TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

"We say sorry to each other." 6 paraan kung paano magkaayos pagkatapos mag-away

4 min read
"We say sorry to each other." 6 paraan kung paano magkaayos pagkatapos mag-away

Hugs and kisses, ito rin ba ang solusyon sa inyong pag-aaway ni mister upang magkaayos?

Parte na ng isang pagsasama ang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Ngunit paano nga ba makipag-ayos sa asawa pagkatapos mag-away? Ito ang kwento ng ating TAP moms!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Tips kung paano makipag ayos sa asawa
  • Tips mula sa ating TAP moms!

5 paraan kung paano makipag-ayos sa asawa pagkatapos mag-away

Nagbahagi ng kani-kanilang karanasan ang ating TAP moms sa theAsianparent Community kung paano sila nagbabati ni mister pagkatapos mag-away. Ano kaya ang mga ito?

paano makipag ayos sa asawa

Paano makipag-ayos sa asawa? | Image from iStock

1. Power of words

May ilang mommy ang nagsabing,

“Nagso-sorry ang may kasalanan. Lambingan lang talaga.” “We say sorry to each other. Kami talaga dalawa ang nagso-sorry. Lunok pride.” “Nag-uusap kung ano ang problema at ano ang dapat iwasan ng hindi makasakit sa bawat isa.” “Wala bigla na lang kami mag-uusap tapos ayun bati na agad.”

Kapangyarihan talaga ang sweet words ni mister! Maraming nanay ang nagsabing humihingi sila ng sorry sa isa’t isa o kaya naman ang may kasalanan.

Isang mahalagang katangian ng relasyon ang komunikasyon. Anuman ang hindi pagkakaunawaan, mas magandang pag-usapan agad ito at ‘wag nang patagalin pa. Ang pagkakaraon ng resposibilidad sa isang bagay na ikaw ang may gawa ay isang magandang pag-uugali sa isang relasyon.

Humingi ng tawad ang may kasalanan at magpatawad.

BASAHIN:

6 karaniwang dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-asawa

“May relasyon ba kayo ng 2nd cousin mo?” 14 kinakatakutang tanong ng mga nanay kay mister

#TAPMomAsks: Dapat ko bang malaman ang password ni mister sa kaniyang social media account?

2. Gusto mo foods?

May ibang moms naman na nagsabing lagi silang binibilhan ng kanilang asawa ng paborito nilang pagkain bilang parte ng pakikipagbati o peace offering.

“Bili niya ako foods. “Kapag kakain na.” “Binibilhan niya ako ng Jollibee chicken spaghetti. Alam iya kahinaan ko. Peace offering.” “Humihinahon ako ‘pag may pagkain kasi usually nag-iinit lang ulo ko paggutom.”

Pero siyempre, bukod sa pagkain na iyong peace offering, ‘wag kakalimutang mag-sorry sa nagawang kasalanan!

paano makipag ayos sa asawa

Paano makipag-ayos sa asawa? | Photo by Jessica Johnston on Unsplash

3. Hugs and kisses

Isa sa epektibong paraan ng paglalambing pakikipagbati ay ang yakap at halik. Ayon sa mga moms, ganito ang paraan ng pakikipagbati ng kanilang mga mister.

“Mag so-sorry siya sabay yakap at sabi ng I love you. Bati na agad kami.” “‘Wala yakapin mo lang. ‘Wag mo na kausapin. ‘Wag na mag-sorry. Yakapin mo na lang bigla. ‘Pag nag-respond ng yakap, at saka ka mag-sorry.” “Tatawagin niya ako ‘tas bigla yayakap, sabay sabi ‘tama na’.” “Niyayakap niya ako ‘tas kinikiss at sinasabihan ng i love you paulit-ulit.”

Sa madaling salita, it’s a physical touch!

Iba pang paraan kung paano makipag-ayos sa asawa

paano makipag ayos sa asawa

Paano makipag-ayos sa asawa? | Photo by Christiana Rivers on Unsplash

1. Bigyan ang partner ng oras

Baliktarin natin ang sitwasyon. Ang asawang babae naman ang nagkamali at sa oras na ‘to, may kabigatan ang nagawa mong kasalanan. Moms, hindi madaling mag-sorry at hindi rin madaling magpatawad agad-agad. Alamin ang posisyon sa ganitong pagkakataon.

Kung sakaling hindi gumana ang mga paraan ng pakikipag-ayos sa taas, maaaring nasaktan talaga ang iyong partner. Bigyan lang siya ng oras para makapag-adjust. Tandaan, laging magpakumbaba, maging maunawain, at lawakan ang pag-iisip.

2. Mag-sorry

Siyempre, ang una mo talaga na dapat gawin ay mag-sorry sa iyong partner. Ito ang tanging susi sa pakikipagbati. Maging totoo sa nararamdaman at siguraduhin na sincere ang iyong paghingi ng tawad. Mag-reflect sa ginawang kasalanan at siguraduhin na hindi na ito gagawin pa ulit.

Ang paghingi ng tawad ay kailangang samahan ng action o effort at hindi puro salita lamang.

3. ‘Wag pangunahan ng galit

Kapag galit ang isang tao, may pagkakataon na walang kontrol ang lahat kaniyang mga salita o aksyon. Maaaring makasakit ito ng hindi inaasahan na makakapagpalala lamang sa sitwasyon. Normal lamang ang magalit lalo na kung ikaw ay nasasaktan. Sa ganitong pagkakataon, pumikit ka lang sandali at huminga ng malalim. Piliting kumalma at buksan ang isip.

Partner Stories
Filipinas In Shock and Awe of Mystery Plant-Based Hair Products
Filipinas In Shock and Awe of Mystery Plant-Based Hair Products
3-3-2023 is Samgyupsalamat Day
3-3-2023 is Samgyupsalamat Day
Maya launches a powerful youth anthem with Shanti Dope
Maya launches a powerful youth anthem with Shanti Dope
Authentic Paul Van Doren: A memoir by the founder of Vans
Authentic Paul Van Doren: A memoir by the founder of Vans

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • "We say sorry to each other." 6 paraan kung paano magkaayos pagkatapos mag-away
Share:
  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko