Kasama ka ba sa mga mommies na nakararanas ng insomnia habang buntis? Ano nga ba ang insomnia sa buntis o pregnancy insomnia at paano mo ito malalabanan. Alamin ang mga kasagutan sa aritkulong ito.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang insomnia sa buntis?
Ang insomnia ay isang uri ng kundisyon kung saan ang isang tao ay nahihirapang makatulog kapag gabi, at nadadala rin ito hanggang umaga. Samantala, kapag ang insomnia ay nagiging sanhi ng ilang mga pregnancy factor ito na ay tinatawag na pregnancy insomnia.
Para sa mga first time mom, kadalasan nahihirapan talaga sila sa pagtulog o kaya naman tila parang kulang lagi ang kanilang tulog. Hindi umano ganoon kalalim ang tulog ng mga babaeng buntis. Dagdag pa rito, nagigising ang mga babaeng buntis sa kaligitnaan ng gabi.
Kung ikaw ay nahihirapan nang matulog sa gabi kahit hindi pa buntis, mas lala ang sintomas nito habang buntis. Samantala ang mga babaeng wala namang kasaysayan ng problema sa pagtulog ay maaaring maka-develop nito.
Larawan mula sa iStock
Ano ang maagang insomnia sa buntis?
Ang maagang insomnia sa buntis ay tumutukoy sa hirap sa pagtulog ng isang buntis sa mga unang linggo ng kanyang pagbubuntis. Ito ay karaniwang nararanasan ng maraming mga babaeng nagdadalang-tao sa kanilang unang trimester, partikular na mula sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
Ang early pregnancy insomnia ay maaaring maging resulta ng mga hormonal na pagbabago na nararanasan ng buntis sa panahon ng unang trimester. Isa rin ito sa mga unang senyales na buntis ang isang babae.
Sanhi ng insomnia sa buntis
May ilang mga factor na nagko-contribute ng insomnia sa buntis. Kadalasan, mapapansin nang mga buntis na nahihirapan na silang makatulog kahit nasa First Trimester pa lamang sila. Ito ay dahil sa pagbabago ng kanilang hormones habang buntis. Mas magiging karaniwan ay hirap sa pagtulog o insomnia sa buntis kapag sapit ng third trimester.
Samantala, inilista namin ang ilang mga dahilan kung bakit may insomnia sa buntis kada trimester:
Unang Trimester:
Ang pagtaas ng hormonal levels, partikular na ng progesterone at estrogen, ay maaaring makaapekto sa natural na rhythm ng pagtulog at magdulot ng pagkakaroon ng insomnia sa mga unang linggo ng pagbubuntis.
Ang mga unang linggo ng pagbubuntis ay maaaring magdala ng iba’t ibang emosyonal na pagbabago tulad ng pagkabalisa o excitement sa pagbubuntis. Ang mga emosyonal na ito ay maaaring makaapekto sa pagtulog ng buntis.
Maaaring magkaroon ng pagkahilo, pagkasusuka, pagpapawis, at iba pang physical discomforts sa unang trimester na maaaring makaapekto sa pagtulog ng buntis.
Ikalawang Trimester:
Sa ikalawang trimester, ang tiyan ng buntis ay mas lumalaki, at maaaring magdulot ng discomfort at kahirapan sa paghahanap ng komportableng posisyon sa pagtulog.
Habang lumalaki ang tiyan, maaaring mas madalas ang pag-ihi sa gabi, na maaaring magdulot sa insomnia habang buntis.
Ikatlong Trimester:
Sa huling trimester, ang tiyan ay mas malaki at mas maraming discomforts ang nararanasan tulad ng back pain, leg cramps, at acid reflux, na maaaring makaapekto sa pagtulog.
Ang pangangailangan ng mas madalas na pag-ihi dahil sa pag-pressure ng sanggol sa loob ng iyong sinapupunan ay maaaring gisingin ka sa gitna ng iyong tulog.
Ang mga emosyonal na pagbabago at pag-aalala tungkol sa panganganak at pagiging ina ay maaaring makaapekto sa pagtulog ng buntis.
Bakit mahalaga ang sapat na tulog kapag buntis?
