Lagnat na pabalik balik, dapat nga bang ipag-alala? Ano kaya ang posibleng dahilan ng pabalik balik na lagnat?
Ano ang lagnat?
Ang lagnat ay ang pagtaas ng temperatura ng katawan sa 38.3° Celsius mula sa normal na 37.5° Celsius. Marami itong maaaring pagmulan, ngunit ito ay isa lamang sintomas ng paglaban ng katawan sa isang sakit o impeksiyon.
Maaari itong magdulot ng pagkalamig, panginginig, pagsakit ng ulo, pagkahina, at pagkawala ng gana sa pagkain. Ngunit, paano kung may pabalik balik na lagnat?
Paano masasabing pabalik balik na lagnat ang iyong nararanasan?
Ayon kay Dr. Art Jerome D. Luzande, MD, kailangan munang kilalanin ano ang lagnat na ito. Ayon sa kanya, madalas na sinasabi na may lagnat na pabalik balik ngunit 2 araw pa lamang ang nakalipas nang nagsimula ito.
Mayroon ding mga nagsasabi na pabalik balik na lagnat ang kanilang nararanasan kahit pa ang katotohanan ay matagal nang hindi bumababa ang temperatura. Para masabing pabalik balik ito, ang temperatura dapat ay bumababa nang ilang oras at muling tumataas.
Kailan masasabing pabalik-balik ang lagnat?
Ayon sa Cleveland Clinic, ang pabalik-balik na lagnat o recurring fever ay ang pagkakaroon ng multiple o paulit-ulit na lagnat na tinatawag ring episodic fever.
Ang ibig sabihin, ang lagnat ay maaaring mawala at bumalik na namang muli. Halimbawa nito, ang pagkakaroon ng lagnat kada buwan o kaya naman ay kada linggo.
Ang uri ng lagnat na ito ay madalas na nararanasan ng mga maliliit na bata. Madalas sa mga batang edad 5 pababa. Ang lagnat ay maaring tumagal ng ilang araw saka mawawala habang nanatiling malusog at normal ang pakiramdam ng isang bata.
Image by press 👍 and ⭐ from Pixabay
Sintomas ng pabalik-balik na lagnat
Tulad ng typical na lagnat, ang pabalik-balik na lagnat ay nagpapakita rin ng parehong sintomas. Tulad ng mataas na temperatura na higit sa 37° Celsius, panginginig ng katawan at mainit na balat. Sasabayan rin ito ng pananakit o pagkapagod ng katawan.
Sa pabalik balik na lagnat ng bata, maliban sa mga nabanggit na sintomas, ang iba pang mapapansing pagbabago sa kanila dulot ng lagnat ay ang sumusunod:
- Pagiging iritable o bugnutin.
- Ayaw kumain o uminom ng tubig hindi tulad ng normal o usual niyang ginagawa.
- Umiiyak ng may mataas na tunog.
- Pagkamot o paghila sa kaniyang tenga.
- Matamlay o less responsive.
Sanhi ng pabalik balik na lagnat
Maraming maaaring pagmulan o dahilan ng balik ng balik ang lagnat. Ang ilan sa madalas na nagdudulot nito ay ang sumusunod:
Ayon kay Dr. Luzande, sa kanyang karanasan, ang karaniwang nasusuring sanhi kung bakit balik ng balik ang lagnat ay impeksiyon. Ang pagtaas ng temperatura ng katawan ay isang senyales na gumagana ang immune system ng isang tao at nagiging lagnat. Karaniwan, kapag ang katawan ay may nilalabanan na impeksiyon, maaaring magpabalik-balik ang lagnat.
Image from Freepik
Pabalik balik na lagnat Dengue
Ang dengue ay isang impeksyong dala ng lamok na nagdudulot ng malubhang karamdamang tulad ng trangkaso at, kung minsan ay nagdudulot ng potensyal na nakamamatay na komplikasyon na tinatawag na malubhang dengue.
Ang dengue ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng trangkaso na tumatagal ng 2-7 araw. Karaniwang nangyayari ang dengue fever pagkatapos ng incubation period na 4-10 araw pagkatapos makagat ng infected na lamok.
