Trabaho, pagkain, at gamot: Ano ang mga bawal sa buntis?

Ano nga ba ang mga bawal sa buntis kapag sila'y nagtatrabaho? Alamin ang mga dapat iwasan upang mapanatili na healthy ang pagbubuntis habang nasa work.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga ina na mayroon ng magandang trabaho at nakahanap na ng paraan kung papano nila ito gawin bago sila magbuntis. Maaaring maging dilema para sa kanila na pumili kung pipiliin ba nilang ituloy ang kanilang trabaho o huminto muna pansamantala dahil sa mga lumalakas na sintomas ng kanilang pagbubuntis. Ano ang bawal sa buntis na trabaho, pagkain at gamot? Mahalaga itong malaman para sa kaligtasan ni mommy at baby.

Walang duda na sa pagharap sa mga problema o sintomas ng iyong pagbubuntis. Ikaw ay hindi magiging kumportable kung ito ay mararamdaman sa  lugar na iyong pinagtatrabahuhan.

Lalo na kung kailangan mong kapalan ang iyong mukha dahil madalas kang humingi ng leave sa iyong boss. Ngunit ano nga ba ang bawal sa mga buntis?

Ano ang mga bawal sa buntis?

Ano ang bawal sa buntis kapag naagtatrabaho para masigurado ang kaligtasan ng sarili at ng fetus sa sinapupunan

May mga bawal sa buntis na dapat na alalahanin dahil nakakaapekto ito sa kaligtasan at kalusugan ng isang ina at ng fetus na nasa kaniyang sinapupunan. Kung patuloy lamang na ginagawa ng ina ang mga pang araw-araw na trabaho niya.

Tulad ng kaniyang nakasanayan. Gayunpaman, kung ang pagdadalang tao ay hindi naman maselan at normal lamang, maaari namang ipagpatuloy ito.

Ang pinakamahalaga ay ang paninigurado na ang lugar ng iyong trabaho ay hindi nagdadala ng kahit na anong masamang epekto sa iyo at sa iyong baby.

Sa ibang mga bansa, ang mga babaing nagbubuntis ay mayroong karapatan sa isang risk assessment. Para masigurado na ang mga trabahong binibigay sa kanila ng kanilang employer ay hindi magdadala ng anumang sakit o panganib.

Kapag hindi nasigurado ito, dapat na i-relocate ng employer ang empleyado o ‘di kaya’y suspendihin ito ngunit ang empleyado ay makakatanggap pa rin ng kanilang kaukulang bayad. Gayunpaman, ang mga benepisyong ito ay hindi malinaw sa bansang Malaysia.

Dahil dito, kinakailangan ng isang nagbubuntis na aralin ang mga benepisyo at prebilihiyo na maaaring matanggap sa ilalim ng collective agreement, employment contract o employee handbook.

I-check kung mayroong benepisyo sa mga inang nagbubuntis o mga karagdagang makukuha habang nagbubuntis sa pamamagitan ng pag-refer sa trade union.

Tips kung papaano alagaan ang sarili at ang hindi pa naisisilang na anak habang nasa trabaho

credit to sources

Ang mga bawal sa buntis at mga problema na kaugnay sa personal na kaligtasan at kalusugan ay hindi lamang mapapansin sa mga pisikal na problema. Kundi makikita rin sa mental at physical stress, mga nakapalibot na kundisyon sa nagbubuntis at ang biyahe papunta sa trabaho.

Kung gayon, kapag ang ina ay humaharap na sa kahit na anong paghihirap na nakakabagabag. Mas mabuti na ang maging matapat sa iyong boss o employer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagbubuntis ay nagdadala ng mga ‘di maiiwasang pagbabago sa sarili, narito ang mga tips na maaaring makatulong para maibsan ang iyong mga problema:

1. Magsuot ng mga kumportableng damit

Ang mga ina ay dapat na magsuot ng mga maluluwag na damit na gawa sa kumportableng material. Aming isina-suggest na pumili lamang ng simpleng t-shirt na gawa sa cotton. Sapagkat ito ay kumportableng gamitin sa lahat ng oras.