Larawan mula sa iStock
Ang sapat at maayos na tulog ay mahalaga para sa mga buntis sa maraming dahilan. Narito ang ilang mga kahalagahan ng sapat na tulog sa buntis:
1. Pagpapahinga ng katawan
Ang pagbubuntis ay maaaring magdala ng pagod at pag-aantok sa katawan dahil sa mga pagbabago sa hormonal at pisikal na kalagayan ng katawan. Ang sapat na tulog ay makakatulong sa pagpapahinga at pag-recharge ng katawan.
2. Paglaki ng iyong baby sa sinapupunan
Ang tamang tulog ay mahalaga para sa maayos na paglaki at development ng sanggol sa sinapupunan. Habang natutulog ang ina, nagkakaroon ng mga proseso sa katawan nito na nakakatulong sa pagbuo ng mga organs at sistema ng sanggol.
3. Emosyonal na kalusugan ng buntis
Ang pagbubuntis ay maaaring magdala ng mga emosyonal na pagbabago at anxiety. Ang sapat na tulog ay makakatulong na maiwasan ang stress at anxiety, at maaaring makatulong sa pag-maintain ng maayos na kalagayan ng emosyon habang buntis.
4. Kalusugan ng iba’t ibang sistema ng katawan
Ang tamang tulog ay may malaking epekto sa sistema ng ating katawan. Kagayan na lamg sa cardiovascular, endocrine, at immune system. Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay makakatulong na mapanatili ang normal na takbo ng mga ito. Mahalagang-mahalaga ito kapag nagdadalang-tao ang isang babae.
Sa kabuuan, ang sapat na tulog ay mahalaga upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng ina at sanggol. Ito ay isa sa mga pangunahing aspeto ng pangangalaga sa kalusugan sa panahon ng pagbubuntis, at kailangan itong bigyang-pansin ng bawat buntis.
May epekto ba ang insomnia sa baby kapag buntis?
Oo, may epekto ang insomnia sa baby habang buntis ang isang babae. Sapagkat ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog habang buntis ay makapagdudulot ng stress sa nagbubuntis.
Hindi maganda ang stress kapag buntis sapagkat maaaring magdulot ito ng high blood pressure, mabilis na pagtibok ng puso, at iba na masama sa buntis.
Ang insomnia sa buntis ay maaaring makapagtaas ng tiyansa ng heart disease sa nagbubuntis na babae at sa dinadala niyang sanggol. Dagdag pa rito, may kaugnayan din umano ang insomnia sa buntis pagtaas ng tiyansa ng gestational diabetes.
Bukod dito, kapag kulang sa tulog pakiramdam natin ay pagod tayo. Ganun din kapag buntis, kapag nakakaramdam ng pagod ang buntis maaaring tumaas ang tiyansa ng miscarriage o hindi magandang pag-develop ng iyong baby.
10 tips sa buntis kapag mayroong insomnia
Larawan mula sa Pexels
Marami ang pagbabagong mararanasan ng mga nanay sa panahon ng kanilang pregnancy. Kabilang na diyan ang hormonal changes, pagbabago sa katawan, pagiging mapili sa pagkain at nandiyan din syempre ang hirap sa pagtulog.
Maraming kababaihan ang nakararanas ng sleeping problems sa panahong ng pagbubuntis. Nagkakaroon ng malaking pagbabago sa quality ng kanilang pagtulog lalo sa first trimester.
Mararamdaman ng isang buntis na babae na para bang pagod siya sa buong araw, kaya nga nararamdaman niya nagiging antukin siya. Kahit pa madalas na natutulog ang mga pregnant mommy, hindi pa rin nangangahulugang hindi siya magkakaroon ng insomnia.
Tumutukoy ang insomnia sa pagkaranas ng parehong hirap sa pagtulog o sa pagpapanatiling tulog. Sa mga buntis, mas madalas na nararanasan ito sa una at pangatlong trimester nila, ngunit maaari rin naman sa kahit anong stages ng pregnancy.
Ilan sa maaaring dahilan nito ay ang madalas na pag-ihi, pagsusuka o pagkahilo, pagkakaroon ng back pains, leg cramps, breast tenderness, pagkahirap sa paghinga, abdominal discomfort o maging heartburn.
