Sa mga ganitong panahon pinakakaraniwang tinutuli ang mga lalaki sa bansa. Kaugalian kasi ng Pinoy na ipatuli na sila hangga’t bata pa lamang.
Ano-ano nga ba ang mga dapat malaman tungkol sa pagtutuli? Aalamin natin ‘yan base sa ilang eksperto.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Lalaki nagpatuli kahit nasa edad na 24 anyos na
- Common misconceptions tungkol sa pagtutuli
Lalaki nagpatuli kahit nasa edad na 24 anyos na
Ang circumcision o pagtutuli ay tumutukoy sa surgical removal ng balat na bumabalot sa ari ng lalaki. Ginagawa ito sa iba’t ibang dahilan sa buong mundo, ang ilan ay ang mga sumusunod:
- Dahil sa tradisyon
- Dahilan din ang personal hygiene o kalinisan sa inyong maselang bahagi ng katawan
- Makaiiwas din sa urinary tract infection o UTI
- Makaliligtas sa iba’t ibang sakit sa pagtanda
- Hindi mahahawaan o makakukuha ng iba’t ibang sexually transmitted disease
- Para hindi magkaroon ng erectile dysfunction
Sa Pilipinas, kakabit ng kaugalian ng mga Pinoy na dumaan ang lahat ng kalalakihan sa pagtutuli. Karaniwang ginagawa ito bata pa lamang sila na nasa edad paglagpas ng sampu. Kumbaga ay nagiging parte ito ng puberty para sa mga lalaki.
Buwan ng Mayo pinaka common na nagpapatuli ang mga bata lalo sa komunidad. Makikita mo ‘yan sa iba’t ibang covered court kung saan may mga mahahabang pila na tuwing ganitong panahon.
Sa kaso ng Pilipinong si James, hindi niya tunay na pangalan, tumuntong na siya ng edad 24 anyos nang magpatuli. Ang pangunahing dahilan daw ni James kaya hindi siya natuli noong bata ay dahil sa takot at pinanghinaan siya ng loob.
Binahagi ni James ang kaniyang karanasan sa public affairs show na ‘Brigada’.
“Napanghinaan ako ng loob, napaatras ako.”
Hanggang sa dumating na raw sa puntong nagtatrabaho na siya kaya lalong napatagal pa ang dapat pagpapatuli niya. Pagkukuwento ni James, pagdating niya raw sa edad na 24 ay sinabihan na siya ng kanyang nanay na magpatuli na sa kadahilanang “huli na raw iyon.”
“Napag-isip-isip ko doon, last na nga ‘to. Kailangan ko nang matulian, ganon.”
Kagaya ni James, naging parte rin siya ng tradisyon ng bansa na kinakailangan nasa batang edad pa lamang ay nagpapatuli na. Naging biktima rin siya ng lipunan na ang pagtingin siya mga lalaking hindi tuli ay mahihina.
Naranasan niya raw na nakipaghiwalay ang dati niyang nobya nang malamang hindi pa siya tuli. Sinabihan daw siya nitong magpatuli muna na ayon sa kanya ay ikinalungkot niya.
Ano-ano nga ba ang naging common misconceptions na patungkol sa pagtutuli?
BASAHIN:
Hindi pa pagpapatuli, nagpapataas umano ng tiyansa ng pagkakaroon ng kanser at HIV ng mga lalaki
5 senyales na tatangkad ang inyong anak
Nagdadalaga-Nagbibinata: Paano nga ba magpalaki ng tweens sa panahon ngayon?
Larawan mula sa Pexels
Common misconceptions tungkol sa pagtutuli
Ayon sa isang propesor na si Roland Macawili, isa ring sociologist mula sa Polytechnic University of the Philippines, kaakibat sa tradisyon sa Pilipinas na pagpapatuli ay may kasamang iba’t ibang responsibilidad pa na nakaabang para sa kalalakihan,
“Itong pagtutuli sa kasalukuyan ay tinitignan na passage ng isang lalaki tungo sa mas malaking expectation ng lipunan sa kaniya.”
Dagdag pa niya na may nagsasabi raw na nakuha ng mga Pilipino ang ganitong tradisyon dahil sa kulturang Islam.
“Maraming nagsasabi na ang pagpapatuli sa Pilipinas ay ang impluwensya ng Islam. Nang dumating ang Islam dito sa Pilipinas, bago pa man sumapit ang kolonyalismong Espanyol.”
Ibinahagi niya rin ni Prof. Macawili ang narinig niyang maling konsepto tungkol sa pagpapatuli,
“Isa sa mga nakakatuwang paniniwala diyan ng mga lalaki, halimbawa, lalo na sa amin sa Bicol na kapag ikaw daw ay hindi tuli at nakipagtalik ka asahan mong ‘yung mga anak mo ay magiging mutain.”
Ayon naman kay Dr. Gerald Belandres, isang general doctor, wala raw katotohanan sa ganitong sabi-sabi,
“I-expect ba natin na magkakaroon ng muta ‘yong bata? Hindi po ito totoo kasi wala naman itong kinalaman din doon sa dahil uncircumcised ‘yung lalaki at nakabuntis ito. Wala pong kinalaman ‘to.”
Mayroon pang ibang kaisipan na hindi raw makakabuntis, hindi na tatangkad ang bata, at mas makunat na raw ang balat kung matanda na ito tutuliin. Lahat ng mga misconception na ito ay pinabulaanan na ni Dr. Belandres.
“Hindi rin totoo na dahil matanda na ito ay mas makunat na pero case to case basis pa rin. Kasi may mga tao din namang mas manipis ‘yung skin, mas madali silang tuliin.”
Patunay lamang ang mga maling kaisipang ito na hindi basehan ang pisikal na anyo ng mga lalaki para pagbasehan ng kahinaan nila. Para sa anak, mas mabuting kumonsulta sa doktor kung ano ang tamang edad, dapat gawin at mga dapat tandaan bago siya ay matuli.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!