Alam ng lahat ng mga bagong ina kung gaano kahirap iwanan ang kanilang baby sa ibang tao. Kahit pa naghahanap ka na ng iyong ‘me time’ o may trabahong kailangang gawin ay pipigilan ito dahil sa separation anxiety na mararamdaman.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nabagok na ulo ng baby: “Nalalaglag ng lola ng aking mister ang 3-buwan gulang kong anak”
- Fracture sa ulo ng baby matapos nitong mabagok
- Head injury sa sanggol: Ano ang dapat na gawin kung ang bagong silang na anak ay nahulog
Gayunpaman, isang posibleng solusyon dito ay ang paghingi ng tulong sa mga kapamilya o kaibigan para mabantayan ang iyong munting anak.
Subalit ano ba ang mangyayari kung ang mga pinagkakatiwalaang tao ito ay siya ring makakasakit sa iyong mahal na anak? Ang isang nanay na ito ang nakahanap ng sagot!
Ang bagong ina ay nag-iwan ng kaniyang tatlong buwang baby sa lola ng kaniyang mister. Ngunit ang susunod na nangyari ang nagtulak sa kaniya upang hindi na pagkatiwalaan itong muli.
Nabagok na ulo ng baby: “Nalalaglag ng lola ng aking mister ang 3-buwan gulang kong anak”
Larawan mula sa iStock
Nagbahagi ang nanay na ito ng kaniyang kwento sa isang post niya sa Reddit.
Nagsimula siya sa pagpapaliwanag na ang lola ng kaniyang mister ay mayroong ugali na madalas ay walang pakiaalam at mapag-walang bahala. Ngunit hindi niya alam na ang ugaling ito’y maipapakita niya sa kanilang bagong silang na anak.
Kinuwento niya na dapat ilang oras lamang ang pag-aalaga ng lola ng kaniyang mister sa kaniyang baby. Sa panahon na ito ay nahulog niya ang tatlong buwang gulang sa hagdanan. Ang katawan ng baby ay bumagsak sa isang hakbangan samantalang sa susunod naman ang kaniyang ulo.
Nang mangyari ang insidente ay unang tumawag ang lola sa kaniyang anak na lalaki. Sinabihan siya nito na ibaba kaagad ang telepono at tawagan agad ang mga magulang ng sanggol.
Nang tumawag ang lola sa ina ng sanggol ay wala itong ibang marinig kung ‘di ang sigaw ng sanggol.
Sinabi ng babae sa kaniyang post,
“Naririnig ko ang anak ko na sumisigaw at alam ng instinct ko na may hindi tamang nangyayari. Dahil dito sinabi ko sa kaniya na ibaba ang telepono at tumawag agad ng ambulansya, pagkatapos ay tawagan ako pabalik at ipaalam sa akin ang nangyari sa oras na paparating na ang ambulansya.”
Sa pagkadismaya ng ina, sumagot lamang ang lola na,
”Sa tingin ko ay hindi na natin kailangan na tumawag ng ambulansya, ang mga baby ay gawa sa goma at mas malakas sila kaysa sa itsura nila.”
Umamin ito na ang sanggol ay nagkaroon ng “maliit na gasgas at pasa” at kalaunan ay umaming mayroon itong bukol sa ulo.
Agad na ibinaba ng ina ang tawag at saka tumawag sa ambulansya na magdadala sa kaniyang anak sa ospital. Noong nadoon na, nagkita sila ng lola na patuloy na ipinagsasawalang bahala ang nabagok na ulo ng baby niya, pag-alala ng ina.
BASAHIN:
1-taong gulang, nagkaroon ng brain injury matapos sampalin ng nanay
Nanay na busy umano sa Facebook, hindi namalayan na nalunod ang 8-month-old na anak
Baby girl, aksidenteng nahiwa ang mukha nang ipanganak via CS
Nabagok na ulo ng baby: Nauwi sa fracture sa kaniyang bungo
Dagdag pa na sinabi ng ina na nagtamo ng minor fracture ang kaniyang 3-buwan gulang na baby sa kaniyang bungo. Dahil nga umano sa nangyaring insidente. Sa katubihang palad, gagaling naman ito sa sarili niya ngunit magtatagal nga lamang ang paghilom.
Sabi ng ina,
“Sinabi ng doktor na ang pagkahulog ay maaaring maging sanhi ng nakamamatay na injury. At ang pag-aalinlangan ng lola na tumawag ng ambulansya ay maaaring makapagpataas ng komplikasyon o maging kamatayan.”
