Ayon sa mga eksperto, mayroon daw ilang disadvantages sa anak mo ang pagpapasok sa kanya sa klase na siya ang pinakabata.
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto kapag pinakabata sa klase ang isang estudyante
- Paano malalaman kung nahihirapan na ang anak mo sa school? Narito ang ilang signs
Epekto kapag pinakabata sa klase ang isang estudyante
Larawan mula sa Pexels
Nakaka-excite nga naman na makita ang anak sa bawat panibagong milestone niya sa buhay. Kaya nga sa murang edad ay maraming parents na ang nagdedesisyon na ipasok na kaagad siya sa school.
Ayon sa mga eksperto, kung ang anak mo raw ang pinakabata sa klase ay maaaring magbunga ng maraming challenges at problems. Kabilang ang factors na social at emotional.
May isinagawang study sa Karolinska Institute at Orebro University. Napag-alaman nila ang maaaring maging resulta kung ang anak mo ay ipinasok sa school sa murang edad. Pinag-aralan nila dito ang humigit kumulang 30,000 na individuals na may edad 15 hanggang 23 years old.
Naglunsad sila ng comparison sa pagitan ng mga estudyanteng pumasok sa edad na mas bata sila kaysa sa ibang kasabayan at sa mga estudyanteng mas matatanda naman.
Dito nakita ni Jonna Kuntsi, isang propesor sa King’s College London sa developmental disorders at neuropsychiatry. Na ang mga pinakabatang estudyante ay nakararanas ng mababang educational achievement at mental health problems.
“We found that the youngest members of a class were more likely to experience low educational achievement, substance misuse disorder, and depression later in life.”
Mas lamang din daw ang disadvantage ng mga ito kumpara sa iba,
“We also know from previous research that the youngest members of a class also have other disadvantages. For example, they are more likely to be diagnosed with ADHD and to have difficulties with reading, spelling, or arithmetic.”
May ginawang pag-aaral noong 2017. Nalaman ng mga eksperto na ang mga estudyanteng mas bata sa kaysa sa kanilang kaklase ay mataas ang risk na mag-struggle. Partikular sa kanilang mental health. Hindi pa raw kasi ready ang kanilang mental capacity upang makipag-socialize kaagad.
Ibig sabihin hindi pa mature enough ang development na ito. Kaya nauuwi sa difficulty na magkaroon ng friends at healthy relationship dahil sa kawalan ng confidence at self-esteem.
Dagdag pa ng isang guro sa loob ng 16 taon na si LaTawanna Clark, bagaman may pagkakataong ang mga pinakabata ang magi-excel academically, sila naman ang hirap sa social skills.
Larawan kuha mula sa Pexels
“Most children that I meet in the school system who are youngest in their class are bright and academically able to perform. But they lack the social skills to be successful, which in turn results in behavior issues and sometimes leads to depression.”
Ganito rin pagtingin ni Radiah Smith na isa namang elementary school teacher.
“They may feel like they don’t have a voice with their peers, and probably internalize some of those emotions of feeling like they’re not being heard.”
“That would definitely come up with some social issues or potentially depression. Because they feel like they don’t belong in their current classroom setting.”
BASAHIN:
May imaginary friends ang iyong anak? Heto ang dapat mong gawin
7 rason kung bakit hindi mo dapat gawan ng social media account ang anak mo
Hindi mapatahan ang anak? 5 importanteng kaalaman tungkol sa tantrums ng bata
Paano malalaman kung nahihirapan na ang anak mo sa school? Narito ang ilang signs
Larawan mula sa Pexels
Parents dapat ang unang makaalam kung nahihirapan na ang kanilang mga anak sa school. Ito ay upang sila rin ang unang makatulong sa kanila. Maaari kasing maapektuhan nila ang maraming aspects ng development at skills ng bata later on.
Pwedeng magkaroon ng epekto ito sa kanilang mental health at pag-eexcel academically. Para malaman kung nagii-struggle na ba ang iyong little one sa klase, narito ang ilang signs:
- Binabalewala niya ang kahit anong discussion tungkol sa school – Ang iyong pangungumusta at pag-alam sa ano mang ganap sa kanyang pag-aaral ay ini-ignore niya at pinipili na lang na huwag pag-usapan.
- Pagkakaroon ng struggle physically – Ilan sa maaring maipakita niyang behavior ay hirap sa pagtulog o pagkain naman ng labis-labis.
- Nasosobrahan sa oras para sa school works – Kung sobra-sobra na ang kanyang ginugugol na oras sa kanyang mga gawain sa school at nawawalan na siya ng time to have fun, marahil ay nahihirapan siya sa ilang aspeto nito.
- Pagkakaroon ng negative attitude sa school – Kung dati ay excited at positive ang kanyang reaksyonsa pagpasok ngayon ay nabubugnot at halos ayaw nang gumawa ng school works.
- Mababa ang kanyang mga grades – Patuloy na bumababa nang bumababa ang kanyang grades at nakatatanggap sa teacher ng ilang feedbacks tungkol sa pagbabago ng kanyang performances.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!