Ayon sa isang pag-aaral, kung parating puyat ang bata mataas ang tiyansa na siya ay mas maging depress o makaranas ng anxiety disorders.
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto kapag parating puyat ang bata.
- Mga dapat gawin para maiwasang mapuyat ang bata.
Epekto kapag parating puyat ang bata
Parati bang puyat ang anak mo? Mabuting sa ngayon pa lang ay itama at tigilan na siyang makasanayan ito. Sapagkat ayon sa isang pag-aaral, habang tumatagal o habang nasasanay ang anak mo sa pagpupuyat mas palala ng palala ang epekto nito sa kaniyang mental health.
Findings ng pag-aaral, kung ang bata ay nasanay na magpuyat hanggang siya ay lumaki na, siya ay mas magiging anxious at depress.
Pati ang level ng anxiety at depression na nararamdaman niya ay mas tataas at tataas pa. Ito ay kung mula pagkabata hanggang pagtanda ay makakasanayan niyang matulog ng late na.
Ang findings na ito ng pag-aaral ay natuklasan matapos i-analyze ang data ng 700 na batang na sinimulan ang pag-aaral nooong sila ay edad 9 na taong gulang palang.
Matapos ang 8 taon mula ng magsimulang isagawa ang pag-aaral ay binalikan ng mga researchers ang mga bata. Sa mga panahong iyon sila ay mga binata at dalaga na.
Nito lang taon matapos ang 15 years ng simulan ang pag-aaral ay ikinamustang muli ng mga researcher ang mga bata. Dito na sinukat ang mga insomnia symptoms na nararanasan nila.
School photo created by jcomp – www.freepik.com
Findings at rekumendasyo ng isang pag-aaral
Ayon sa mga researchers natuklasan nila na 40% ng mga batang lumahok sa pag-aaral ay hindi na outgrow ang insomnia symptoms nila mula pagkabata hanggang sa sila ay mag-binata at mag-dalaga.
Sila rin ay nakaranas ng mga mental health disorders ng sila ay naging young adult na. Ang mental health disorder nga na tinutukoy ng pag-aaral ay ang sumusunod:
- Mood disorder
- Anxiety
- Depression
Kaya naman rekumendasyon ng pag-aaral, dapat ay huwag sanayin na parating puyat ang bata o ang iyong anak. Dahil sa tulong nito ay maiiwasan na makaranas sila ng mental health problems tulad ng depression sa kanilang pagtanda.
“These new findings further indicate that early sleep interventions are warranted to prevent future mental health problems, as children whose insomnia symptoms improved over time were not at increased risk of having a mood or anxiety disorder as young adults.”
Ito ang pahayag ni Julio Fernandez-Mendoza, isang psychobiologist at associate professor sa Penn State College of Medicine. Siya ay ang lead author rin ng ginawang pag-aaral.
BASAHIN:
Paraan para madaling antukin at makatulog: 3 remedies ayon sa science
STUDY: Pagpupuyat maaaring maging dahilan upang maging slow learner ang iyong anak
STUDY: Mga babaeng parating puyat, posibleng magka-early menopause
Iba pang epekto o maaring mangyari kapag parating puyat sa bata
Background photo created by freepik – www.freepik.com
Samantala, ayon sa mga eksperto, kung parating puyat ang bata mataas din ang tiyansa na maging kulang o hindi sapat ang tulog niya. Ang posibleng resulta o epekto nito sa kaniyang kalusugan ay ang sumusunod:
- Hirap na gumising sa umaga.
- Madaling mapagod.
- Tamad o mas gustong laging nakahiga.
- Mas gustong kumain ng matatamis at may caffeine na pagkain.
- Walang interest, motivation at focus sa kaniyang mga ginagawa.
- Mas nagiging makakalimutin.
- Malabong paningin.
- Mas impulsive o padalos-dalos
- Hirap na matuto ng bagong impormasyon.
- Mas moody at irritable.
- Mas nagiging stress sa buong araw.
Paano matutulungan ang iyong anak na matulog ng maaga?
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
Samantala, para maiwasang makaranas ng mga nabanggit na epekto ng pagtulog ng late sa gabi ang iyong anak ay may maaari kang gawin. Ito ay ang mga sumusunod:
- Ipaliwanag sa kaniya ang kahalagahan ng pagtulog ng maaga. Ganoon din ang mga benepisyong naibibigay nito sa kaniyang kalusugan. Gawin ito sa araw at hindi sa gabi bago siya matulog. Ito ay para hindi ito dumagdag sa iniisip niya na maaaring maging dahilan pa para lalo siyang ma-late matulog sa gabi.
- Huwag gawin parusa ang pagpapatulog ng maaga sa iyong anak. Huwag ding gamiting reward ang pagpayag mo na matulog siya ng late na.
- Mas gawing sleep friendly ang kwarto ng iyong anak. Gawin itong madilim, tahimik at komportable. Lagyan ito ng malinis at malambot na higaan. Ganoon din ng kumot at unan na mas magbibigay ng comfort sa kaniya.
- Dapat gawing positive ang pagpapatulog sa iyong anak. Imbis na sabihin na “Kailangan mo ng matulog” ay sabihin na “Sige, matulog ka na.” Sa ganitong paraan ay parang ipinaparamdam mo na hindi mo siya inuutusan. Bagkus ay ipinaparating mo na ang pagtulog ay isang benepisyo na kailangan niyang i-enjoy.
- Bigyan siya ng media curfew o time out sa paggamit ng mga screens. Tulad ng paggamit ng cellphone o panonood ng TV. Isa kasi ito sa mga dahilan kung bakit napupuyat ang isang bata.
- Maging mabuting halimbawa sa iyong anak. Kung gusto mong matigilan ang pagpupuyat niya ay ipakita sa kaniya na ito rin ang iyong ginagawa.
Source:
Science Daily, Healthline, About Kids Health
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!