Buntis Guide: Mga sintomas ng buntis ng 8 weeks at iba pang dapat malaman

Alamin mula sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 8 weeks pati na din ang iba pang mahahalagang impormasyon tulad ng wastong pangangalaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas matindi ang sintomas ng dalawang buwan na buntis. Sa panahong ito mas mararamdaman mo na ang mga pagbabago sa iyong katawan. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 8 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman upang iyong mapaghandaan.

2 months hugis ng tiyan kapag buntis

Marahil napapaisip ka kung ano na ang 2 months hugis ng tiyan kapag buntis. Ang tiyan ng buntis sa ika 2 months ng pagdadalangtao ay unti-unti nang nagiging kapuna-puna. Pero posible ring ang paglaki ng puson o tiyan ng buntis sa ika 2 months ng pregnancy ay dulot lang ng bloating.

Sa panahong ito, tumataas pang lalo ang level ng hormone na nagdudulot ng water retention tulad na lamang ng nararanasan tuwing bago dumating ang regla o period.

Ibig sabihin ang 2 months hugis ng tiyan kapag buntis ay iba’t iba depende sa katawan ng buntis. May mga buntis na actual baby bump na talaga nila ang sanhi ng pagbabago sa hugis ng tiyan. Mayroon namang iba na bloating lamang ang dahilan.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Sa ika 2 months ng iyong pagbubuntis, ang iyong anak ay kasing laki na ngayon ng isang red kidney bean o raspberry. Siya ay may habang 1.6cm at timbang na 1.1g.

Ang development ng iyong anak

Matututunan mo mula sa gabay na ito ang development ng 8 weeks na buntis.

  • Bagaman hindi mo pa nararamdaman ang paggalaw ng sanggol sa iyong sinapupunan, madami na siyang nagagawa. Kabilang dito ang pag-flex ng kaniyang wrists.
  • Unti-unti nang nade-develop ang ilang human features ng iyong anak. Mas nagiging defined na din ang kaniyang facial features, at mas pansin na ang kaniyang mga tenga, upper lip at tip ng ilong.
  • Ang kaniyang mga mga daliri sa kamay at paa ay bahagyang naka-web.
  • Nagsisimula na rin na mabuo ang kaniyang tastebuds at nadedevelop na rin ang kaniyang tenga.
  • Ang kaniyang buntot na halos katulad ng sa isang tadpole ay nagsisimula nang mawala. 
  • Lumalaki na rin ang utak ng iyong anak kaya tila masyadong malaki na ang ulo nito kaysa sa katawan. Pero pansamantala lang naman ito at unti-unti ring magiging normal habang lumilipas ang development stage ng iyong anak sa loob ng sinapupunan.
  • Tumitibok na ang puso ng sanggol nang tinatayang 140 beats kada minuto. Hindi pa ito maririnig sa doppler machine pero maaari itong margining sa ultrasound.

8 weeks ng pagbubuntis: Ultrasound

Kahit na ikaw ay nagpositibo sa pregnancy test 2 weeks matapos ang conception, may ilang araw pa ang hihintayin bago makita ang pagbuo ng cells na magkukumpirma na umuusad ang iyong pagbubuntis.

Partikular na kung nais makumpirma ng iyong doktor ang heartbeat ng fetus bilang senyales na buhay ito.

Ano ang dapat asahan sa ultrasound ng 8 weeks na pagbubuntis?

Huwag gaanong mag-expect sa yugtong ito dahil wala pang gaanong makikita sa ultrasound.

Sa ngayon ay makakakita ka ng pigura na mukhang oblong bean. Kung kambal naman ito, dalawang pigura nito ang iyong makikita. Ang ulo ng baby ay kasinglaki pa ng katawan.

Makikita mo rin ang gestational sac, ang fluid-filled space sa paligid ng iyong baby. Sa loob nito ay makikita mor in ang yolk-sac, isang bubble-like structure. May tyansa rin na marinig ang heartbeat ng baby, depende sa lokasyon nito.

Mga sintomas ng buntis ng 8 weeks

Mahalaga ring malaman ang mga dapat asahang sintomas ng buntis ng 8 weeks o sintomas ng buntis 2 months. Narito ang ilang mga sintomas ng dalawang buwan na buntis:

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Asahan na isa sa mga sintomas ng buntis 2 months ay mas nagiging matalas ang iyong pang-amoy dahil sa hormones. Bukod pa rito, maaaring ang ibang bahagi ng iyong katawan ay hindi pa nagpapakita ng sintomas ng buntis ng 8 weeks. Maliban sa iyong suso na mas malaki at mabigat na ngayon. Dahil ito sa mga milk-producing lobules na nagsisimulang mag-expand.

Dagdag pa sa mga sintomas ng buntis ng 8 weeks, nakakaramdam ka ng pagkapagod at madalas nasusuka. Sintomas din ng dalawang buwan na buntis ang makaranas ng cramps. Ang mga ligaments sa iyong tiyan ay nag-stretch dahil ang iyong uterus ay nag-e-expand.

