X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

6 posibleng sanhi ng pananakit ng batok at ulo

6 min read
6 posibleng sanhi ng pananakit ng batok at ulo6 posibleng sanhi ng pananakit ng batok at ulo

Hindi lang stress ang dulot kapag masakit ang batok. Maaaring sintomas ito ng ibang problema sa kalusugan. Alamin kung anu-ano ang mga ito.

Madalas kapag mayroong pananakit ng batok at likod ng ulo, sinasabing sintomas ng high blood ito. Subalit alam niyo ba na maraming posibleng maging dahilan nito?

Ating alamin ang pinagmumulan ng ganitong klaseng sakit, kung ano ang mainam na remedy o gamot sa pananakit ng batok.

Pananakit ng batok at likod ng ulo

Kapag masakit ang batok at likod ng ulo ay hindi dapat balewalain. Maaaring sintomas na pala ito ng mas malaking problema na hindi dapat pabayaan. Kaya mahalagang malaman ang dahilan kung bakit masakit ang iyong batok, upang malaman mo kung ano ang dapat gawin para dito.

pananakit ng batok

Pananakit ng batok at likod ng ulo | Image from Freepik

1. Pagod o ngalay na muscles sa leeg

Ang isa sa pinakamadalas na dahilan ng pananakit ng batok at likod ng ulo ay ang pagkakaroon ng pagod o ngalay na mga muscles sa leeg. Karaniwan itong nararanasan ng mga nagtatrabaho sa mga opisina, dahil madalas silang nakaupo sa harap ng computer, at kadalasan hindi maganda ang kanilang pag-upo, o posture. Posible rin na mangyari ito kahit sa mga magulang na nasa bahay lang, lalo na kung hindi nila binabantayan ang kanilang posture.

Heto ang mga palatandaan na ang pananakit ng iyong batok ay dahil sa pagod na muscles:

  • Sumasakit ang iyong leeg kapag ikaw ay nasa harap ng computer, o kaya ay kapag nakaupo.
  • May nararamdaman kang masikip na pakiramdam sa iyong leeg.
  • Nahihirapan kang igalaw ito dahil masakit sa leeg.

Ang pinakasimpleng solusyon sa ganitong uri ng pananakit ay ang pag-ayos ng iyong posture, at ang pag stretch, pagtayo, o paglalakad-lakad. Nakakatulong ang paggalaw upang mabawasan ang strain sa leeg, at para ma-stretch din ang iyong katawan.

BASAHIN:

Ano-ano ang sintomas ng high blood o altapresyon?

Highblood: Gamot at mga pagkain na dapat mong iwasan

Pasma sa ugat: Sanhi, sintomas at komplikasyon na dapat bantayan

2. Pagkakaroon ng stiff neck

Isa pang dahilan ng pananakit ng batok at likod ng ulo ay ang pagkakaroon ng stiff neck. Nangyayari ito kapag hindi maganda ang iyong paghiga habang natutulog, o kaya matagal naiwan sa hindi komportableng posisyon ang iyong leeg. Kasama na rin ang stress at anxiety sa mga posibleng sanhi ng stiff neck.

Ang pagkakaroon ng stiff neck ay kadalasang nararanasan pagkagising, at nagiging masakit para sa iyo ang paggalaw ng iyong leeg.

Madalas ay nawawala din ang stiff neck matapos ang 1-2 araw. Ngunit kung umaabot na ito ng isang linggo na hindi nababawasan ang sakit, mabuting pumunta ka na sa doktor.

3. Naipit na ugat

Mayroong mga pagkakataon na kaya sumasakit ang iyong batok ay dahil sa naipit na ugat. Ito ay tinatawag na herniated disk, o bone spur. Malalaman mo na naipit na ugat ang sanhi ng sakit dahil kumakalat ang sakit patungo sa iyong balikat. Minsan ay nakakaranas ka rin ng pamamanhid at panghihina na umaabot hanggang sa kamay.

Kapag ganito ang iyong nararanasan, mainam na magpunta sa doktor upang magamot ng maayos.

pananakit ng batok

Pananakit ng batok at likod ng ulo | Image from Freepik

4. Sintomas ng high blood

Ang isa pang dahilan ng pananakit ng batok at likod ng ulo ay ang pagkakaroon ng high blood. Madalas nararanasan ang ganitong pananakit ng batok kapag kumain ka ng pagkain na matataba o masebo.

Madalas ay may kasama rin itong sakit ng ulo, pagkakaroon ng lightheadedness, at minsan ay pagkahilo. Kapag nararanasan mo ang ganitong mga sintomas, posibleng itong sintomas ng high blood.

