Marami sa mga kabataan ngayon ang walang kumpiyansa sa kanilang sarili. Bilang magulang, tungkulin natin na tulungan silang mabuo ang kanilang kumpiyansa upang handa silang harapin ang mundo sa sarili nilang mga paa. Kaya’t importanteng alam ng mga magulang kung paano magkaroon ng self-confidence.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit importante ang self confidence ng bata
- Paano magkaroon ng self confidence ang mga bata?
Malaki ang maitutulong nito sa kanilang paglaki, upang mapagtagumpayan nila ang anumang pagsubok sa buhay.
Paano magkaroon ng self confidence?| Image from Unsplash
Bakit importante ang self confidence ng bata?
Ang mga batang mayroong matibay na self confidence sa sarili ay hindi takot sumubok ng bagong bagay. Maaaring ito ay pakikipagkaibigan, pagpasok sa paaralan mo mismong bagong gawain sa loob ng inyong bahay. Kung nabuo mo ang kanilang self confidence habang bata pa lamang sila, malalaman mong matibay ang kaniyang loob sumubok ng ibang bagay.
Ang mga batang mataas ang self confidence ay:
- Confident sa lahat ng bagay
- Nakakaramdam ng pagmamahal at pagtanggap
- May paniniwala sa sariling kakayahan
- Masaya sa kanilang ginagawa o achievement
Ang mga batang mababa ang self confidence ay:
- Hindi confident sa mga ginagawa
- Pagkawala ng tiwala sa sarili
- Pakiramdam na naiiba siya sa ibang bata
- Mas nararamdaman na hindi nila magagawa ang isang bagay imbes na matagumpay itong magawa
BASAHIN:
4 na bagay na ginagawa ng magulang na nakakaapekto sa self-confidence ng bata
Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang
Mahiyain ba ang anak mo? Narito ang mga maari mong gawin para palakasin ang kaniyang loob
Ang self-esteem o self-confidence ng isang bata ay makakatulong sa kanila upang matagumpay na masolusyonan ang isang problema. Sa pamamagitan din nito, mas mapapabuti ang kanilang pagkatao habang lumalaki. Bukod dito, ang batang may matibay at mataas na confidence sa sarili ay mas mabuti ang performance sa school, bahay o kapag kasama mismo ang kaniyang mga kaibigan.
Habang ang mga batang may mababang self-esteem naman ay takot sumubok ng bagong bagay. Nag-aaalala silang hindi nila ito magawa ng tama at mabigo sa isang gawain.
Halimbawa, napansin mong laging mag-isa ang iyong anak at tila walang kaibigan. Ito ay maaaring takot silang makipagkaibigan sa kaniyang mga kaklase dahil may pag-aalala ito na baka hindi siya tanggapin. Mahalagang bigyan ng pansin at pataasin ang kanilang confidence para kayanin na nilang tumayo sa sariling mga paa nang walang takot o pangamba na nararamdaman.
Paano magkaroon ng self confidence | Image from Unsplash
Paano magkaroon ng self confidence ang mga bata?
Ang mga sumusunod ay mga simpleng paraan na magagawa natin para matulungan sila kung paano magkaroon ng self-confidence sa sarili:
- Bigyang pabuya ang magandang asal. Sa bawat achievement na kanilang magagawa, ‘wag kalimutan silang bigyan ng papuri maliit man ‘yan o malaki.
- Yakapin sila. Mahilig sa yakap ang mga bata!
- Ipaglaro sila ng mga laruan na may matututunan sila. Makakatulong ang ilang puzzle o lego.
- Iwasan ang pagsabi ng “ngunit” sa mga papuri. Ito ay dahil nakakadagadag ito ng pressure sa kanila.
- Pagmasdan at maging maingat kung may mga senyales na sila ay nabu-bully. Kung napansin mong lagi silang mag-isa, laging gustong i-solate ang sarili o kaya naman mababa ang mga marka sa paaralan, mas mabuting kausapin agad siya kung ano ang problema.
- Hayaan silang pumili ng kanilang babaunin na pagkain sa paaralan.
- Hamunin ang kakayahan nila. Maaaring ito ay ang pagbibigay ng ilang challenging games o task sa loob ng bahay.
- Hayaan silang pumili ng kakainin para sa tanghalian. Kung nais kumain ng iyong anak ng paborito niyang ulam, pagbigyan ito!
- Tulungan sila gumawa ng layunin para sa bakasyon nila.
- Bigyan ng limitasyon ang paggamit ng gadgets. ‘Wag sanayin na lumalim ang hilig ng mga bata sa paggamit ng smartphone o TV.
- Turuan silang ibahagi ang magaganda at hindi magaganda na pangyayari sa araw-araw nila.
- Hayaan silang mainip. Sa paraang ito, hahanap sila ng pagkakaabalahan at mabubuhay ang kanilang creativity.
Paano magkaroon ng self confidence ang mga bata?
