- may diabetes ang nanay
- obese o masyado ring mabigat ang timbang ng nanay
- genetic
- mayroong medical condition ang bata
Maaari ring magkaroon ng macrosomia ang bata kapag:
- mayroong diabetes ang ina bago pa man nabuntis o habang nagbubuntis (gestational diabetes)
- obese ang nanay bago pa man ito magbuntis
- masyadong bumigat ang nanay habang nagbubuntis
- mayroong high blood pressure ang nanay habang nagbubuntis
- nagsilang na ng malaking baby ang nanay sa dating pagbubuntis
- lagpas na ng dalawang linggo sa iyong due date
- mahigit 35-taong gulang na ang nanay
BASAHIN:
STUDY: Underweight, overweight at obese na buntis mataas ang tiyansang makaranas ng recurrent miscarriages
#AskDok: Paano mabuntis ang mataba? Alamin kung ano ang epekto ng timbang sa pagbubuntis
#AskDok: Puwede bang mag-diet habang buntis?
Larawan mula sa Pexels
Mga posibleng mangyari kapag masyadong malaki ang baby sa loob ng tiyan
Kapag masyadong malaki o mabigat ang sanggol na iyong ipinagbubuntis, ang unang sasabihin ng iyong OB-GYN ay “Baka mahirapan kang manganak.” Kadalasan, kapag masyadong malaki ang baby, sumasailalim ang nanay sa cesarean section para mailabas ng ligtas at malusog ang sanggol.
Narito pa ang mga posibleng komplikasyon na dala ng macrosomia para sa mag-ina:
-
Maaari itong makaapekto sa iyong panganganak.
Kapag masyadong malaki si baby, maaaring mahirapan siyang makalabas sa iyong birth canal. May mga kaso kung saan nakalabas na ang ulo ng sanggol subalit naiipit pa ang kaniyang balikat at naiiwan pa ang kaniyang katawan. Tinatawag itong shoulder dystocia.
Dahil rito, tumatagal ang labor, at nababawasan din ang oxygen na nakukuha sa sanggol. Sa mga ganitong kaso, maaaring kailanganin ng forceps o vaccum delivery para mailabas si baby, o kaya naman sumailalim na lang sa cesarean delivery.
-
Injury at excessive bleeding sa nanay matapos ang delivery
Habang lumalabas ang sanggol, maaari niyang mapunit ang perineal muscles ng kaniyang ina, at maaari rin itong magdulot ng matinding pagdurugo, maging kahit naipanganak na si baby.
Kapag masyadong malaki ang sanggol, maaari rin niyang mapunit ang iyong uterus sa kalagitnaan ng delivery, na lubhang delikado para sa mag-ina.
Kapag malaki ang sanggol kapag siya ang ipinanganak, mas malaki ang posibilidad na maging obese rin siya hanggang sa kaniyang paglaki.
Malaki rin ang posibilidad na maging mataas ang blood sugar ng sanggol, at maaari pang magkaroon ng diabetes sa kaniyang pagtanda.
Tamang laki ng baby sa loob ng tiyan – paalala kay Mommy
Paano mo masisigurong tama lang ang laki ni baby sa loob ng iyong tiyan? Narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan:
-
Alamin kung ano ang tambang timbang habang nagbubuntis.
Natural ang pagdagdag ng timbang sa mga buntis. Pero kung masyadong mabilis ang paglobo ng iyong timbang, baka dapat ka nang kumonsulta sa iyong OB-GYN kung normal pa ba ito.
Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), kung normal ang iyong timbang bago ka mabuntis, maaari kang magdagdag ng 2-4 lbs sa unang trimester, 12-14 lbs sa ikalawang trimester at 8-10 lbs sa huling trimester. Ligtas din ang magdagdag ng 1 lb kada linggo sa ikalawa at huling trimester.
Narito naman ang isang guide mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) tungkol sa tamang pagdagdag ng timbang habang buntis:
|
Kung bago ka mabuntis, ikaw ay |
Pwede kang mag-gain ng |
Underweight
BMI mas mababa sa 18.5 |
28-40 lbs (50-62 pounds kung kambal) |
Normal Weight
BMI 18.5-24.9 |
25-35 lbs (37-54 lbs kung kambal) |
Overweight
BMI 25.0-29.9 |
15-25 lbs (31-50 lbs kung kambal) |
Obese
BMI ay 30.0 o higit pa |
11- 20 lbs |
Habang ipinagbabawal naman sa karamihang buntis ang mag-diet, hindi naman ibig sabihin nito na malaya kang kumain ng kahit ano at kahit kailan mo gustuhin. Kailangan mo pa ring bantayan ang iyong timbang.
Makakatulong ang pagkain ng masusustansyang pagkain (na makakabuti rin kay baby) at umiwas sa pagkain o inuming maraming asukal at fats.
Makakatulong ang paggalaw para mapanatili ang tamang timbang habang nagbubuntis at tamang laki ni baby sa loob ng tiyan.
Ayon sa CDC, sikaping magkaroon ng 150 minuto (dalawa’t kalahating oras) ng exercise habang nagbubuntis (puwera na lang kung ipinagbabawal ng iyong OB-GYN) gaya ng paglalakad o prenatal yoga. Makakatulong din ito para maiwasan ang pananakit ng likod at iba pang komplikasyong dala ng pagbubuntis.
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa tamang timbang habang nagbubuntis, huwag mag-alinlangang kumonsulta sa iyong doktor.