Kailan malalaman ng baby ang pangalan niya, alamin dito ang sagot ng mga eksperto.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kailan malalaman ng baby ang pangalan niya.
- Ano ang maaari mong gawin para ma-recognize ni baby ang pangalan niya?
- Kailan masasabi ni baby ang pangalan niya.
Ang pagmasdan ang development ng iyong sanggol ay walang kapares na saya para sa isang magulang. Mula nang siya ay isang fetus pa lamang sa ‘yong sinapupunan, hanggang sa siya ay maipanganak, makapagsalita at maglakad ay isang rewarding experience para sa atin.
Sa paglipas ng araw mula ng siya ay maipanganak, ay unti-unti siyang nagiging aware sa paligid niya. Natututo rin siya ng iba’t ibang bagay at nagiging pamilyar sa mga ito gaya nalang sa sariling pangalan niya.
Pero minsan ba ay naisip mo kung kailan nalalaman ng baby ang pangalan niya? Ayon sa mga eksperto, may paliwanag dito ang siyensiya.
Kailan nagre-respond ang sanggol sa pangalan niya?
Image from Pexels
Ang iyong sanggol ay nagsisimulang makilala ang mga tunog sa paligid niya matapos siyang maipanganak. Ang pinakapamilyar nga na tunog para sa kaniya ay ang boses ng kaniyang ama’t ina. Kasunod nito ay matututo na rin silang makakilala ng mga mukha at ngingiti sa mga mukhang pamilyar sa kanila.
Sa maraming mga sanggol, mapapansin agad na nagre-respond sila sa tuwing tinatawag ang kanilang pangalan sa edad na apat na buwan. Sapagkat ito’y nagbibigay sa kanila ng comfort at hindi nangangahulugan na pamilyar na sila sa pangalan nila.
Hindi ito dapat ikabahala. Sa katunayan, ay palatandaan ito na-achieve niya ang kaniyang growth milestone. Palatandaan din ito na maayos ang pandinig niya at nag-i-exhibit siya ng muscle control habang nagkakaroon din siya ng attachment sa ‘yo.
Para sa iyong sanggol, ang pangalan niya ay isang happy thought na nakakapagpangiti sa kaniya.
Kailan nalalaman ng baby ang pangalan niya
Kailan nalalaman ng baby ang pangalan niya? Ayon sa mga eksperto, ang mga sanggol ay nagsisimulang malaman ang pangalan nila sa oras na sila ay mag-anim at pitong buwang gulang.
Isa itong major milestone at indikasyon na si baby ay unti-unti ng natututong maging independent. Subalit ganap mo lang na makikita ito sa oras na sila ay mag-limang taong gulang na.
Dapat mo ring malaman at maintindihan na ang mga sanggol ay may iba’t ibang development cycle. Ang milestone na ito’y maaari nilang ma-achieve sa magkakaibang period.
Normal rin kung mare-recognize ng mga sanggol ang pangalan nila sa edad na limang buwan. Puwede ring magawa nila nito kapag sila ay walong buwan na.
Sa mga panahong ito ay lilingon na sila kapag tinatawag ang pangalan nila. Maaari rin silang gumawa ng sarili nilang tunog upang pumukaw ng atensyon.
BASAHIN:
STUDY: Bata mas natututong magsalita sa tulong ng kapwa niya bata
STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!
Dapat bang mabahala kung hindi pa nagsasalita si baby?
Paano matutulungan ng iyong anak na malaman ang kaniyang pangalan?
Photo by ShotPot from Pexels
Isa pang paraan na maaaring gawin ay laging pagtawag sa sanggol gamit ang pangalan niya. Dapat mo na ring itigil ang pag-baby talk at kausapin na siya ng normal. Sa ganitong paraan ay mas mabilis niyang makikilala o malalaman ang pangalan niya.
Mabuti rin na tawagin siya sa buo o totoong pangalan niya kaysa sa mga alyas. Ito ay para mas malaman at masakanayan na niya ang pangalan niya.
Ayon sa mga pedestrians, mas madaming beses mong inuulit-ulit ang pangalan ni baby, mas makakabuti. Ganoon din ang pakikipag-usap sa kaniya sa bawat activity na inyong ginagawa tulad ng pagkain, paliligo at paglalaro.
Kailan masasabi ni baby ang pangalan niya?
Bagamat nalalaman na ng sanggol ang pangalan niya sa edad na 6 o 7 buwan, magsisimula niya namang masabi ito kapag siya ay 15 buwan na. Sa mga panahong ito ay unti-unti na rin siyang natututong magsabi ng iba pang mga salita.
Madalas, ang unang salita nga nilang nasasabi ay mama o papa, o mommy o daddy. Susundan ito ng iba pang mga salita tulad ng mga numero sa oras na sila ay mag-18 months old na.
Pero ayon pa rin sa mga pediatrician, hindi naman eksaktong masasabi ng isang sanggol ang pangalan niya sa nasabing edad. Bagamat sa mga panahong ito ay alam na rin nilang sumunod sa mga commands tulad ng “Kunin mo ang laruang ito” o “Kainin mo ito.”
Larawan mula sa Shutterstock
Sa mga susunod na buwan, hanggang sila ay mag-dalawang taong gulang na, ay matututo na ang isang bata ng hanggang sa 100 salita. Kabilang sa mga salitang ito ang pangalan nila.
Para nga mas maging pamilyar sila sa pangalan nila ay makakatulong na makikipag-usap ka sa iba na binabanggit ang pangalan niya. O kaya naman ay gamitin ang third person point of view. Tulad ng “kotse-kotsehan ni Ruego” o “this is Ada’s doll.” Puwede ring, “cook book ni Mommy” o “tumbler ito ni Daddy.”
Sa ganitong paraan ay natutunan ni baby na ma-identify ang mga bagay sa loob ng inyong bahay, ganoon din kung sino ang may-ari nito.
Siguraduhin lang na sa pagtuturo sa kaniya ng mga bagay ay gumamit ng maraming adjectives para mas maging descriptive siya sa pagsasalita.
Ano ang gagawin kung hindi nagre-respond si baby sa tuwing tinatawag ang pangalan niya?
Photo by Hoàng Chương from Pexels
Magbigay atensyon sa kung paano nakikipag-communicate ang iyong anak. Kung siya ay hindi nagre-respond sa kaniyang pangalan sa oras na siya ay mag-9 na buwan na ay dalhin na siya sa kaniyang doktor.
Titignan ng iyong doktor kung siya ay may receptive language issue at delay sa kaniyang social-communication skills.
May mga doktor na irerekumendang makipag-usap ka sa isang child therapist para maintindihan mo ang nangyayari sa iyong anak at mabigyan ka ng training at support para dito. Dahil madalas, ang delayed sa milestone ng isang bata ay maaari naman nating maitama bilang magulang niya.
Kung napapansing may delay sa pagre-respond ng iyong anak sa pangalan niya ay hindi naman agad na dapat mag-alala. Makakatulong na mas padalasin pa ang pakikipag-usap at pagtawag sa pangalan niya.
Lalo na kung may iba pang tao sa loob ng inyong bahay na maaaring makipag-usap pa sa iyong anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!