad ng:

  1. Insurance
  2. Income Tax return
  3. Statement of assets and liability
  4. Employment records
  5. Certificate of membership in any organization
  6. Social Security System/Government Service Insurance System records

Pagsapit ng 18 taong gulang ng bata ay maaari na siyang magdesisyon kung kaninong apelyido ang kaniyang gagamitin. Kadalasang pinapaboran ng korte ang kagustuhan ng isang bata.

illegitimate child rights philippines

Larawan mula sa Shutterstock

Illegitimate Child rights sa Philippines

Ang mga anak sa labas ay dapat magtatag ng kanilang relasyon sa kanilang ama upang ligal nilang gamitin ang kanilang karapatang tumanggap ng suporta.

Narito ang karapatan ng mga illegimate child:

Partner Stories
3 Important Wonders of Vitamin D for Kids
3 Important Wonders of Vitamin D for Kids
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
  1. May karapatan siyang gamitin ang pangalan ng kaniyang ama.
  2. Maaari siyang humingi ng suporta sa kaniyang ama.
  3. Pwede siyang makakuha ng mana sa kaniyang ama subalit ito lamang ay kahalati ng mana ng isang legitimate child.

Maaari bang makapagmana ang anak ko kahit illegitimate child siya?

Sa usaping mana naman, ayon sa Artikulo 887 ng New Civil Code of the Philippines, itinuturing ang isang illegitimate child na Compulsory Heir. May karapatan ka sa mana ng iyong tatay kung ikaw ay compulsory heir, kung saan legal kang kinikilala ng tatay mo bilang anak.

Maaari ring makakuha ng mana ang isang illegitimate child. Ang isang anak sa labas ay may karapatan sa kalahati (1/2) ng bahagi ng isang lehitimong anak. Muli, dapat munang mapatunayan ang relasyon nito sa sinasabing ama.

Ang isang Adopted Child naman ay may kasing-pareho lang ng karapatan ng Legitimate Child. May karapatan din itong magmana ng pag-aari ng mga umapon sa kanya at maisunod ang apelyido sa kanyang pangalan.

Sana ay nakatulong ang mga kasagutang ito sa inyong pagkakaintindi tungkol sa mga legitimate at illegitimate child o iyong mga lehitimong anak at anak sa labas.

Sources:

Attorneys of the Philippines, YouTube, Philippine Statistics Authority, E-lawyers Online, Nicolas and De Vega Law Offices

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Ano ang isang illegitimate child at anu-ano ang mga karapatan ng anak sa labas?
Share:
  • Ano ang karapatan ng illegitimate child pagdating sa sustento?

    Ano ang karapatan ng illegitimate child pagdating sa sustento?

  • Paano magagamit ng bata ang apelyido ng tatay kapag hindi kasal ang magulang?

    Paano magagamit ng bata ang apelyido ng tatay kapag hindi kasal ang magulang?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Ano ang karapatan ng illegitimate child pagdating sa sustento?

    Ano ang karapatan ng illegitimate child pagdating sa sustento?

  • Paano magagamit ng bata ang apelyido ng tatay kapag hindi kasal ang magulang?

    Paano magagamit ng bata ang apelyido ng tatay kapag hindi kasal ang magulang?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.