Tamang timbang ng bata ayon sa edad: Mula infancy hanggang toddlerhood

Ano ba ang tamang timbang ng baby? Isang gabay sa pagtaba at pagpayat ni baby. May mga pagkakataon na normal ito ngunit may ilan na hindi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang nasa sinapupunan pa ang baby, inaantay nang ilang araw ang ultasound scan para lamang malaman ang kaniyang kalagayan.

Ngunit matapos ipanganak, ang buong atensiyon ay nasa kaniyang bigat at anong percentile siya nabibilang. Ito’y bilang tanda ng kaniyang kalusugan at kalagayan. Paano ba masasabi kung may tamang timbang ang baby mo? Alamin dito ang tamang timbang ng bata ayon sa edad.

Subalit, sa pagiging pamilyar sa impormasyon na nasa article na ito tungkol sa newborn baby weight gain at loss, hindi na mababahala—at malalaman kung dapat bang mag-alala. At hindi lang tamang timbang ng baby ang malalaman mo sa article na ito. Kabilang na rin ang taong gulang tamang timbang ng bata ayon sa edad­—mula infancy hanggang toddlerhood.

Tamang timbang ng baby: Weight loss at gain

Ang timbang ng iyong baby pagkapanganak

Ang genetics pati na ang iyong kalusugan at nutrisyon sa pagbubuntis ang makakapagsabi kung tama ba ang timbang ng iyong baby pagkapanganak.

Ayon sa National Nutrition Council, ang average na sanggol (sa 40 linggo) ay may timbang na 3.2kg. Kung saan ang karamihan sa malulusog na bagong panganak ay may bigat sa pagitan ng 2.5 hanggang 4.5kg.

Subalit, hindi mahalaga ang timbang niya pagkapanganak—ang mahalaga ay ang bilis ng pagbigat at growth pattern niya sa mga susunod na buwan.

Timbang ng baby sa unang 14 araw

Lahat ng sanggol ay mababawasan nang ilang ounce mula sa timbang pagkapanganak sa kanilang mga unang araw.

Ayon sa American Academy of Pediatrics, ang 5% mababawas na timbang ay kinukunsidera na normal para sa bagong panganak na nagpo-formula at 7-10% na mababawas ay kinukunsidera na normal sa mga pinapasuso.

Ito’y inuulit ng Australian Breastfeeding Association na nagsasabing ang pinakamalaking mababawas na timbang na 7-10% ay kinikilalang normal sa mga pinapasuso.

Sa katunayan, ayon sa pag-aaral na na-publish sa Pediatrics, ang mga exclusively breastfed na bagong panganak ay mababawasan nang nasa 10% o higit pa ng kanilang timbang sa pagkapanganak sa mga unang araw matapos ipanganak.

Ang pag-aaral rin na ito ay may napansin na pagkakaiba sa nababawas na timbang sa mga vaginally at c-section na naipanganak – nasa 5% ng mga nauna ay nabawasan nang nasa 10% ng timbang pagkapanganak. At 10% sa mga sumunod ang nabawasan ng parehong bigat.

Ang madaliang pagbawas ng timbang na ito ay hindi dapat alalahanin. Sapagkat ang mga sanggol ay ipinapanganak nang may pasobrang timbang para masuportahan sila hanggang masimulan ang pagpapasuso.

Ayon pa sa pag-aaral

Si Dr. Jennifer Shu, isang pediatrician at co-author ng Heading Home With Your Newborn, ay itinitiyak sa mga bagong ina sa pagturo na ang colostrum na nalalabas ng breasts pagkatapos manganak, ay nilalaman lahat ng kailangan ng baby sa puntong ito.

Dalawa hanggang limang araw matapos manganak, dadaloy na ang breastmilk. Kasunod nito, may mararamdamang unti-unting pagbigat ng timbang ng baby—kanyang maibabalik ang timbang sa pagkapanganak pagdating niya nang 14 araw.