- Ibahagi ang magaganda at hindi magaganda na pangyayari sa araw-araw mo. Makakabuto sa mga bata kung lagi silang kinukumusta.
- Makipaglaro ng mga pangmatandang laro tulad ng chess o checkers. Maganda itong starter para sa kanila. Mahahasa na ang kanilang utak, maaaring matuklasan pa nila ang kanilang hidden talent o skills!
- Pagtulungan ninyo ang pagbuo sa isang mahirap na palaisipan. Bonding na rin itong maituturing.
- Hayaan silang maglaro sa dumi, at makipaglaro sa kanila.
- Hayaan silang magtatag ng kanilang pang araw-araw na gawain. Paunti-unti silang hayaan na magdesisyon mag-isa.
- Ipag-aral sila tumugtog ng gusto nilang instrumento. Maaaring ito ay gitara, piano o kaya naman flute!
- Puriin ang pagsisikap, hindi lamang ang resulta. Iwasan din na bigyan ng pressuring words ang iyong anak. Hindi makabubuti sa pag-build ng kaniyang self confidence.
- Aminin kapag nakakaramdam ng kalungkutan.
- Maglaan ng oras sa kanila at gumawa ng aktibidad na kanilang pinili.
- Ikwento sakanila ang mga pagkakamali mo nung kabataan.
- Ipagawa sila ng mga bagay na matatakot sila tulad ng wall climbing, sports, etc. ‘Wag matakot na baka hindi kayananin ito ng iyong anak. Kailangan mo ng tiwala para mabuo ang kanilang self confidence.
- Ipaalam sa kanila na alam mong may pinagdadaanan sila.
- Tanungin sila ng mga bagay na nagsisimula sa “Paano kung…” upang matulungan ang imahinasyon. Mapapanatili nito ang iyong matibay na komunikasyon sa iyong anak. Makikilala niyo ang isa’t isa at matututo siyang makipag-usap sa tao.
- Hayaan silang galugarin at tuklasin ang kanilang kapaligiran.
- Bigyan sila ng kanilang pang araw-araw na gawain sa bahay. Kailangan nilang masubukan ang ibang bagay.
- Patayin ang telebisyon ilang oras bago matulog. Malaki ang epekto ng telebisyon sa maayos na pagtulog kaya naman ‘wag silang pagamitin ng TV bago matulog.
- Limitahin ang mga papuri kapag nararapat lamang.
Paano magkaroon ng self confidence? | Image from Unsplash
Paano magkaroon ng self confidence ang mga bata?
- Ipaalala sakanila na minamahal sila. Sa pamamagitan nito, malalaman nilang hindi sila nag-iisa.
- Hayaan silang bumagsak sa pagsusulit. Kung sakaling mangyari ito, ‘wag silang pagalitan. Sabihin lamang na may susunod pa para bumawi.
- Turuan silang magnilay.
- Huwag agad ibigay ang mga materyal na bagay dahil lang hiningi nila. Ito ay para malaman nilang hindi agad-agad na makukuha nila ang kanilang gusto. Kailangan nila itong paghirapan.
- Hayaan silang maglakad mag-isa.
- Hayaan silang gumawa ng sarili nilang solusyon. Makakatulong ito upang makatayo sila sa sarili nilang mga paa.
- Tigilan ang pagbaba sa sarili mong kumpiyansa.
- Ipag-boluntaryo sila sa mga aktibidad sa paaralan. Malaki ang maitutulong nito para sa kaniyang participation at pag-build ng confidence.
- Mag-imbento ng sarili ninyong holiday.
- Magbasa ng libro magkasama. Maaaring ito ay bago matulog.
- Kausapin sila tungkol sa mga nakikita nila sa balita.
- Puriin at punahin ang kanilang mga talento at lakas.
- Hayaan silang maglaro sa labas nang hindi bababa sa 20 minutos. Makakatulong ito para makasalamuha sila ng ibang batang kaedad nila.
- Hayaan silang hugasan ang sarili nilang buhok.
- Magkaroon ng bonding ang pamilya bawat linggo. Mapapanatili nito ang komunikasyon ng bawat isa.
- Ibaba ang iyong cellphone pagkausap sila. Maaari kasing gayahin nila ito at madala hanggang sa hapag kainan.
- Hayaan silang gumawa ng sarili nilang takdang aralin. Kung may ilan silang katanungan, maaari namang tumulong. Ngunit hanggang doon na lamang.
- Puriin sila sa paggawa ng bagay na nahirapan sila. Sa paraang ito, mararamdaman nilang may nakaka-appreciate sa kanila at worth it ang kanilang paghihirap.
- Bigyan sila ng mga tiyak na direksyon sa paggawa ng mga gawaing pambahay.
- Ituro sakanila na walang taong perpekto. Lahat ay nagkakamali.
- Huwag sila hayaan na hindi tapusin ang bagay na sinimulan nila.
Source:
Reader’s Digest
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!