Nakakaranas ka rin ng iba’t ibang tummy issues bilang sintomas ng buntis ng 8 weeks. Normal lamang ito at hindi ito dahil sa indigestion, constipation, bloating, o kaya ay heartburn.

Maaaring kumonsulta sa doktor kung ikaw ay nababahala. Kung mayroong mga sintomas ng buntis ng buntis ng 8 weeks na nagdudulot ng pag-aalala sa iyon, puwede kang kumonsulta sa doktor para matiyak na ligtas ang iyong kalagayan at maibsan ang pangamba.

Ang dugo na dumadaloy sa iyong katawan ay dumadami. Sa katapusan ng iyong pagbubuntis mayroon kang halos 1 litro at kalahati na extra na dugo sa iyong katawan.

Pananakit ng puson at tiyan ng buntis 2 months

Posibleng makaranas ng pananakit ng puson ng buntis 2 months o kaya naman ay pananakit ng tiyan ng buntis 2 months. Ang pananakit ng tiyan at puson ay normal lang na nararamdaman sa panahon ng pagbubuntis.

Maraming pagbabagong maaaring maranasan habang ikaw ay buntis. Sa mga pagbabago na ito mataas ang tiyansa na magdulot ng discomfort o hindi komportableng pakiramdam sa iyong tiyan, puson, at iba pang bahagi ng iyong katawan.

Narito ang ilang posibleng sanhi pananakit ng puson ng buntis 2 months o pananakit ng tiyan ng buntis 2 months:

Early pregnancy

Sa mga unang buwan ng pagbubuntis, normal na makararanas ng pananakit ng tiyan at puson tulad ng pakiramdam tuwing may dysmenorrhea.Tinatawag itong pregnancy cramps. Dulot ito ng pagtaas ng level ng hormones sa iyong katawan. Bukod pa rito, isa pang sanhi ay ang pag-settle ng egg sa iyong matris o uterus.

Ectopic Pregnancy

‘Di man pangkaraniwan pero mahalagang malaman na ang ectopic pregnancy ay delikado at tinuturing na life-threatening condition. Nangyayari ito kapag ang egg ay tumubo sa labas ng uterus, kadalasan ay sa fallopian tube.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang nade-develop ang egg, puwedeng sumabog ang fallopian tube at magdulot ng seryosong internal bleeding. Ilan pa sa mga sintomas ng ectopic pregnancy ay mild pain sa ibabang bahagi ng puson, vaginal bleeding, pananakit ng ibabang bahagi ng likod, at mild cramps sa isang bahagi ng pelvis.

Samantala, maaarng tumindi ang mga sintomas habang lumalaki ang egg. Ang senyales ng ruptured fallopian tube ay ang dagling pananakit ng puson na hindi nawawala, pananakit ng mga balikat, panghihina, pagkahilo, at pagkawala ng ulirat.

Kapag nakaramdam ng mga sintomas ng ectopic pregnancy ay importanteng magpatingin agad sa doktor para malapatan ng tamang lunas ang iyong kondisyon.

Paninigas ng tiyan ng buntis 8 weeks

Ang paninigas ng tiyan ng buntis sa ika 8 weeks ng pregnancy ay hindi rin naman dapat na ikabahala. Maaaring dulot lamang ito ng gas na natrap sa tiyan.

Isa rin ang paninigas ng tiyan ng buntis 8 weeks sa mga posibleng maranasan dahil sa pregnancy hormones. Pinababagal ng pregnancy hormones ang digestion ng buntis.

Bukod pa rito, ang lumalaking fetus ay nagdudulot ng pressure sa digestive system ng ina. Panghuli, pwede ring pregnancy-related constipation ang dahilan kung bakit naninigas ang tiyan ng buntis sa ika 8 weeks ng pregnancy. Nagdudulot kasi ang constipation ng hindi balanseng digestive system.

Pangangalaga sa buntis

  • Kahit may mga pagkakataon na walang gana kumain, kailangan na kumain nang tama at masustansya na pagkain ang mga buntis. Kailangan ng nutrisyon ng lumalaking sanggol.
  • Siguraduhin na nakakakuha ang isang buntis ng sapat na calcium at vitamin D.

Larawan mula sa Pexels kuha ng Photomix Company

Checklist

  • Maaaring kailanganin na i-postpone o kanselahin muna ang mga travel plans dahil sa acute fatigue, pagkahilo at pagsusuka. Huwag malungkot. Maaari naman magplano ng babymoon kapag kaya mo nang magbiyahe.
  • Huwag kalimutan na mag-relax at lumayo sa mga bagay na nakaka-stress.

Mga dapat gawin sa 8 weeks na pagbubuntis

Bilang lumalaki na ang baby sa iyong sinapupunan, maaari mo nang ikonsiderang magpakonsulta sa doktor para sa iyong unang  prenatal medical visit; regular na mag-ehersisyo; kumain ng masustansya at iwasan ang mga pagkain na makakasama sa iyong pagbubuntis at mga pagkain na pinapaiwas sa ‘yo ng iyong doktor; at umiwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Ang iyong unang prenatal checkup

Mainam na makapagpakonsulta na sa iyong OB-Gyn o midwife para sa iyong first prenatal checkup kung hindi pa ito nagagawa.

