Isang nanay ang magdadalang-tao ng kanyang sariling apo dahil sa naging surrogate mom siya mismo ng anak niya.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Nanay magdadalang tao sa sariling apo dahil naging surrogate mom ng kanyang anak
- Surrogacy: How does it work?
Nanay magdadalang tao sa sariling apo dahil naging surrogate mom ng kanyang anak
Lalaki ginawang surrogate mom ang sariling ina upang magkaroon pa sila ng anak ng kanyang asawa | Larawan mula sa Pexels
Sa mga mag-asawang ang goal ay magkaanak, isang malungkot na balita na malamang walang kakayahan ang babae na magdalang tao. Para sa magkasintahang ito, isang unique na paraan ang naisip nila para lang matupad ang pangarap nilang magkaroon ng pamilya. Sinubukan nilang humanap ng surrogate mom na magdadala ng kanilang anak, at ang nahanap? Sariling nanay mismo ng lalaki.
Kakaiba ang kuwento ng mag-asawang sina Jeff at Cambria. Nais kasi ng couple na ito na muling dagdagan ang kanilang tatlong taon gulang na kambal at 11 buwan na anak. Pagsasalaysay nila, may history daw talaga sila na hirap na makapagbuo ng anak.
Nakaranas pa nga raw ang misis niya ng mga komplikasyon. Matapos daw ipanganak ng kanyang asawa ang kanilang twins ay naging traumatic ang birth na ito.
Sa kabila raw nito, nais pa rin nila na sundan ang kanilang anak. Kaya naman ng malaman ni Nancy Hauck, 56 years old, ang pinagdadaanan ng kaniyang anak ay to the rescue agad ito para sa mag-asawa. Tinamaan daw siya ng mother’s instinct kaya nag-volunteer na tulungan na ang mag-asawa.
“Mayroon sa aking feeling na kailangang ko nang i-offer ang aking tulong. Sinabi ko ito sa aking anak at nagulat siya tsaka naging emosyonal. Noong mga panahon na iyon ay hindi pa alam ng aking asawa pero ngayon ay suportado niya ang desisyon kong ito.”
Dahil dito, labis-labis daw ang tuwang naramdaman ng mag-asawa. Ayon kay Jeff, sobrang na-appreciate nila ang sakripisyong ito ng kanyang nanay para sa kanilang dalawa.
Labis-labis daw ang pasasalamat ng mag-asawa na magkakaroon na muli sila ng panglimang anak. | Larawan mula sa Pexels
“I felt grateful to have such a selfless and loving mom that was willing to make that kind of sacrifice for my family.”
Aware raw sila Jeff at Cambria ang hirap na sumailalim sa ganitong proseso. Maraming kumplikadong bagay raw ang kailangang gawin para lang maging ligtas ang baby sa sinapupunan ng isang tao.
Lalo pa nga raw naengganyo na maging surrogate mom dahil sinabi ng doktor sa kanya na healthy ang kanyang katawan para dito. Ilang linggo lamang, nagbuntis na ito sa
fertilized embryos mula sa mag-asawa.
“Sobrang nagpapasalamat kami sa sacrifice na ginawa niya para sa amin. Para siyang nagsilbing lighthouse sa pamilya namin.”
Para kay Jeff wala raw katumbas ang ginawang ito para sa kanila ng kanyang nanay. Susubukan daw nilang sundin ang love and devotion na ibinigay para sa kanila upang maging role model sa sarili nilang anak.
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, natutunan na rin na humanap ng way para sa mga nanay na walang kakayahang magdalang tao sa sariling matris, ito ang tinatawag na surrogacy. Maraming dahilan kung bakit hindi pwedeng magbuntis ang isang babae, ilan sa mga ito ay:
- Mayroong problema sa uterus o matris ng babae.
- Sumailalim sa hysterectomy kung saan tinatanggal ang uterus.
- Pagkakaroon ng malalang kundisyon na maaaring ikapahamak sa panganganak katulad na lamang ng heart disease.
Kadalasang sumusubok sa ganitong proseso ang mga nanay o pamilya na imposible nang magbuntis pero nais pa rin madagdagan ang anak. Maaari ring mga LGBT couples kung saan ginagamit ang kanilang sperm cells o egg cells sa pamamagitan ng artificial insemination.
Naghahanap sila ng donor kung saan maaaring ma-fertilize ang ibinigay nilang sperm o egg at tyaka nila ii-implant sa gestational surrogate hanggang sa tagumpay itong mailabas ng surrogate moms.
Hindi rin basta-basta ang paghahanap ng magiging surrogate mom. Maraming bagay ang kailangan i-consider upang masabing maaaring itong ang surrogacy. Kabilang na dito ang sumusunod na factors:
- Hindi bababa ang edad sa 21 taong gulang.
- Mayroon nang karanasan sa panganganak ng isang healthy baby.
- Aware sa medical risks ng pregnancy, child birth, at maaaring emotional issues ng bonding para sa isang sanggol.
- Pumasa sa screening ng mental health professional upang malaman kung kaya niya bang ibigay ang bata matapos ipanganak.
- Dapat ay pumirma sa isang kontrata na isinasaad ang role at responsibilites sa pagbubuntis, kasama na ang prenatal care ng bata.
- Sumang-ayon siya sa kasunduan na ibibigay ng buong loob ang sanggol sa panahon na pinagkasunduan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!