Maaaring maging dahilan din ang stress at anxiety lalo kung parating iniisip ang papalapit na panganganak at ang sakit na maaaring dalhin ng labor. Para sa mga working moms naman, nakadadagdag ang workload sa kung bakit hindi sila nakakatulog sa gabi.
Talaga naman mahirap ang ganitong kalagayan, para matulungan ang mommies sa ganitong kalagayan narito ang ilang ways upang masolusyunan ito:
Larawan kuha mula Pexels
1. Pagkakaroon ng healthy diet
May malaking ambag ang mga kinakain upang maging kondisyon ang katawan. Umiwas sa mga unhealthy foods at mag-develop ng healthy diet magkaroon ng magandang impact sa iyong pagtulog lalo sa gabi.
2. Stay hydrated
Dapat ay palaging hydrated ang mga pregnant mommy dahil kinakailangan ng kanilang katawan at ni baby nito. Uminom ng maraming tubig sa umaga at bawasan ito pagpatak ng alas-7 ng gabi.
3. Iwasan ang inuming may caffeine
Mas maganda kung hindi na muna iinom ng inuming may caffeine tulad ng kape sa panahon ng pregnancy. Kung hindi naman ito ma-eliminate magandang iwasan na lamang uminom sa hapon upang hindi manatiling gising sa gabi.
Makakatulong ang pag-eexercise sa umaga upang mapagod ang katawan at maghanap ng pahinga pagdating ng gabi.
5. Mag-develop ng bedtime routine
Una sa magandang ayusin upang magkaroon ng kumpletong tulog ay ang pagbabago ng body clock. Para maayos ito mas mainam na magtakda ng iyong bedtime routine para masanay ang katawan.
6. Kumain bago matulog
Dapat ay hindi gutom kung matutulog na at hindi rin busog upang maiwasan ang pagkakaroon ng heartburn. Kumain lamang ng light sa gabi tulad ng mga pagkain mataas sa protein para mapanatili nito ang blood sugar levels.
7. Humanap ng paraan upang maging komportable
Isa sa paraan upang makatulog nang mahimbing ay syempre ang pagkakaroon ng comfort. Maayos na kama, tamang damit, at tamang pwesto ang ilan sa maaaring tignan upang magtuloy-tuloy ang tulog.
8. Manatiling relaxed
Magandang humanap ng paraan upang ma-relax ang sarili at huwag ma-distract sa mga bagay na nagdudulot ng stress. Tinutulungan kasi nito ang katawan para makaramdam ng antok.
9. Magpatugtog ng nakaaantok na music
May mga taong nakatutulog kung nakikinig sa mga lullaby at iba pang nakaantok na mga kanta. Kung effective rin ito sa iyo ay maaari ring subukan.
10. Kumonsulta sa mga professional health experts
Kung hindi na nagagawan ng paraan ang best way ay mag-consult na sa iyong doktor upang malaman kung bakit nga ba hirap makatulog sa gabi.
Paano maka-cope sa anxiety during pregnancy?
Larawan kuha mula sa Pexels
Malaki ang epekto ng hormonal changes sa chemicals ng brain ng tao lalo kung siya ay nagbubuntis. Dahil dito ay nagkakaroon ng anxiety ang babae.
Maaaring makaranas siya ng halo-halong sensations at feelings kasama na ang pagiging uncomfortable at pagiging takot. Mararanasan niya rin ang labis na pag-aalala sa health niya at maging baby, pagiging iritable, hirap sa pag-concentrate at maging ang insomnia.
Narito ang ilan sa tips upang makapagcope ka sa iyong anxiety sa panahon ng iyong pregnancy:
- Humingi ng tulong sa malalapit na kaibigan.
- Humanap ng activities na puwedeng makapag-distract sa iyo at makabubuo ng hobbies.
- Subukan ang activities na makatutulong sa iyong mag-release ng endorphins tulad ng meditation.
- Isulat ang nararamdaman kung sakaling hindi komportable na makipag-usap.
- Kumausap ng propesyunal na makatutulong upang ma-diagnose ang kundisyon.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!