Sa iyong pagbisita sa doktor, malaki ang tiyansa na kuhaan ka ng sample ng iyong ihi upang makumpirma ang iyong pagbubuntis, kinakailangan mo ring ibigay ang iyong medical history, magpakuha ng pelvic exam, at talakayin ang mga  nais at kailangan mong malaman para sa iyong pagbubuntis.

Maaari ka ring sumailalim sa maagang ultrasound upang masukat ang paglaki at heart rate ng iyong baby, at matignan kung kalian ang posibleng due date nito.

Mas mabuti rin kung may handa kang mga katanungan tungkol sa iyong pagbubuntis bago ka pa pumunta sa iyong doktor. Ilan sa mga maaari mong itanong mula sa iyong doktor ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Maaari ko pa bang inumin ang mga gamot na aking iniinom?
  • Anong klase ng mga ehersisyo ang maaari kong gawin habang ako ay nagbubuntis?
  • Mayroon bang mga aktibidad o pagkain ang kailangan kong iwasan?
  • Ang aking pregnancy ba ay high risk?
  • Anong mga test ang kailangan sa aking pagbubuntis?
  • Ano ang kailangan kong gawin kung may mal isa aking pakiramdam?

First-trimester exercise

Ang pag-eehersisyo ay isang paraan ng pangangalaga sa iyong katawan at sa iyong baby sa yugtong ito. Kung ikaw ay aktibo bago magbuntis, kadalasan ay ligtas naming ipagpatuloy ang mga nakasanayang aktibidad.

Subalit mainam pa rin na ipakonsulta ito sa iyong doktor. Maaaring magmungkahi ng alternatibong ehersisyo kung ang nakasanayang aktibidad ay mayroong malaking tiyansa ng aksidente.

Maaari mong ikonsidera na idagdag ang mga ehersisyo na ginagawa sa pelvic floor tulad ng Kegel exercises sa iyong workout routine.

Pagkain ng masustansya sa iyong first trimester

Larawan mula sa iStock

Bahagi ng pagkain ng masustansya sa iyong pagbubuntis ang pag-inom ng prenatal vitamins. Maaaring manghingi ng rekomendasyon sa iyong doktor sa iyong unang checkup. Siguraduhin din na nakakainom ng sapat na dami ng tubig.

Iwasan ang pagkain ng hilaw na isda, unpasteurized milk products, at deli meats. Maaari ring pabawasan ng iyong doktor ang nako-consume na caffeine.

Kailan dapat tumawag sa doktor

Ang biglaang pagkawala ng mga sintomas ay hindi nangangahulugan na mayroong problema sa iyong pagbubuntis. Sa katunayan, ang pananakit ng suso at pagduduwal ay maaaring mawala at magpabalik-balik.

Kung mayroong kakaiba sa nararamdaman, tumawag agad sa iyong doktor. Ang mga senyales ng miscarriage o pagkalaglag ay kinabibilangan ng vaginal spotting o pagdurugo hanggang sa cramping o passing of tissue mula sa vagina.

Maaari ring walang senyales ng miscarriage. May ilang mga kababaihan na nalalaman nalang ang miscarriage nila sa kanilang unang ultrasound.

Sa estimasyon ng mga mananaliksik, 15% ng mga pagbubuntis ang nauuwi sa miscarriage sa unang trimester.

Ang kagandahan, ayon sa pag-aaral noong 2008, kapag ang iyong baby ay umabot na ng 8 weeks, bumababa ang risk ng miscarriage ng 1.5%.

2 months delayed buntis na ba?

Unang buwan pa lang na ma-delay ang iyong menstrual period o regla ay maaari mo nang malaman kung ikaw ba ay buntis o hindi. Kaya naman, ang sagot sa tanong na “2 months delayed buntis na ba?” ay posibleng oo, puwede rin namang hindi.

Maaaring mag-take ng pregnancy test kung ikaw ay 2 months nang delayed sa iyong menstrual period. Makabibili ng mga pregnancy test kit sa mga botika. Puwede rin namang kumonsulta sa doktor para mas maging tiyak ang resulta ng pregnancy test.

Samantala, kung negatibo ang resulta ng pregnancy test, mahalagang kumonsulta ulit sa doktor. Maraming posibleng dahilan ang delay sa regla.

Ilan sa mga posibleng dahilan ng 2 months delayed na menstrual period ay ang mga sumusunod:

  • Pagbabago sa timbang dahil sa eating disorder
  • Matinding stress
  • Pagpro-produce ng katawan ng maraming prolaction hormones dahil ikaw ay nagpapasuso.
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS)
  • Labis na ehersisyo
  • Thyroid problem
  • Diabetes
  • Primary Ovarian Insufficiency (POI)

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 9 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 7 linggo

 

Karagdagang impormasyon isinulat ni Shena Macapañas at Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Written by

Jasmine Yeo