Sa mga ganitong kaso, mabuting magpunta ka na sa iyong doktor upang mabigyan ka ng mabuting diagnosis. Kung mayroon kang high blood, mabuting umiwas sa mga matataba at masesebong pagkain, at mag-ehersisyo.

Posible rin na wala kang maranasang sintomas ng high blood, pero meron ka na pala nito. Kaya’t mahalaga ang taon taon na checkup at blood test upang malaman mo ang kalagayan ng iyong kalusugan.

Hindi dapat binabalewala ang mga sakit na iyong nararamdaman. Kahit na posibleng pagod lang ang dahilan ng pananakit ng batok at likod ng ulo, mahalaga pa rin na alamin mo ang mga dahilan sa likod nito. Ito ay upang maalagaan mo ng mas mabuti ang iyong katawan at makaiwas sa mga sakit at karamdaman.

5. May injury

Isa sa mga posibleng dahilan ng masakit na batok ay pagkakaroon ng injury. Ang leeg o batok ay vulnerable sa pagkakaroon ng injury ayon sa Healthline. 

Lalo na kung nakaranas ng mga aksidente katulad ng pagkadulas, car accidents, o kapag naglalaro ng sports. Kung saan ang mga muscles sa leeg napipilitan na mag-move labas sa kaniyang normal range. 

Kung buto sa leeg ay may fracture, malaki ang posibilidad na ang spinal cord din ng isang tao ay may injury. 

6. Pagkakaroon ng rheumatoid arthritis

Ito ay nagdudulot ng masakit na leeg o batok, pati na ang pamamaga ng joints at buto. Kapag nangyari ito sa bandang bahagi ng leeg o batok nagreresulta ito ng masakit na leeg o batok. 

pananakit ng batok

Pananakit ng likod ng ulo | Image from Freepik

First aid sa pananakit ng batok

Dahil maraming puwedeng sanhi kung bakit sumasakit ang batok, narito ang first aid sa masakit na batok. Tandaan na ang mga ito ay paunang lunas lamang, mas maigi pa ring magpatingin para malaman kung ano talaga ang iyong lagay.

  • Ayusin ang pag-upo o paghiga. Maaaring sanhi lang ng poor posture kung bakit sumasakit ang batok.
  • Isa pang first aid sa masakit na batok ay ang paggamit ng cold compress. Ipatong lamang ito sa parte na sumasakit para maibsan ito.
  • Mag-check ng blood pressure kung mayroong device sa iyong bahay.

Kung may pangamba pa at hindi mabahala sa pananakit ng batok at likod ng ulo, ‘wag mag atubiling magpa konsulta sa iyong doctor.

Partner Stories
PayMaya makes government payments easier and more rewarding with Bills Bayad Rewards promo
PayMaya makes government payments easier and more rewarding with Bills Bayad Rewards promo
Christmas is All Aglow at the Shang this November
Christmas is All Aglow at the Shang this November
UNIQLO launches Pokemon UT and monpoke UT collections
UNIQLO launches Pokemon UT and monpoke UT collections
Bianca hosts new parenting online show 'TALKED' on Knowledge Channel
Bianca hosts new parenting online show 'TALKED' on Knowledge Channel

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Kung ang nakakaramdam ng mga ganitong sintomas kasama ng pananakit ng batok at ulo, agad na magpakonsulta sa doktor:

  • Labis na pananakit ng batok o leeg na wala namang tiyak na dahilan
  • May bukol sa leeg o batok
  • Nilalagnat
  • Pananakit ng ulo
  • May swollen glands
  • Pamamanhid
  • Panghihina
  • Ang sakit ay pumupunta sa iyong arms at legs 

Kaya naman kung ikaw ay nakakaranas ng pananakit ng batok, mas magandang magpakonsulta agad sa doktor upang masolusyunan ito. Ang gamot sa pananakit ng batok at ulo ay nakadepende kung anong kundisyon ang mayroon ko. 

 

Mayo Clinic, WebMD, Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • 6 posibleng sanhi ng pananakit ng batok at ulo
Share:
  • Ano ang mga sintomas ng high blood sa buntis at paano ito maiiwasan?

    Ano ang mga sintomas ng high blood sa buntis at paano ito maiiwasan?

  • #AskDok: Masakit ang ulo at batok ko—high blood na ba ito?

    #AskDok: Masakit ang ulo at batok ko—high blood na ba ito?

  • Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

    Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • Ano ang mga sintomas ng high blood sa buntis at paano ito maiiwasan?

    Ano ang mga sintomas ng high blood sa buntis at paano ito maiiwasan?

  • #AskDok: Masakit ang ulo at batok ko—high blood na ba ito?

    #AskDok: Masakit ang ulo at batok ko—high blood na ba ito?

  • Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

    Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.