Hindi raw totoong nagkakaroon ng spoiled na baby ayon sa mga eksperto. Ang paliwanag nila alamin dito.
Talaan ng Nilalaman
Experts say, hindi totoong may spoiled na baby
Larawan ni Kampus Production mula sa Pexels
“Huwag mong sanaying karga ng karga anak mo.”
“Hayaan mong umiyak. Hindi ‘yong konting iyak lang kukunin mo na. Ikaw ring mai-spoiled ‘yan!”
Ito ang madalas na linyang maririnig nating mga nanay mula sa mga nakakatanda. Partikular na sa tuwing agad nating inaalo si baby sa tuwing umiiyak.
Ang mga palaging pagkarga kay baby, paghele kapag umiiyak siya ay maari daw maging dahilan para ma-spoil natin siya. Katagalan, sabi nila ito raw ay hindi makakabuti sapagkat walang ibang mahihirapan kung hindi tayo rin pagdating sa pag-aalaga.
Pero may salungat na pahayag dito ang mga eksperto. Dahil sabi nila hindi totoong nai-spoiled ang sanggol sa ginagawa nating pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanila.
Sa katunayan, nagpo-promote umano ito ng secure attachment sa sanggol at nakakatulong para ma-enhance ang mental health nila. Base ito sa pag-aaral na isinagawa ng mga researchers na sina Rick Solomon, Kim Martin at Eric Cottington noong 1993 tungkol sa early childhood development.
Kailan nasasabing spoiled ang isang bata?
Larawan ni Laura Garcia mula sa Pexels
Madalas nasasabi nating spoiled ang isang bata sa tuwing nagwawala o nagtantrums siya kapag hindi nabibigay o nasusunod ang gusto niya.
Ayon sa author at pediatrician na si BJ McIntosh, ang spoiled na bata ay maisasalarawan bilang overly self-centered at immature. Ito raw ay resulta ng pagiging labis na mapagbigay o pagsunod sa luho ng mga magulang sa anak nila. O ang hindi pagbibigay ng kaukulang limit sa isang bata base sa kaniyang edad.
Mula sa depinisyon na ito ni McIntosh ay sinabi ng ilang eksperto na hindi posibleng ma-spoil ang mga sanggol. Partikular na ang mga sanggol na edad 5-6 na buwang pababa na wala pang sariling pag-iisip at hindi pa kayang mabuhay o mag-survive ng walang nag-aalaga sa kanila.
Kaya naman paliwanag ng mga eksperto hindi dapat mag-alala o isiping mai-spoil si baby kung lagi mo siyang karga lalo na kapag naghahabol siya sa ‘yo. O kung siya ay kukunin mo at aaluhin sa tuwing umiiyak.
Sapagkat ang mga ginagawa mong ito ay nakakatulong para magkaroon kayo ng mas matibay na bond of attachment. Ito rin ay nakakatulong sa healthy development niya at tinatawag na responsive caregiving na maraming benepisyong naibibigay sa sanggol.
Ano ang responsive caregiving?
Larawan ni Mateusz Dach mula sa Pexels
Ayon sa World Health Organization, ang responsive caregiving ay ang abilidad ng isang caregiver o nag-aalaga sa isang sanggol na matukoy, maintindihan at mag-respond sa mga signals na ipinapakita niya.
Tulad na lang sa pagtalima sa kaniya sa tuwing siya ay umiiyak. Ito umano’y napakahalaga para sa kalusugan, nutrisyon, safety at security ng isang sanggol. Nagbubukas rin ito ng oportunidad para magkaroon ng early learning interaction ang sanggol sa mga tao at mga bagay sa paligid niya.
Ipinapayong ang mga sanggol hanggang sa kanilang ika-3 taon ay dapat makatanggap ng responsive care. Sapagkat napakahalaga nito sa pagsisiguro ng maayos nilang growth at development.
Sa tulong ng responsive caregiving, nararamdaman ng mga sanggol na mahalaga sila. Nabibigyan rin sila ng feeling of safety at security.
Nakakatulong din ito sa pagbuo ng strong relationship sa pagitan mo at ni baby. Ang resulta nito ay mas nahahasa ang kaniyang social at emotional skills.
Nakakatulong din ito sa kaniyang brain development na may magandang epekto sa kaniyang cognitive, problem solving at learning ability.
Maliban dito, may long-term outcome din ito sa mental health ng sanggol. Dahil sa ito ay nakakatulong na makaiwas sila sa stress at mas motivate sila.
Paano ba maisasagawa ang responsive caregiving?
Pero paano ba maisasagawa ang responsive caregiving? Narito ang ilang hakbang na maaring gawin.
- Maging mapamatyag sa cues ni baby tulad nalang ng mga eye gaze niya. Pati narin ang kaniyang facial expressions, mga tunog na ginagawa at iba pang behavior na paraan niya para i-express ang sarili niya.
- Alamin ang ibig sabihin ng mga ipinapakitang cues na ito ni baby o ano ba ang nais niyang sabihin sa pamamagitan ng mga ito.
- Mag-respond sa mga cues na ito ni baby sa sensitive na paraan. Tulad nalang ng pagkarga sa kaniya sa tuwing siya ay umiiyak at naghahabol sayo. Dahil tandaan, hindi ito pag-spoil sa kaniya. Kung hindi paraan para maiparamdam mo sa kaniya ang responsive care na napakahalaga sa kaniyang growth at development.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!