X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis

6 min read
#AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis#AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis

Narito ang mga inuming dapat iwasan na muna ng buntis at ang substitute o pamalit na makakabuti sa kaniyang pagdadalang-tao.

Ayon kay Dr. Ramon Reyles, isang OB-Gynecologist, may mga inuming bawal inumin ng buntis. Dahil ang mga ito’y maaaring makasama sa kaniyang pagdadalang-tao. Alamin kung ano ang mga inuming ito at bakit ito kailangang iwasan ng buntis sa artikulong ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga inuming dapat ayon sa isang doktor
  • Inuming bawal sa buntis ayon sa isang doktor

Mga inuming bawal inumin ng buntis

Sa pagbubuntis nagsisimula ang buhay ng isang tao. Kaya naman napakahalaga o sensitibo ng yugto na ito sa buhay isang babae. Sa pagbubuntis maraming bagay siyang hindi na muna dapat gawin o kainin. Ganoon din ang ilang mga beverages o juices na bawal niya munang inumin. Dahil sa ito’y maaaring magdulot ng peligro sa buhay ng dinadalang niyang sanggol.

Sa pamamagitan ng isang ekskusibong panayam ay ibinahagi ni Dr. Ramon Reyles, isang OB-Gyne at Chairperson ng Department of OB-GYN ng Makati Medical Center ang mga inumin na sinasabing maaaring makasama sa pagdadalang-tao. Ito ay ang sumusunod:

Kape

Marami sa atin ang mahilig sa kape. Pero ayon kay Dr. Reyles, pagdating sa mga babaeng nagdadalang-tao kailangang limitahan ang pag-inom nito. Sapagkat ang caffeine humahalo sa ating bloodstream at nakakarating sa ipinagbubuntis na sanggol. Kung ang pag-inom ng kape ay nakakaapekto sa kakayahan nating matulog, ganoon din ang epekto nito sa mga sanggol na hindi pa naipanganganak. Tulad ng epekto sa atin ng pagpupuyat, hindi rin magiging mabuti ang epekto nito sa katawan ng nagde-develop pang sanggol sa sinapupunan.

Bagama’t sinabi ni Dr. Reyles na hindi naman ganap na ipinagbabawal ang pag-inom ng kape ng buntis, mabuting limitahan ito. Ito’y para makasigurong hindi ito makakasama sa ipinagbubuntis na sanggol.

“Pwede naman but limit. Pwedeng once in a while but not every day and it should not be part of your regular diet… Conditional ang kape. Kung dati ka ng umiinom ng kape pwede naman. Pero you have to limit, mga one cup lang pwede na or not more than 200 mg of caffeine a day.”

Bilang pamalit sa kape maaaring uminom ng herbal tea. Tulad ng ginger at peppermint tea na nakakatulong maibsan ang sintomas ng morning sickness. O kaya lemon tea na pampakalma. Pero dapat ay mag-ingat din sa pag-inom ng herbal tea. Mainam na magtanong muna sa iyong doktor kung anong klaseng tea ang dapat inumin. May mga herbs kasi ang toxic at maaaring makasama sa ipinagbubuntis na sanggol.

bawal inumin ng buntis

Photo by Shirley Tan from Pexels

Iced tea at milk tea

Tulad ng kape, hindi naman ganap na ipinagbabawal sa buntis ang pag-inom ng mga iced tea at milk tea. Ang kailangan lang din na limitahan ang pag-inom nito. Maliban sa taglay nitong mataas na lebel ng caffeine, matamis din ito. Maaaring makasama sa buntis ang kung sosobra sa mamatatamis na inumin. Ayon kay Dr. Reyles,

 “Pwede but limit rin. Kasi may caffeine rin ‘yun at the same time matamis so limit lang.”

Kaya tulad ng kape dapat limitahan lang ang pag-inom ng milk tea o iced tea ng buntis. Dapat isang cup o baso lang nito sa isang araw. Pero kung kaya na huwag na munang uminom nito habang nagdadalang-tao ay mas mabuti at pabor sa sanggol na ipinagbubuntis.

Soft drinks

Isa pang inumin na bawal inumin ng buntis hangga’t maaari’y ang mga soft drinks o carbonated drinks. Sapagkat maliban sa mataas ang caffeine level ng inuming ito, mataas din ang calories nito. Saka nagtataglay rin ito ng artificial sweeteners, lalo na ang mga diet soda na maaaring magdulot ng infant obesity. Kaya payo ni Dr. Reyles, mabuting iwasan nalang itong inumin,

“’Yung mga carbonated drinks, mataas ang caffeine at calories. They are unnecessary calories and caffeine kaya better to avoid and take water nalang.”

Kung naghahanap ng refreshment sa mainit na panahon, mainam na uminom nalang ng lemonade ang buntis. O kaya naman ay fresh coconut water na sinasabing nakakatulong ring maibsan ang sintomas ng morning sickness at dehydration. Basta’t huwag lang masyadong sosobra sa pag-inom nito. Dapat ay limitahan lang ito sa isang baso sa isang araw. Dahil sa ito ay nagtataglay ng sodium at potassium na maaring makaapekto sa blood pressure ng buntis.

