Ang mga bagong silang na sanggol ay maraming nagagawang tunog sa paghinga nila. Minsan ang paghinga nila ay tila mababaw lang at hindi kapansin-pansin, habang may panahon din na malalim at mabilis.
Kapag tulog ang baby, maaari siyang huminga nang malalim at mabilis nang ilang sandali, maya-maya babagal din agad. May mga panahon pang maging sinok ng baby ay may tunog.
Source: iStock
Babies are surprisingly noisy breathers at times. Snoring, snuffling, snorting, and grunting are all perfectly normal to hear from a healthy baby.
The noises can be disturbing for new parents, however. Here’s what you need to know about the different breathing noises babies can make and the reasons behind them.
Rattling
Source: iStock
Minsan, ang tuloy-tuloy na maingay at marahas na paghinga ay nakaka-alarma sa mga magulang kahit parang wala lang sa baby.
Madalas itong dulot ng ‘floppy’ na voice box – isang kondisyon na kusang nawawala sa unang dalawang taon ng buhay. Umaayos ito sa paghigpit ng vocal cords habang tumatanda – at hindi kailangang alalahanin. Kung nag-aalala parin, maaaring magpakonsulta sa inyong GP o pediatrician.
Pagbahing
Source: iStock
Normal lang para sa mga bagong silang ang madalas na pagbahing. Ito ang kanilang paraan ng pag-alis ng dumi sa hangin, alikabok, sipon, at maging gatas mula sa kanyang ilong kapag nasusuka siya. Pangkaraniwan ito at hindi dapat alalahanin. Kung may iba pang sintomas tulad ng sipon o ubo, maaaring kailanganing ipasuri sa duktor ang iyong baby.
Pagsinghot
May mga panahon, ang paghinga ng baby ay tunog palasinghot, maingay, at parang mabula pa minsan, tila may baradong ilong.
Ang mga sanggol ay natural na ‘nose-breathers’, at maliliit ang daanan ng ilong nila kaya natural na magbara ito ng sipon at gatas.
Karaniwang kusang nililinis ng mga baby ang kanilang ilong sa pamamagitan ng madalas na pagbahing. Hanggang hindi siya nahihirapan dito, at napapakain madalas nang hindi kailangang tumigil para huminga, walang dapat alalahanin.
Sinok
Ang sinok ng baby ay nagsisimula sa utero palamang, at kadalasang nagtutuloy sa kapanganakan nila. Karaniwan lang ito, at kadalasang dulot ng biglaang iregular na contractions ng kanilang immature na diaphragm, ang muscle na sumusuporta sa kanilang baga.
Sa pagtanda ng iyong baby, maskokonti ang kanyang pagsinok. Ito ay dahil maslumalakas at nagiging synchronized ang kanilang diaphragm at muscle sa pagitan ng ribs at abdomen.
Karaniwan sa mga baby ay ‘happy hiccupers’ at hindi pru-problemahin ito. Ang sinok ay hindi dahil sa kung paano mo pinapakain o pinapa-dighay ang iyong baby – o hindi pag-papadighay sa kanila!
Subalit, maaaring mapansin na massinisinok ang baby kapag siya ay kumakain. Walang kailangang kakaibang gawin kapag sinisinok ang baby, kadalasan silang kusang tumitigil. Subalit, kung nais itong matigil, may ilang bagay na maaaring makatulong:
- Ipa-upo ang baby hanggang matigil ang pagsinok.
- I-breastfeed o bigyan ulit siya ng bote, ang paglunok ay maaaring makatulong matigil ang pagsinok.
- Bahagyang itaas ang ulo ng baby sa crib o duyan. Makakatulong itong pigilan ang gatas na tumaas kasabay ng sinok. Gayon din, maaaring ilagay ang baby sa stroller nang naka-angat ang ulo sa semi-reclining na posisyon.
TANDAAN!
Maraming mga sanggol ang sumisinok habang tulog. Hindi sila nababagabag nito at hindi ito rason para buhatin sila o gisingin.
Ang article na ito ay base sa article na makikita sa pregnancy at birth expert na www.birth.com.au para sa Kidspot, ang pinakamagandang resource ng newborn health sa Australia.
Ang article na ito ay unang nai-publish ng Kidspot at na-republish ng theAsianparent nang may pahintulot.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!