Sa mga panahon na ito, sinasabi ng mga neonatal experts na dapat madokumento ang pagbigat ng timbang ng baby nang hindi bababa sa kalahating ounce kada araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang timbang ng baby: Narito ang normal newborn weight sa philippines ng baby girls

Narito ang normal newborn weight sa Philippines ng baby boys

Pag-intindi sa growth chart ng iyong baby

Mula sa araw ng kapanganakan, ang kanyang timbang ay susuriin at ita-tala sa weight-for-age growth chart. Ang pinaka-karaniwang chart ay ang percentile chart, na nakabase sa World Health Organization growth standards.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mahalaga, ang World Health Organization growth standards ay nakabase sa malusog na pinapasusong mga baby mula sa 6 na bansa sa iba’t ibang kontinente, at maaaring gamitin kahit pa ang iyong anak ay breastfed o formula-fed.

Mas naipapakita nila ang tamang paglaki ng malusog na baby kumpara sa mas lumang mga bersiyon base sa mga nakuhang impormasyon mula sa mga formula-fed na sanggol.

Sa nasabing charts at tables, makikita ang tamang timbang ng baby boy at ng baby girl. Magkaiba ang tamang timbang ng baby boy at baby girl na dapat asahan sa kanilang mga unang linggo matapos ipanganak hanggang sa panahon na sila ay toddler na.

Makikita ang World Health Organization child growth standards percentile charts at table dito:

Ang mga bata ay lalaki sa kanilang sariling ‘curve’, at hanggang sinusundan ang kanyang curve nang tuloy-tuloy, walang dapat alalahanin.

Halimbawa, ang baby na nasa ika-limang percentile at laging nasa ika-limang percentile ay mas hindi dapat alalahanin kaysa sa nasa ika-50 na percentile na biglang bumaba.

Kung may makitang sanggol na malaki ang ibinababa sa chart, papabalik-balikin ang sanggol para suriin ang timbang at subukang pakainin siya ng masmarami, ayon kay Dr. Shu.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung siya ay kumakain ng tama ngunit hindi bumibigat, magsasagawa ng mga pagsusuri upang mahanap ang totoong dahilan, tulad ng allergy sa pagkain.

Tamang timbang ng bata ayon sa edad: Infancy

Ayon sa World Health Organization, ang average o tamang timbang ng baby boy pagkasilang dito ay nasa 7 pounds (lb) 6 ounces (oz), o 3.3kg. Samantala ang average birth weight o tamang timbang ng baby girl pagkasilang ay 7 pounds 2 oz, o 3.2 kg.

Ibig sabihin kung ikukumpara ang average birth weight ng lalaki at babae, makikitang mas mataas nang bahagya ang tamang timbang ng baby boy kaysa sa baby girl.

Nakasaad sa artikulo ng Medical News Today na ang average weight ng baby na isinilang sa ika-37 hanggang 40 weeks ay tinatayang nasa 2.5 to 4 kilograms. Habang ang mga baby na ang timbang ay mas mababa sa 2.5 kg ay ikinokonsiderang may low birth weight.

Narito ang tamang timbang ng bata ayon sa edad o taong gulang mula infancy hanggang toddlerhood:

1 month mula nang isilang

Ang tamang timbang ng bata na 1 month mula nang isilang: kung ito ay babae dapat na may bigat itong 9 lb 4 oz o 4.2 kg, kung lalaki naman dapat ay 9 lb 14 oz o 4.5 kg.

 2 months baby

Ang tamang timbang ng batang babae na 2 months na buhat nang isilang ay dapat na nasa 11 lb 5 oz o 5.1 kg. Habang ang 2 months baby boy naman ay 12 lb 4 oz o 5.6 kg

Tamang timbang ng 3 months baby

Ang tamang timbang ng 3 months baby kung ito ay babae 12 lb 14 oz o 5.8 kg. Kung ito naman ay lalaki dapat na 14 lb 1 oz o 6.4 kg na ang timbang nito.

Tamang timbang ng 4 months baby

Sa ika-4 na buwan, ang angkop na timbang ng batang babae ay 14 lb 3 oz o 6.4 kg habang ang tamang timbang ng 4 months baby boy ay 15 lb 7 oz o 7.0 kg na.