Hindi lamang iyon, ang mga binti ay napakaimportante sa pagsuporta sa bigat ng katawan kaya siguraduhin na magsusuot ng mga sapatos na may mababang takong (heels) at may malalambot na suelas (sole) upang hindi magkaroon ng problema sa mga paa.

2. Magpahinga kung hindi maayos ang pakiramdam

Itaas ang mga binti at paa kapag ikaw ay tumayo o naglakad sa matagal o mahabang oras. Ito ay makakatulong sa iyo upang mawala ang pamamaga ng iyong mga paa at mga bukung-bukong. Makakatulong din para maayos ang pakiramdam.

Kung ang inyong trabaho naman ay nangangailangan ng pagharap sa computer ng opisina sa matagal na panahon, huwag kalimutan na magsagawa ng mga stretching exercise para maprotektahan ang inyong gulugod o spine.

3. Sumunod sa isang healthy diet

credit to sources

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga nagbubuntis na kababaihan ay mas nangangailangan ng pagkain ng mas madalas. Inaabisuhan ang mga ina na magdagdag ng fiber sa kanilang daily diet para maiwasan ang constipation.

Kahit sa panahon na busy, huwag kakalimutan na kumain ng breakfast kahit pa isang piraso lamang ng tinapay. Sa tanghalian, siguraduhin naman na makakakain ng marami.

Kung saan naglalaman ito ng carbohydrates, protein, at mga vitamins para matulungan ang fetal development ni baby.

Subukan din na magdala ng sariling mga pagkain galing sa iyong tahanan imbis na bumili sa mga tindahan para maiwasan na makakain ng mga hindi lutong pagkain na maaaring maging dahilan ng food poisoning.

Mga bagay na dapat isaisip ng isang buntis habang siya ay nagtatrabaho

Sa huling yugto ng iyong pagbubuntis, maaaring nakararamdam na ng mabilis na pagkapagod. Subukan na magrelax hanggang makakaya at huwag pilitin ang sarili ng sobra. Madalas, ang mga stress sa trabaho ay mayroong mapanganib na epekto para sa iyo at ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga buntis.

Humingi ng advise sa iyong doktor kung papaano ka puwedeng magtrabaho. Kung inabisuhan na magbawas ng gawain na ginagawa sa pag-araw-araw.

Huwag mahihiya na kausapin ang iyong employer para sa nababagay na alternatibong puwedeng gawin. Maaari rin namang abisuhan na huminto kung:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang bawal sa buntis na pagkain

Bukod sa hazard ng trabaho, mahalagang malaman din kung ano ang bawal sa buntis na pagkain. Ayon sa Healthline, ang mga sumusunod ay ang mga pagkain bawal sa buntis:

Mga hindi hinugasang prutas

Huwag basta-basta kakain ng prutas na kabibili lamang sa palengke o super market. Tiyaking nahugasan na ito nang maigi bago ito kainin. Kung maaaring balatan, ay balatan muna.

Ang mga prutas na hindi pa nahuhugasan mula sa pagtiwangwang sa pamilihan ay maaaring kontaminado ng iba’t ibang bacteria at parasites. Makasasama ang mga ito sa iyong kalusugan at sa kaligtasan ng iyong anak.

Larawan mula sa Pexels kuha ng Pixabay

Kabilang nga ang toxoplasma bacteria sa posibleng makuha sa hindi nahugasang prutas. Ang mga baby na naimpeksyon ng nasabing bacteria ay kadalasang walang sintomas ng impeksyon pagkasilang. Subalit, habang sila ay tumatanda ay posibleng makaranas ng unti-unting pagkabulag at pagkakaroon ng intellectual disabilities.

Mga isda na mayaman sa mercury

Karaniwang nakukuha ang mercury sa polluted water at ito ay lubhang mapanganib o nakalalason. Kaaya naman mahalagang iwasan ang pagkain ng mga isda na may high mercury. Posible itong magdulot ng developmental problems sa iyong anak. Habang puwede rin nitong malason ang iyong nervous system, immune system, at kidneys.

Iwasan ang mga high mercury fish tulad ng pating, swordfish, tuna, king mackerel, tilefish, marlin, at orange roughy.

Samantala, good option naman ang anchovies o dilis at salmon dahil mayaman ang mga ito sa omega-3 fatty acids na importante rin sa development ni baby.

Kung kakain ng isda ay tiyakin lang din na niluto ito nang maayos. Huwag kumain ng undercooked o hilaw na isda dahil maaari itong pagmulan ng bacterial, viral, o parasitic infections.

Hilaw o hindi gaanong lutong karne

Tulad ng isda, hindi rin makabubuti ang pagkain ng hilaw o hindi gaanong luto na karne ng baboy, baka, o manok. Kung hindi maayos ang pagkakaluto ng karne ay posible itong magdulot ng infection mula sa parasite, bacteria, o virus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang bacterial infection habang buntis ay posibleng humantong sa pagkamatay ng sanggol o stillbirth. O kaya naman ay matinding neurological illnesses tulad ng intellectual disability, pagkabulag, at epilepsy.

Hilaw na itlog

Huwag din kakain ng hilaw na itlog, mommies. Ang mga hilaw na itlog ay posibleng kontaminado ng salmonella bacteria. Maaari itong magdulot ng lagnat, pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan, at diarrhea.

May mga rare cases din kung saan nagdulot ng salmonella bacteria infection ng premature birth o still births dahil sa cramps sa uterus dulot ng impeksyon.

Lamang loob ng karne

Mayaman sa iba’t ibang bitamina ang organ meat o lamang loob ng karne. Mabuti itong source ng iron, vitamin B12, vitamin A, zinc, selenium, at copper. Kaya lamang ang uri ng vitamin A na makukuha rito ay ang tinatawag na preformed vitamin A na hindi nirerekomenda sa mga buntis.

Ang labis na pagkonsumo ng preformed vitamin A lalo na sa first trimester ng pagbubuntis ay maaaring humantong sa congenital malformations at pagkalaglag ng sanggol.

Ano ang bawal na gamot sa buntis

Larawan mula sa Pexels kuha ng Pixabay

Bukod sa pagkain, may mga gamot din na dapat iwasan ang isang buntis. Totoong maselang panahon sa mga kababaihan ang pagbubuntis. Maraming bawal dahil kailangang mag-ingat para sa sarili at para sa sanggol na nasa sinapupunan. Ano nga ba ang bawal na gamot sa buntis?

Narito ang mga gamot hindi dapat inumin ng buntis para mapanatili ang kaligtasan ng dinadalang anak:

  • Aspirin – maliban na lamang kung prescribed ng doktor
  • Ibuprofen
  • Isotretinoin
  • Thalidomide

Ang general rule lang naman pagdating sa pag-inom ng gamot habang buntis ay ang pagkonsulta muna sa doktor. Huwag basta-basta iinom ng gamot dahil maaaring magdulot ito ng miscarriage.

Kung ikaw ay umiinom ng antidepressants, lithium, albuterol, phenytoin, at fluconazole noong hindi ka pa buntis, bago uminom muli nito ngayong ikaw ay buntis na, alamin muna sa doktor kung maaari ba.

Kumonsulta sa iyong doktor dahil sila ang nakakaalam ng eksaktong kondisyon na meron ka. Dahil dito, sila rin ang mas nakakaalam kung ano ang bawal na gamot para sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Isinalin sa wikang Filipino ni Charlen Mae Isip mula sa wikang Malay na may pahintulot ng theAsianparent Malaysia 

Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

The Asian Parent