Marahil, ikaw mismo ay nakaranas nang magkaroon ng sugat na may nana noong ikaw ay bata pa. Para matulungan ka sa paggamot ng sugat na may nana sa iyong anak, narito ang mga kasagutan sa mga madalas itanong tungkol sa nana.
Ang nana ay inilalabas ng katawan na panlaban nito sa impeksiyon, kadalasan sa impeksiyon na dulot ng bacteria. Ito ay malagkit na likido na puno ng patay na tissue, cells at bacteria. Depende kung saan ang lokasyon ng nana, maaari itong maging kulay puti, dilaw, berde o kayumanggi.
Gayunpaman, ang pagkakaroon ng sugat na may nana ay isang natural na byproduct ng proseso ng pagpapagaling ng iyong katawan.
Maaari itong maging simpleng impeksyon ngunit maaari rin itong maging seryoso na mangangailangan ng agarang pagpapagamot o medical na atensyon.
Alamin ang gamot sa sugat na may nana sa pamamagitan ng pag-alam ng sanhi ng pagkakaroon nito.
Mga dahilan ng pagkakaroon ng nana
Larawan ng batang may sugat sa tuhod | Larawan mula sa Shutterstock
Ang mga impeksiyon na nagreresulta sa pagkakaroon ng nana ay kapag ang bacteria o fungi ay nakakapasok sa katawan sa pamamagitan ng:
- Pagkasugat sa balat
- Pahinga ng hangin na galing sa ubo o sipon
- Pagiging madumi sa sarili
Kapag nakakaramdam ng impeksiyon ang katawan, nagpapadala ito ng neutrophils, isang tipo ng white blood cells, para labanan ang fungi o bacteria. Sa prosesong ito, ang pagkamatay ng mga neutrophils at tissue sa bahagi na may impeksiyon ang nagiging nana.
Karaniwan ng impeksyon ay dahil sa bacteria na Staphylococcus aureus o Streptococcus pyogenes.
Ang bacteria na ito ay matatagpuan sa ilong o balat ng tao gaya ng singit at kilikili. Karamihan man sa impeksyon na hatid ng bacteria na ito ay maliit lamang at maaaring daanin sa gamutan, maaari pa rin itong magdala ng seryosong impeksyon sa dugo, balat, at baga.
Saan nabubuo ang nana?
Kadalasang nabubuo ang nana sa mga puwang ng mga tissue. Maaaring magkaroon ng mga puwang na ito sa ibabaw ng balat o sa loob ng katawan. Subalit, may mga bahagi ng katawan na mas madaling magka-impeksiyon dahil mas maraming bacteria ang napupunta rito:
- Urinary tract – karamihan ng urinary tract infections (UTI) ay dahil sa Escherichia coli, isang uri ng bacteria na nakikita sa colon. Ang ihi ng taong may UTI ay nagiging malabo dahil sa pagkakaroon ng nana.
- Bibig – Ang pagkakaroon ng sira sa ngipin ay maaaring dahilan upang maging dahilan upang pasukan ng bacteria ang gilagid o ugat ng ngipin. Ang impeksiyon sa bibig ay maaari rin maging dahilan ng pag-ipon ng nana sa may tonsils na nagiging dahilan ng tonsilitis.
- Balat – Ang mga puwang sa balat ay kadalasang dahil rin sa pigsa o impeksiyon sa hair follicle. Ang malalang tigyawat ay maaari rin pagmulan ng puwang sa balat na ito. Ang sugat ay maaari rin pagsimulan ng nana.
- Mata – Ang sore eyes ay kadalasan may kaakibat na nana. Ang ibang impeksiyon sa mata na nagiging dahilan ng nana ay ang baradong labasan ng luha at pagkakaroon ng dumi sa mata.
Sintomas na dulot ng pagkakaroon ng nana
Ang pagkakaroon ng nana sa balat ay kadalasang mapapansin na mainit na namumulang balat. Maaari rin maging masakit at namamaga ang bahaging may impeksiyon.
Ang pagkakaroon ng nana sa loob ng katawan ay nagbibigay ng ibang sintomas tulad ng:
- Lagnat
- Panginginig
- Pagkapagod
- Ang mga sintomas na tulad ng sa trangkaso ay maaaring may kaakibat na malalang impeksiyon sa balat
Larawan mula sa Shutterstock
Pagkakaroon ng nana pagkatapos ng operasyon
Ang surgical site infection (SSI) ay ang mga paghiwa na naganap sa isang operasyon namaaaring maging dahilan ng impeksiyon o ang hindi agarang pagpapakonsulta sa suspected ng infected wound. Mayroong 1% hanggang 3% na tiyansang magkaroon nito ang mga sumasailalim sa isang operasyon.