5 months baby

15 lb 3 oz o 6,9 kg ang tamang timbang ng 5 months na baby girl. Habang ang tamang timbang ng 5 months na batang lalaki naman ay 16 lb 9 oz o 7.5 kg.

Tamang timbang ng 6 months baby

Ang tamang timbang ng 6 months female baby ay 16 lb 1 oz o 7.3kg. Sa 6 months male baby naman ay 17 lb 8 oz o 7.9 kgs.

Tamang timbang ng 7 months baby

Ang 7 months baby girl ay may average weight na 16 lb 14 oz o 7.6 kg, habang ang baby boy naman ay 18 lb 5 oz o 8.3 kg.

8 months baby

17 lb 8 oz o 7.9 kg na ang average na timbang ng batang babae sa edad na ito. Habang 18 lb 15 oz o 8.3 kg naman ang batang lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang timbang ng 9 months baby

Ang tamang timbang ng 9 months na baby girl ay 18 lb 11 oz o 8.2 kg. Ang baby na lalaki naman ay 19 lb 10 oz 8.9 kg.

10 months baby

Kung 10 months na ang iyong baby at siya ay babae, ang tamang timbang niya dapat ay 18 lb 11 oz o 8.5 kg. Habang ang tamang timbang ng bata na lalaki naman sa edad na ito ay 20 lb 3 oz 0 9.2 kg.

11 months baby

Ang tamang timbang naman ng batang babae na 11 months old na ay 19 lb 4 oz o 8.7 kg. Kung lalaki naman ay 20 lb 12 oz o 9.4 kg.

12 months baby

Sa ika-12 buwan ng baby, ang inaasahang tamang timbang ng batang babae ay 19 lb 12 oz o 8.9 kg at 21 lb 4 oz o 9.6 kg naman sa batang lalaki.

Tamang timbang ng bata ayon sa edad: Toddlerhood

Ayon sa World Health Organization, ang average weight o tamang timbang ng batang babae na edad 2 taon ay 26.5 lbs, habang 26.7 lbs naman para sa mga batang lalaki. Subalit, tandaan na nakadepende rin ang tamang timbang sa laki o height ng iyong anak.

Ang ideal body weight o tamang timbang para sa mga toddler o batang nasa edad dalawa hanggang anim na taon ay maaaring ma-compute sa pamamagitan ng formula na ito: (edad x 2) + 8.

Halimbawa, kapag tatlong taon na ang iyong anak (3 years old x 2) +8 = 14. Ibig sabihin ang ideal body weight o tamang timbang ng batang tatlong taong gulang ay 14 kgs.

Pero mommies and daddies, subjective lamang ang datos na ito dahil magkakaiba pa rin naman ang growth ng bawat bata. Kaya naman mahalaga pa rin ang pagpapakonsulta sa pediatrician para matiyak kung angkop sa edad ng iyong anak ang kaniyang timbang.

Timbang ng bagong panganak: Mga laging tatandaan

Breastfed na baby vs. formula-fed na baby

Ang mga baby na gumagamit ng formula ay mas hindi nahihirapan magpabigat kaysa sa mga breastfed na baby. Sa katotohanan, ang mga gumagamit ng formula ay maaaring bumigat nang sobra dahil ang formula ay mas concentrated kumpara sa breastmilk at madalas, gusto ng mga magulang na ipaubos ang buong bote.

Ayon kay Dr. Jack Newman, kilala sa buong mundo na eksperto sa breastfeeding at pediatrician, ang sobrang pagbigat ng timbang ay hindi gaanong problema sa mga breastfed na baby.

Ito ay dahil ang pagpapasuso ay natitigil pagbusog na ang bata (imbes na kung ubos na) kaya, masnako-kontrol ang dami ng gatas na naiinom nila.

Hindi kailangang alalahanin ang mabilis na paglaki sa breastfed na baby na kuntento at masigla, ayon kay Dr. Newman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkapuno o pagkatuyo ng diaper ay magandang indikasyon kung nakakakain siya ng sapat o hindi.

Bantayan ang mga unang diapers

Sa unang tatlong araw pagkapanganak, siya ay magkakaron ng maiitim na dumi, o meconium. Sa ikatlo o ika-apat, ang kanyang dumi ay magiging malambot at madila (kung punapasuso) o maitim at matigas (kung nagpo-formula).