Maya-maya, ang lola ay tumawag upang makibalita. Subalit imbis na manghingi ng tawad ay nagsabi pa itong,
“Ano bang sinabi ko sa iyo? Ayos lang siya di ba?.” Ang tono ng lola na tila ba’y nagmamalaki pa ang nakapagpagalit sa ina. Kaya’t sinabi nito na, “Hindi kami sigurado kung makakayanan niya.” Doon na nga bumuhos ang paumanhin, dagdag niya pa.
Ang mag-asawa, kalaunan ay nagbalita na sa kanilang buong pamilya sa lagay ng kanilang anak. Dito, may ilan sa miyembro ng pamilya na nagsabing sobra ang ginawa ng mag-asawa na takutin ang lola.
Ang ina, gayunpaman, ay nagsabing sumang-ayon ang kaniyang mister sa kaniyang ginawa. Dahil kailangan ng lola na humingi ng paumanhin sa kaniyang mga ginawa.
“Hindi ko na hahayaan na mahawakan niya pang muli ang anak ko.” sabi ng balisang ina.
“Ang babaeng iyan ay peligro para sa mga bata”
Karamihan sa mga netizens na nakabasa ng post ay sumang-ayon na ang mga aksyon ng lola ay mali ay hindi man lang nagsisisi.
Sabi ng isang nag-comment, ”Iyan ang babae na hindi na dapat pang maiwang mag-isa sa mga bata.”
Sumagot pa ang isa, “Ang fracture sa bungo ng isang tatlong buwang sanggol? Nakakatakot. Kung sa akin nangyari iyan, hinding-hindi ko patatawarin ang babaeng ‘yan at hindi na siya makalalapit sa anak ko.”
Mayroon pang isang sumagot na, “Siya ang pinakamasamang lola kahit na kailan.”
Ano ang gagawin mo kung nasa parehong sitwasyon? Ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pagcomment sa Facebook.
Head injury sa sanggol: Ano ang dapat na gawin kung ang bagong silang na anak ay nahulog
Larawan mula sa iStock
Kahit pa ang aksidenteng ito ay malala, sa katunayan ay mangyayari ang isang aksidente kahit pa sa pinakamaingat na magulang. Ang kailangan tandaan palagi ay ang pagkilos ng mabilis at maagap.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang pagkahulog ay siyang pinakanangungunang sanhi ng aksidente sa mga bata.
Para maiwasan ang kahit na anong pinsala, kahit pa hindi sadyang aksidente, ipinapayo na dapat ay alam kung sino ang inaalagaan at kung papaano siya aalagaan.
Bakit maselan ang ulo ng isang sanggol?
Ang isang baby ay mayroong dalawang malambot na parte sa kaniyang bungo na tinatawag na fontanelles. Ito’y pinoprotektahan ng malalambot na membrane. Ang malambot na parte sa baby ay ang anterior fontanelle.
Hanggang ang iyong baby ay nasa pagitan pa ng 18 buwan at 2 taon ay mananatili lamng itong malambot. Ang posterior fontanelle na makikita sa gitnang bahagi mg bungo at magsasara sa unang mga buwan ng buhay ni baby.
Kung ang baby ay nalaglag o may nangyari sa ulo nito, narito ang mga dapat na gawin.
Agad na magpatingin sa doktor
Kung ang iyong baby ay nakakuha ng sugat, walang malay, o wala sa sarili, agad na itakbo ito sa ospital o center. Ang pinaka dapat na alalahanin sa lagay na ito ay isang skull fracture o ‘di kaya’y internal bleeding.
Kung hindi agad na maaagapan, ang pagdurugo ay maaaring lumala at magbigay ng pressure sa utak na maaaring mauwi sa traumatic brain injury (TBI).
Bukod pa rito, mantayan rin kung mayroong:
- Pagka-irita
- Pagsusuka
- Pananakit ng ulo
- Matigas o malambot na nakaumbok na parte
Gayunpaman, maganang dumiretso sa emergency room kung mayroong mas higit pa sa maliit na bukol si baby o nahulog sa tataas sa 3 feet.
Maaaring magtanong ang doktor ng ilang taong tungkol sa insidente at magsagawa ng ilang tests bago malaman kung seryoso ba ang lagay ni baby.
MRI: Sa test na ito makikita ng mas maayos ang mga organs at tissues ni baby.
CT Scan: Dito naman ay makikita ang detalye ng buto, muscles, fats, at iba pang organs ni baby.
Natural lamang para sa iyo na kabahan sa mga aksidente, ngunit tandaan na ang mga ito ay maaaring mangyari sa kahit na anong oras. Ang magandang balita ay ang tiyansa ng pagkakaroon ng brain damage o mga pangmatagalang epekto ay mababa.
Bantayan lamang ang mga sintomas at mabilis na magpakonsulta upang makahingi ng tulong.
Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Charlen Mae Isip
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!