Mas malaki ang panganib ng pagkakaroon ng SSI kung ang pasyente ay:
- May diabetes
- Naninigarilyo
- May mabigat o sobra sa timbang
- Tumagal nang lagpas 2 oras ang operasyon
- May kundisyon na nagpapahina sa immune system
Ang mga sintomas ng SSI ay kadalasang pamumula at pag-init sa bahagi ng inoperahan, paglabas ng nana sa sugat ng inoperahan, at lagnat.
Anu-ano ang mga pagkakaiba sa kulay ng mga nana
Ang whitish-yellow, yellow, yellow-brown, and greenish na kulay ng nana ay resulta ng akumulasyon ng mga patay na neutrophil.
Kung yellowish naman ang kulay, ito ay isang posibleng tagapagpahiwatig ng impeksyon mula sa staph o strep.
Maaaring naman maiugnay sa impeksyon sa atay ang brown na kulay ng sugat na may nana.
Minsan ay maaaring maging kulay berde ang nana dahil ang ilang mga white blood cell ay gumagawa ng berdeng antibacterial protein na tinatawag na myeloperoxidase.
Mayroon ding bacteria na tinatawag na Pseudomonas aeruginosa (P. aeruginosa) na gumagawa ng berdeng pigment na tinatawag na pyocyanin. Ito ay pangkaraniwang nagbibigay ng mabahong amoy.
Ang yellowish o greenish color ng nana ay maaari ding magkaroon ng bahid ng mga pula kung sugat na may nana ay nahaluan o napasukan ng dugo.
Sintomas ng impeksyon sa sugat
Dapat lamang bigyang dobleng pag-iingat ang ating katawan, delicate at mabilis masugatan ang napakaraming parte ng ating katawan.
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Mayroon naming mga gamot o first-aid ang umaalalay sa mga ito upang mabilis na gumaling at humilom.
Ngunit ano ng aba ang mga sintomas na dapat nating malaman kung ang sugat o mga open wound sa parte ng katawan ay naimpkesyunan na?
Isa sa ating mga dapat alamin ay ano ng aba ang mga senyales kapag ang sugat ay infected na,
- Una na diyan ang pagkakaroon ng nana ng iyong sugat.
- Ang matinding pagkirot at pagsakit ng sugat.
- Pamamaga ng sugat.
- Pag-umbok ng sugat.
- Ang ‘di pangkaraniwang pamumula ng sugat ay kabilang din dito.
- Mainit na temperatura sa paligid ng namamagang sugat.
Ang pagkakaroon ng nana sa iyong sugat ay isang palatandaan lamang na ito ay mayroon at nagkaroon na ng mga mikrobyo o bacteria sa loob. Kinakailangan ng agarang lunas sa ito upang hindi na magresulta ng nakababahala o malubang komplikasyon.
Paggamot sa sugat na may nana
Ang paggamot sa sugat na may nana ay isa ng paraan upang mahadlangan ang kung anumang malalang kumplikasyon ng iyong sugat.
Hindi kaaya-aya ang amoy ng nana o ng infected ng sugat, lalo na kung ang sugat na ito ay isang malalim na sugat. Ang paggamot sa sugat na may nana ay nagdedepende sa kung gaano kalala ang impeksiyon nito.
Larawan mula sa Shutterstock
- Para sa maliliit na impeksiyon na may nana sa balat, maglagay ng malinis at mainit na tuwalya sa impeksyon ng nana. Gawin ito sa loob ng limang minuto upang mabawasan ang pamamaga at buksan ang balat upang makatulong na mapabilis ang paggaling at hikayatin ang pagpapatuyo.
- Iwasan na iputok ang sugat na may nana. Imbes na mailabas nito ang nana, naitutulak ito lalo papasok ng katawan. Dahil rin dito nagkakaroon ng bagong sugat na maaaring maging dahilan ng panibagong impeksiyon.
- Para sa mga sugat na may nana na malalim, malaki at mahirap abutin, kakailanganin ang paglapit at pagkonsulta sa medikal na espesyalista. Maaaring tanggalin ng mga doktor ang nana sa pamamagitan ng syringe o paghiwa. Kung masyadong malaki ang nana, maaaring magpasok ng tubo upang tanggalin ang nana.
- Para sa mga nana na sobra na ang lalim, kinakailangan ng antibiotics.