BASAHIN:

#AskDok: 5 pagkain na ipinagbabawal sa buntis

13 beauty products na bawal sa buntis

#AskDok: Bawal ba ang instant noodles o pancit canton sa buntis?

bawal inumin ng buntis

Photo by Charlotte May from Pexels

 

Energy drink

Madalas man nakakaramdam ng pagod o fatigue ang isang buntis, hindi naman inirerekumenda na siya’y uminom ng energy drink. Sapagkat nagtataglay rin ng high levels of caffeine.

Bilang pamalit mabuting uminom ng sports drinks na nagtataglay ng electrolytes na safe sa pagbubuntis. Ayon sa mga eksperto, ang mga sports drink ay nakakatulong na maibsan ang cramping na nararanasan ng buntis. Pinapanatili rin nitong balanse at nasa tamang level ang kaniyang body fluids.

Alcohol o alak

Pagdating sa alcohol, walang amount nito ang ligtas sa pagbubuntis. Mabuting iwasan na lang muna ito ng babaeng nagdadalang-tao. Sapagkat tulad ng caffeine, ang mga compounds nito’y maaaring humalo sa bloodstream ng buntis. Maaaring makarating ito sa sanggol at makaapekto sa kaniyang development. ‘

Kung nais na mag-unwind, mas mainam na uminom na lang ng mocktails na gawa sa mga fruit juices. Basta’t muli dapat siguraduhing pasteurized ito at panatilihing limitado ang pag-inom.

Raw milk

Ang gatas ay siksik ng nutrients na kailangan ng buntis. Pero payo ng mga eksperto, hindi sila dapat umiinom ng raw o unpasteurized milk. Sapagkat maaaring nagtataglay nito ang bacteria na nakakasama sa pagdadalang-tao. Mas mabuting uminom sila ng mga pasteurized na gatas. O kaya naman ay ang mga pregnancy milk pero mas mainam na magtanong muna sa kaniyang doktor. Ito ay upang makasigurado na hindi ito makakaapekto sa pagbubuntis.

“Kung milk-intolerant ka, mga non-lactose replacement. Para sa mga general population na walang lactose intolerance, you can drink formula for pregnant moms, you can take them but ask your doctor.”

bawal inumin ng buntis

Larawan mula sa Baby photo created by freepik – www.freepik.com

Untested tap water

Kailangan ng buntis na uminom ng maraming baso ng tubig sa isang araw. Pero dapat ang tubig na kaniyang iniinom ay hindi untested o hindi alam kung saan nagmula. Sapagkat maaaring contaminated ito ng bacteria o lead na imbis na makatulong sa kaniya ay maaring makasama pa. Kaya naman mas mabuting uminom ng mga purified o tubig na dumaan sa filtration system. Ito ay para makasigurado na safe ito inumin at hindi makakasama sa kaniyang pagbubuntis.

Mga pwedeng inumin ng buntis

Paalala ni Dr. Reyles sa mga buntis, ugaliing uminom ng tubig at gatas para mapanatiling healthy ang inyong pangangatawan at pati na si baby sa loob ng inyong sinapupunan.

“Marami kasing calcium sa milk na kailangan ng buntis, kaya naman kailangan pa itong i-advise ng doktor kasi sa atin hindi naman tayo milk drinking country. Kaya paalala sa mga buntis na mahalaga ang calcium para sa kanila at kanilang baby.”

Source: WFMC Health, Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
4 Fun activities to enjoy at Kidzania's National Bookstore and Art Studio
4 Fun activities to enjoy at Kidzania's National Bookstore and Art Studio
A Mother’s Touch in the Workplace in the time of a Pandemic
A Mother’s Touch in the Workplace in the time of a Pandemic
Take insta-worthy pics at the "Lights at the Park" this holidays
Take insta-worthy pics at the "Lights at the Park" this holidays
Mornings made brighter with Chika, Besh!
Mornings made brighter with Chika, Besh!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • #AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis
Share:
  • STUDY: Mas mabuting hindi uminom o kumain ng kahit anong may caffeine ang isang buntis

    STUDY: Mas mabuting hindi uminom o kumain ng kahit anong may caffeine ang isang buntis

  • STUDY: Ito ang epekto ng kape sa ugali ng ipinagbubuntis na baby

    STUDY: Ito ang epekto ng kape sa ugali ng ipinagbubuntis na baby

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • STUDY: Mas mabuting hindi uminom o kumain ng kahit anong may caffeine ang isang buntis

    STUDY: Mas mabuting hindi uminom o kumain ng kahit anong may caffeine ang isang buntis

  • STUDY: Ito ang epekto ng kape sa ugali ng ipinagbubuntis na baby

    STUDY: Ito ang epekto ng kape sa ugali ng ipinagbubuntis na baby

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.