Pagpapasuso kahit buntis, puwede ba at hanggang kalian maaaring gawin?
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng inang buntis na pinapasuso ang panganay niyang anak habang nagle-labor.
- Ano ang tandem breastfeeding?
Pagpapasuso kahit buntis: Ina nag-breastfeed habang nagle-labor
Matapos ang panganganak ang sunod na mahalagang papel na ginagampanan ng isang ina ay ang pagpapasuso sa bagong silang na sanggol niya.
Pero paano kung ang pagpapasuso ay kailangang gawin habang buntis ang ina? Higit sa lahat habang nag-lelabor para maipanganak ang pangalawang anak niya?
Ito ang ginawa ng isang ina na nagngangalang si Kate Neal na nakunan ng mga larawan.
Pagpapasuso kahit buntis, posible o inirerekumenda bang gawin?/ Image from PopSugar
Habang si Kate ay dumadaan sa mahirap na proseso ng panganganak sa kaniyang 2nd baby ay hiniling ng kaniyang dalawang taong gulang na panganay na makita si Kate.
Ang gusto pala ng bata ay mag-breastfeed sa kaniyang ina na sa mga oras na iyon ay nakakaranas ng contractions dahil anumang oras ay manganganak na.
Bagama't nasasaktan dahil sa contractions na nararanasan, ay masayang pinagbigyan ni Kate na pasusuin ang panganay niyang anak.
Ang breastfeeding moment na ito ni Kate ay nakunan ng childbirth photographer na si Maegan Dougherty. Si Dougherty ay ang photographer na inupahan ni Kate para i-document ang panganganak niya.
“Masayang-masaya si Kate nang makita ang panganay niyang anak na papalapit sa kaniya. Ganoon din sa pag-aantay na makita na ang pangalawang anak niya.
Iyong excitement na iyon makikita sa mukha ni Kate na talaga nga namang nakaka-inspire sa iba.”
Ito ang pagsasalarawan ni Dougherty kay Kate at sa ginawang pagpapasuso nito habang tinitiis ang malalakas na contractions na nararanasan.
Nagawa niya ito sa tulong ng suporta ng mister niya at kaniyang pamilya
Image from PopSugar
Matapos ang 2 oras na pagle-labor si Kate ay matagumpay na naisilang ang pangalawang anak niya. Ayon sa photographer na si Dougherty, ito ay naging possible dahil sa suportang ibinibigay ng mga mahal sa buhay ni Kate partikular na ang asawa niya.
“Ang panganganak na pinagdaanan ni Kate ay sadyang napakahirap. Pero may matibay na suportang ibinigay ang pamilya niya lalo na ang asawa niya kaya naman ito ay nagawa niya. Alam nila kung anong klaseng suporta ang kailangan ni Kate sa oras ng panganganak niya.”
Ito ang kuwento pa ni Dougherty na sinabing sa kabila ng hirap sa panganganak ay ligtas na naisilang ni Kate ang 2nd baby niya.
Bagama't naging mahirap si Kate ligtas na naipanganak ang pangalawang anak niya
1. Ang masayang mukha ni Kate nang maipanganak na ang pangalawang anak niya.
2. Ang unang beses na pinasuso ni Kate ang 2nd baby niya.
Image from PopSugar
BASAHIN:
5 breastfeeding tips para sa mga nanay na may inverted nipples, ayon sa isang mommy
Beauty products at treatment na dapat iwasan ng isang breastfeeding mom
Breast Milk: Paano nga ba ito pino-produce ng katawan?
Pagpapasuso sa dalawang bata o baby ng sabay
Ang pagpapasuso ay isang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga ina. Ang goal niya rito ay maibigay ang pinaka-best na nutrisyon na kailangan ng sanggol niya. Pero paano kung kailangan niyang magpasuso ng dalawang bata ng sabay?
Ano ang tandem breastfeeding?
Tinatawag na tandem breastfeeding o tandem nursing ang proseso ng pagpapasuso sa dalawang bata ng sabay. Ito ay maaaring gamiting opsyon kung ang isang ina ay nakakaranas ng mga sumusunod na kondisyon:
- Agad na nasundan ang unang anak na wala pang isang taong gulang.
- Hindi pa oras para patigilin sa pagpapasuso ang naunang anak.
- Naniniwala kang mas mainam na ang anak mo ang kusang huminto sa pagsuso sa 'yo.
- Gusto mong patuloy na maibigay ang emotional at psychological benefits sa iyong anak na nakukuha sa breastfeeding.
Ayon sa World Health Organization o WHO, ang isang ina ay maaaring pasusuin ang kaniyang anak hanggang sa ito ay magdalawang-taong gulang.
Matapos ang exclusive breastfeeding sa unang anim na buwan ng sanggol ay dapat niyang ipagpatuloy ito hanggang sa dalawang taon na ang bata kasabay ng pagkain niya ng mga solid foods na mahalaga rin sa kalusugan niya.
Paliwanag naman ng American Academy of Pediatrics, ang mga sanggol na breastfed ay may 50-95% protection laban sa impeksyon kumpara sa mga sanggol na hindi pinapasuso.
Habang may isang pag-aaral naman ang nakapagpatunay ng ugnayan ng pagpapasuso sa intellectual abilities at intelligence ng isang bata. Ang resulta ng pag-aaral ay natukoy sa tulong ng partisipasyon ng 3,500 na sanggol sa Brazil.
Posible o inirerekumenda bang magpasuso ng dalawang bata ng sabay?
Para naman sa pediatrician at lactation consultant na si Dr. Asti Praborini, kung ang isang ina ay binabalak na magpasuso ng dalawang bata ng sabay ay may kailangan siyang isaalang-alang. Ito ay kung sapat ba ang supply ng gatas niya para mapagbigyan ang dalawang bata.
Bagamat ito naman ay possible, dagdag na paliwanag ni Dr. Praborini, mahalaga na mas bigyan ng priority ng ina ang mas nakababata niyang anak. Dahil sa ito ay kailangan pang i-exclusive breastfeeding hindi katulad ng panganay niyang anak na nakakain na.
Maliban dito, ang pagpapasuso ng dalawang bata ng sabay ay nakakapagod at nakakaubos ng lakas. Kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pahinga ng ina para maaayos itong magawa.
Dagdag na payo pa ni Dr. Praborini, mahalaga na magpa-konsulta muna sa isang doktor ang babaeng nagbabalak na gawin ito. Ito ay para masigurong magiging smooth ang tandem breastfeeding at parehong mabibigyan ng sapat na nutrisyon ang dalawa niyang anak na sumususo sa kaniya.
Source: