Alam mo ba na may terminong tinatawag sa tuwing nakatutok sa cellphone ang inyong partner sa tuwing magkausap kayo? Ito ay tinatawag na phubbing, alamin ang meaning nito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Puro cellphone lang si partner tuwing magkasama kayo? Alamin kung ano ang phone snubbing
- Ways how to stop the cycle of phubbing
Puro cellphone lang si partner tuwing magkasama kayo? Alamin kung ano ang phone snubbing
Ano ang meaning ng phubbing? | Larawan mula sa Pexels
Madalas na pagmulan ng minor fights sa relasyon ang distraction ng atensyon ng isa dahil sa cellphone. Lalo na kung nasa date kayo na special at pinili ng isa na mag-cellphone lang imbes na enjoyin ang araw na iyon. Ang termino na swak para sa pangyayaring ito ay tinatawag na phubbing.
Ano ang meaning ng phubbing?
Basically, ito ay pinaghalong dalawang salita — phone at snubbing. Ito ay tumutukoy sa act ng pag-iisnob sa isang tao dahil sa pagamit ng cellphone ng kaniyang partner.
Ang term na ito ay binuo ng isang Australian agency noong taong 2012. Dito kasi sa taon din na ito nagsisimula na ang patuloy na pagdami ng gadgets partikular na ang mobile phones. Kaya lumaki rin ang bilang ng mga magkakaibigan at pamilya na ini-ignore ang isa’t isa dahil dito.
Ayon sa research, 17% daw ng tao ang nakapagpaparanas ng phubbing sa ibang tao, at 32% naman ang nagsabing nakararanas sila nito. Mayroong paraan upang malaman kung guilty ka ba sa phubbing:
- Pinagsasabay mo ang dalawang conversation, isa sa personal at isa naman sa cellphone.
- Hindi nawawala ang cellphone kahit saan magpunta.
- Hindi rin pinalalampas kahit isang meal na hindi tinitingnan ang cellphone.
Phubbing can affect your relationship and mental health | Larawan mula sa Pexels
Dahil dito nalaman na maaaring masira nito ang relasyon sa isa’t isa maging ang mental health ng tao. Ilan sa maaaring magin epekto naman nito ay ang mga sumusunod:
- Kawalan ng satisfaction ng kausap ng isang phubber.
- Pagtaas ng depression lalo na sa mag-asawa.
- Pagbaba ng pagtingin ng meaningful sa existence ng buhay.
- Pagkakaroon ng pakiramdam ng rejection all the time.
- Pagkakaroon ng feeling ng exclusion sa mga bagay-bagay.
- Paglabo ng relasyon sa partner, kaibigan o pamilya.
Ways how to stop the cycle of phubbing
How can you stop being a phubber and being phubbed? | Larawan mula a Pexels
Kahit saan ka magtingin ngayon ay mayroon na halos lahat na mobile phones. Halos lahat na kasi ng daily activities ay matatagpuan dito. Work, school, social, at iba pa ay madalas nasa cellphones na. Kaya sa maraming pagkakataon hindi naiiwasan na maging phubber o makaranas ka ng phubbing.
Kung parati mo na itong nakakasalamuha, narito ang ilang ways upang matigil na ang cycle ng phubbing:
Iwasang parating dalhin ang cellphone kahit saan.
Huwag matakot na iwan ang cellphone lalo kung nasa special na lakad ka with someone special too. Ang ilang oras na hindi pagdadala nito ay hindi naman malaking kawalan para ma-miss out ang enjoyment sa pupuntahan. Tsaka isa pa, makikita mo pa rin naman ang mga notification later, pero hindi mo na mababalikan ang time na nasayang kung sakaling dinala mo ang cellphone sa isang date.
Ugaliing magkaroon ng “no-phone zone” rule sa tuwing kumakain.
Mahalagang gawing rule sa bahay o sa iyong sarili na maging ‘no-phone zone’ ang hapag-kainan. Kung malapit kasi sa iyo ang cellphone hindi maiiwasang matempt ka na buksan ito. Maaaring i-set ito sa “Do not disturb” mode ang phone upang hindi ma-distract.
Hayaang magkaroon ng conversation kasama ang pamilya. Sa simula ay mahihirapan ka dito at titignan mo na para bang pilit lang ang nangyayari, later on masasanay ka rin. Magiging practice ito kalaunan sa loob ng tahanan.
Subukang i-challenge ang sarili.
Tignan kung hanggang saan ang kaya ng iyong disiplina. Maaaring bigyan ng prize ang sarili sa tuwing nagagawa mong hindi pansinin ang cellphone nang ilang oras at nai-enjoy mo ang ibang face-to-face na bagay.
Maging mabuting modelo.
Kung nais mong simulan sa tahanan o relasyon na mahinto na ang phubbing, magandang kung magiging modelo ng ganitong behavior. Ipakita na nagsimula sa iyo ang pagtigil sa ganitong cycle upang maisip din ng iyong partner o kasama sa bahay ang iyong effort na mag-engage sa personal conversation.
Matutong mag-call out.
Mahalagang nagbibigay ka ng iyong opinyon sa isang relasyon. Kung sa tingin mo ay parati nang ginagawa ang hubbing at nagiging sanhi na ito ng disatisfaction, matutong magcall-out. Sabihin kung ano ang iyong nararamdaman sa tuwing giangawa niya ito. Maaaring isa-isahin ang hinaing mo maging ang mga resolusyon ninyo para maiwasan nang maulit pa ang ganitong sitwasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!