Kung ang kanyang dumi ay hindi nagbabago nang ganito, pinapayo ng mga eksperto na hindi siya nakakakuha ng sapat na gatas.

Isa pang indikasyon na hindi siya nakakakain nang sapat ay hindi pagkakaroon ng sapat na basang diapers sa isang araw. Sa kabuohan, ang dalawang araw na gulang ay magkakaroon nang dalawa hanggang tatlong basang diapers sa isang araw. Ngunit, dapat ay dumami pa ito nang anim hanggang walo kapag siya ay isang linggong gulang na.

Kung ang tingin ay hindi siya nagkakaroon ng sapat na basang diapers, o mapansin mong may kakaiba sa kanyang dumi, kausapin agad ang kanyang pediatrician.

Average na pagbigay sa unang taon

Ang alam ng man ng karamihan ay ang sanggol ay dapat bumigat nang average na 140 hanggang 201 grams (5 hanggang 7 1/2 ounces) kada linggo, sa unang tatlong taon, pinapayo ni Dr. Newman na huwag masyadong bantayan ang mga average na ito.

Sa halip, iminumungkahi ni Dr. Newman na dapat tandaan na:

“Ang baby na sumusunod sa ika-95 na percentile sa growth chart ay makakakuha ng masmataas.

Ang baby na sumusunod sa ikatlong percentile ay makakakuha ng masmababa. Ito ang isang rason kung bakit ang growth curves ay magandang pagbasehan ng paglaki ng baby.”

Tandaan na sa pagitan ng ikatlo at ika-anim na buwang gulang, ang kanyang average na paglaki ay babagal sa pagitan ng 105 at 147 grams kada linggo. At sa pagitan ng anim at 12 na buwan, lalo pa itong babagal sa 70 hanggang 91 grams kada linggo.

Sa kabuuan, madodoble na nila ang kanilang bigat sa kapanganakan sa pagdating ng limang buwan, at mati-triple ito sa isang taon.

Kung ang iyong baby ay hindi nagla-latch nang maayos, makakahadlang ito sa kanyang pagbigat.

Tamang timbang ng baby: Paano kung wala sa tamang timbang ang baby ko?

May ilang mga rason para sa hindi sapat na pagbigat ng timbang sa bagong panganak, kabilang ang mga sumusunod:

1. Ang baby ay hindi nagla-latch nang maayos

Mukha lang madali, ngunit ang pagtulong sa baby na maglatch nang maayos ay kinakailangan ng ensayo sa nanay at sanggol. Kung ang tingin ay hindi siya nakakakuha ng sapat na breast milk, dapat ayusin ang kanyang pag-latch ayon kay Dr. Newman.

Payo niya,

“Mahalaga na alam ng nanay kung nakakakuha ng gatas ang baby imbes na nakakagat lamang. Kung hindi nakakakuha ng sapat ang baby, ang compression ay maaaring makatulong.”

Ang breast compression ay ang pagpiga sa suso habang nakasubo sa baby, ngunit hindi umiinom. Ito ay tilad ng pagsubo ng gatas sa bibig ng baby.

Kung nahihirapan na ipag-latch ang baby, magpakonsulta agad sa pediatrician, o sa lactation consultant/nurse, magagabayan ka sa tamang techniques dito.

Tongue tie. Image from LLLI/Pinterest

2. Maaaring may tongue tie ang baby

Ang ilang sanggol ay mat tongue tie, ibig sabihin ay ang lingual frenulum—ang bahagi ng balat na naguugnay sa dila at ibabang bahagi ng bibig—ay masyadong makapal o maikli. Nakakasagabal ito sa paggalaw ng dila, na nagpapahirap sa kanyang pagpapasuso.

Isa sa mga senyales na makikita kung mayroon ganitong kundisyon ang baby ay kapag ang dulo ng kanyang dila ay nakabali pababa kapag umiiyak nang nakabukas ang bibig.

Kung naghihinala na siya ay may tongue tie, ipaalam sa pediatrician o lactation consultant, na maaaring sumuri. Ang remedyo sa ganitong kondisyon ay ang paggupit ng duktor sa frenulum.