Ang mataas at pabalik balik na lagnat dengue (40°C/ 104°F) ay kadalasang sinasamahan ng hindi bababa sa dalawa sa mga sumusunod na sintomas:
- Sakit ng ulo
- Sakit sa likod ng mata
- Pagduduwal, pagsusuka
- Mga namamagang glandula
- Pananakit ng kasukasuan, buto o kalamnan
- Rash
Kapag ang isang tao ay nahawahan ng isang strain, ang kanilang katawan ay bubuo ng isang kaligtasan sa strain lamang na iyon. Nangangahulugan ito na ang isang tao ay maaaring mahawaan ng dengue fever ng 3 beses sa kanilang buhay. Higit pa rito, ang bawat dengue fever reinfection ay mas mapanganib kaysa sa nakaraang impeksyon.
Pabalik balik na lagnat tuwing gabi
Ang Cortisol, isang hormone na ginawa ng adrenal glands, ay tumutulong sa pag-regulate ng mga antas ng asukal sa dugo, metabolismo, at presyon ng dugo. Tinutulungan din nito ang katawan na pamahalaan ang stress.
Bilang karagdagan, tinutulungan ng cortisol ang iyong immune system na gumana nang maayos at mabawasan ang inflammation. Sa madaling salita, tinutulungan ka nitong labanan ang impeksiyon at pagkakasakit.
Mas maraming cortisol ang umiikot sa iyong dugo sa araw. Nangangahulugan ito na ang iyong mga white blood cells, na responsable para sa paglaban sa mga impeksyon, ay hindi gaanong aktibo sa araw.
Sa gabi, mas kaunti ang cortisol sa iyong dugo. Bilang resulta, ang iyong mga white blood cells ay madaling nakakakita at lumalaban sa mga impeksyon sa iyong katawan sa oras na ito.
Ito ang nag-uudyok sa mga sintomas ng impeksyon na lumabas, tulad ng lagnat, kasikipan, panginginig, o pagpapawis. Samakatuwid, maaaring magkaroon ng pabalik balik na lagnat tuwing gabi.
Pabalik balik na lagnat ng baby dahil sa ngipin
Ang pagngingipin, na nangyayari kapag ang mga ngipin ng mga sanggol ay unang tumutubo, ay maaaring magdulot ng paglalaway, pananakit, at pagkabahala.
Ang mga sanggol ay karaniwang nagsisimulang magngingipin sa anim na buwan, ngunit ang bawat bata ay naiiba. Kadalasan, ang dalawang ngipin sa harap sa ibabang gilagid ay unang pumapasok.
Habang ang ilang mga magulang ay naniniwala na ang pagngingipin ay maaaring magdulot ng pabalik balik na lagnat ng bata, walang ebidensya na sumusuporta sa ideyang ito. Totoo na ang pagngingipin ay maaaring bahagyang tumaas ang temperatura ng isang sanggol, ngunit hindi ito magiging sapat upang magdulot ng pabalik balik na lagnat ng baby.
Kung ang iyong sanggol ay may lagnat na pabalik balik, maaari itong sanhi ng ibang infection.
Iba pang maaring dahilan ng pabalik-balik na lagnat
Maliban sa mga nabanggit na kondisyon, ang pabalik-balik na lagnat ay maaring sintomas rin ng grupo ng mga sakit na tinatawag na periodic fever syndrome. Ang kondisyon na ito ay madalas na dulot ng genetic defect.
Maraming klase o uri ang periodic fever syndromes, kabilang rito ang mga sumusunod:
- Familial Mediterranean fever (FMF).
- Tumor necrosis factor receptor-associated periodic syndrome (TRAPS).
- Hyper immunoglobulin D syndrome (HIDA), o tinatawag ring mevalonate kinase-associated periodic fever syndrome.
- Neonatal onset multisystem inflammatory disease (NOMID).
- Muckle-Wells syndrome and familial cold autoinflammatory syndrome.
- Periodic fever, Aphthous-stomatitis, Pharyngitis, Adenitis (PFAPA) syndrome.
Pagsusuri at pag-iwas sa lagnat na pabalik balik
Ipinapayo ni Dr. Luzande na gumamit ng thermometer sa pagkuha ng temperatura ng katawan. Ayon sa kanya, “iba ang init na makukuha kapag dinaan lamang sa paghawak.” Kapag dinaan lamang sa pagtantsa ang pagkuha ng temperatura, hindi ito magiging eksakto at maaaring magkamali ng pagsusuri.
Upang maiwasan na bumalik ang lagnat, makabubuting ituloy ang pagpapahinga kahit pa bumaba na ang temperatura. Maaaring hindi pa tapos ang katawan sa pagpuksa sa nagdudulot ng lagnat.
Kung ang lakas ng tao na kakababa lamang ng temperatura ay ibubuhos sa ibang bagay, mahihirapan ang katawan na magpagaling.
Image from Freepik
Gamot sa lagnat na balik ng balik
Ang pabalik-balik na lagnat ay maaring malunasan tulad ng typical fever o lagnat.
Iminumungkahi ni Dr. Luzande na uminom ng paracetamol o acetaminophen kapag nasuri na talagang may lagnat. Siguraduhin din na tama ang dosage na ibibigay sa may sakit upang maiwasan ang kulang o sobrang gamot sa katawan.
Gamot sa pabalik balik na lagnat ng bata
Lalo na sa mga bata, mabuting bago sila painumin ng gamot ay magpa-konsulta muna sa doktor. Dahil ang pagbibigay ng gamot sa isang bata ay hindi lang base sa kaniyang edad. Ito ay binabase o naka-depende rin kaniyang bigat o weight .
Sa pagbibigay ng gamot ay siguraduhing iwasan ang pagbibigay o pagpapa-inom ng aspirin sa iyong anak. Dahil napatunayang ang gamot na ito ay nagdudulot ng seryosong kondisyon sa kalusugan ng iyong anak na kung tawagin ay Reye’s syndrome.
Para mabilis na maka-recover ang katawan ay mabuting magpahinga habang nilalagnat. Ang pagpapahinga ay mahalaga upang ang lagnat ay hindi bumalik.
Bigyan ang katawan ng sapat na panahon para magpahinga at magpagaling. Huwag itong puwersahin sa mga gawain upang makatutok ito sa paglaban sa impeksiyon na nagdudulot ng lagnat.
Makakatulong din ang pag-inom ng maraming fluids o tubig habang may lagnat. Ito ay para maiwasan ang dehydration na maaring makapagpalala ng kondisyon ng batang may sakit. Nakakatulong din ito na mas mapadaling palabasin ng katawan ang virus o bacteria na nilalabanan ng immune system.
Mabisang gamot sa pabalik-balik na lagnat | Image from Freepik
Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
Mahalaga rin na i-monitor ang isang batang may lagnat. Ito ay upang makita ang mga pagbabago sa kaniyang katawan. I-track din ang lagnat.
Ipinapayo ni Dr. Luzande na kapag patuloy na nagkakalagnat sa loob ng tatlong araw, makakabuting magpasuri na. Kadalasan, sa puntong ito ay kakailanganin nang uminom ng antibiotics. Ginagamot nito ang impeksiyon, viral man o bacterial, upang hindi makapagdulot ng masmalalang prublema sa katawan.
Kapag naman nakapagpasuri na at umiinom na ng antibiotics, mas makakabuting magpakonsulta na sa ikatlong araw kung patuloy pa rin ang lagnat.
Maaari namang hindi na patagalin pa ang ilang araw bago dalhin sa doktor ang iyong anak. Lalo na kung nakikita mo siyang nahihirapan sa paghinga o mas lalong nagiging matamlay o mahina ang katawan niya.
Kung nakakaranas na balik ng balik ang lagnat ang iyong anak ay mahalaga na sabihin ito sa doktor. Dahil ito ay makakatulong upang matukoy kung ano ang dahilan nito at kung ano ang tunay na kondisyon niya.
Ito ay dapat gawin upang mabigyan din siya ng tamang gamot o treatment na magpapabuti ng pakiramdam niya at hindi na bumalik pa ang lagnat na nararanasan niya.
Dagdag na tip
Sa pagkuha ng temperatura ng iyong anak ay mas mabuting gumamit ng rectal thermometer para sa mas acccurate na resulta. Dahil ang pagkuha ng temperatura sa kili-kili o axillary ay mas mababa ng isang degree.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!