Ang tongue tie ay mas problema ng mga breastfed na sanggol kumpara sa mga gumagamit ng bote. Sapagkat ang mga sumunod ay mas hindi ginagamit ang mga dila para makakuha ng gatas.

Masyado ba siyang antok para kumain

3. Ang sanggol ay hindi masyadong kumakain

Ang mga bagong panganak ay dapat kumakain kada dalawa at kalahating oras, o kaya, ayon sa La Leche League International (LLLI), nasa walo hanggang 12 beses kada 24 oras.

Ayon kay Dr. Shu, ang ilang sanggol ay nagiging sobrang antok, kaya nalalampasan ang ilang pagkain. Ngunit sa puntong ito, ang pangangailangan kumain sa regular na pagitan ay mangingibabaw para sa masarap na tulog.

At least haggang sabihin ng pediatrician na maaaring bawasan ang dalas ng pagkain.

Kung ang iyong anak ay hindi madalas kumain lalo na sa mga unang bahagi, hindi nahihikayat ang iyong katawan gumawa ng sapat na gatas.

Ibig sabihin ay hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon ang iyong anak. Ito ang naggiging dahilan ng kanyang sobrang pagka-antok para kumain.

Kung ang iyong anak ay napipikit na habang sumususo, gawin ang makakaya para magising siya sa pamamagitan ng paghimas ng kanyang paa o pisngi. Kung hindi maging epektibo, ilayo siya sa dibdib para magising, tsaka ire-latch, payo ng mga eksperto sa lactation.

Tamang timbang ng baby: Iwasan ang problema sa supply sa pamamagitan ng pagkakaroon ng suporta sa pagpapasuso sa simula pa lamang.

4. Mayroon kang problema sa supply

Isa sa mga maaaring dahilan kung bakit wala sa tamang timbang ng baby ang iyong anak ay baka dahil sa iyong milk supply.

Mahirap man sabihin kung nakakakuha siya ng sapat na breast milk, hanggang sa nagkakaroon siya ng rekumendadong dami ng basang diaper at madalas dumumi, tama ang iyong ginagawa.

Subalit, upang maipagpatuloy ang supply hindi lamang ang madalas na pag-latch ang kailangan—kailangan din ng maraming suporta.

Kadalasan, ang problema sa supply ay nagsisimula sa kakulangan ng suporta ng ina sa simula. Maaaring magdulot ito ng negatibong impact sa pagtaguyod sa full supply.

Makipag-usap sa lactation consultant, ibang ina na nagpapasuso o duktor simula pa lamang, at madalas.

Laging itimpla ang formula ng bata babg sinusunod ang tamang instructions upang magkaroon tamang timbang ng baby ang iyong anak

5. Hindi natitimpla nang maayos ang formula

Ipinaliwanag ni Dr. Shu na ang ilang magulang ay nagdadagdag ng sobrang tubig sa formula para makapagtipid. O dahil iniisip na ito ang nagiging rason ng constipation ng sanggol.

Sundin ang mga tamang sukat—ang sobrang tubig at hindi sapat na nutrisyon ay delikado sa mga bagong panganak. Kung, kahit ano man ang rason, binibigyan siya ng formula at hindi breast milk.

Hangad namin na ang mga impormasyon na ito ay makatulong sa inyo. Tandan na huwag ikumpara ang iyong baby at kanyang laki o bigat sa iba pang sanggol.

Bawat isa ay unique at bibigat sa iba’t ibang bilis.

Mangayaring tandaan na ito ay isang pangkalahatang gabay. Dapat sabihin ang lahat ng bagay na nauugnay sa kalusuhan ng iyong baby sa isang ispesiyalista.

Agad na magpakonsulta kung ang pagbigat ng iyong anak ay bumagal o huminto.

Ang mga medical professionals sa buong mundo ay nagsasabing ang breastmilk ang pinakamagandang mapagkukunan ng nutrisyon para sa bagong panganak na sanggol. Sila ay nagmumungkahi na magkaroon ng nasa anim na buwan na tanging pagpapasuso lamang. 

 

Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.