Mabisang gamot sa sugat ng bata na may nana
Paano kung ang iyong anak ang nagkaroon ng sugat na may nana? Narito ang ilan sa mga pwedeng gawing gamot sa sugat ng bata na may nana:
- Lapatan ng warm compress ang area ng sugat na may nana
- Ang mga bahagi ng katawan o area na maaaring lagyan ng warm compress ay sa braso, paa, daliri, kamay, hita, o binti
- Antibiotic ointment pampatuyo ng sugat na may nana
- Gumamit ng antibiotic para sa sugat ng bata na may nana, tulad ng Polysporin
- Ipahid ito sa area na may impeksyon at pagnanana
- Kung maaaring madumihan ang area ng sugat, lagyan ito ng band-aid
- Ang mga bahagi ng katawan o area na maaaring pahiran ng antibiotic ointment ay sa braso, paa, daliri, kamay, hita, o binti
- Gamot sa pananakit dulot ng sugat na may nana
- Para maibsan ang pananakit, maaaring kumonsulta sa doktor kung pwedeng gamot sa bata ang acetaminophen
- maaari ring gamot sa sakit ang ibuprofen na para sa bata
- inumin lamang ayon sa preskripsyon ng doktor
- Gamot sa lagnat dulot ng sugat na may nana
- Para sa lagnat na mas mataas sa temperatura na 39 degrees Celcius, humingi ng reseta ng acetaminophen
- Pwede rin ang ibuprofen
- Kung ang lagnat naman ay mas mababa sa 39 degrees, mahalaga ito para malabanan ang impeksyon sa bata dulot ng sugat na may nana
- Pinakamainam din ang laging pag-inom ng tubig ng bata para laging hydrated habang nilalagnat.
Paano iiwasan ang pagkakaroon ng sugat na may nana?
May mga impeksiyon na hindi maiiwasan pero puwedeng mapababa ang tsansang magkaroon nito sa pamamagitan ng:
- Paglilinis at pagtutuyo sa mga sugat
- Hindi paggamit ng pang-ahit ng iba
- Hindi paggalaw sa mga tigyawat at sugat
Kung mayroon nang sugat na may nana, maaaring hindi makahawa sa pamamagitan ng:
- Hindi pamamahagi ng tuwalya at mga kagamitan sa kama
- Paghugas ng kamay matapos hawakan ang sugat na may nana
- Pag-iwas sa mga public pools
- Hindi paggamit ng mga bagay na maaaring gamitin ng iba na dumidikit sa sugat na may nana
Normal lamang ang pagkakaroon ng sugat na may nana bilang ito ay ang panlaban ng katawan sa impeksiyon. Ang mga maliliit na impeksiyon sa balat ay kusang nawawala. Ang mga malalang impeksiyon ay kakailanganin ng tulong ng mga doktor.
Higit sa lahat, ayon kay Rebecca Baxt, MD, isang New Jersey-based dermatologist, ang susi sa tuluyang pagtanggal ng nana sa sugat ay ang pagtukoy at paggamot sa pinagmumulang impeksyon nito.
Mayroon bang gamot pangpahid o natural na lunas sa infected na sugat?
Larawan mula sa Pexels ni Anna Shvets
Pangunang lunas at normal sa atin ang paghugas ng sugat gamit ang sabon at malinis na tubig. Ayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang hindi magkaroon ng mikrobyo o bacteria ang sugat.
Mainam ang paggamit ng mga hypoallergenic na sabon, gayundin na naiibsan ng malamig na tubig ang pananakit at kirot ng sugat.
Nariyan din ang paggamit ng mg adhesive bandage upang takpan ang sugat matapos ang pagpapahid ng betadine sa sugat, sa mas mabilis na pag-agap sa impeksyon o polusyon dala ng hangin.
Kabilang at maituturing kasama sa pangunang lunas ang pagpahid din ng mga ointment at common prescribed antibiotics ng mga Doctor.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod na makatutulong sa pagpapatuyo at pagpapagaling o gamot sa sugat ng bata na may nana:
- Mebo Ointment
- Bacitracin, gamit para sa mga impeksiyon mula sa mga mikrobyo
- Polysporin, na siyang maaaring gamitin at ipahid sa mga hiwang sugat.
Maraming mga ointment at recommended ointment product ang mga doktor na siyang dinedepende sa lala ng sugat. Mainam din na sumangguni muna sa mga propesyonal bago gamitin at ipahid ang mga antibiotics sa sugat at humingi ng reseta.
Bukod sa mga nakalahad ng impormasyon tungkol sa pag-iwas at ilan sa paraan ng paggamot sa infected ng sugat. Kilala tayo sa pagiging tradisyunal sa pamamaraan ng panggagamot o ang paghanap ng mga natural na lunas sa mga sugat bago dumaan sa ilang aprubadong gamot mula sa mga doktor.
Malaki man o maliit ang sugat, dapat bigyang kaukulang atensyon pa rin ito, dahil kahit gaano pa kasimple ang natamong sugat, nakadepende pa din ang paggaling nito sa kung paano mo aalagaan at gagamutin.
Mayroong mga sugat na mabilis humilom, mayroon namang ibang halos buwan kung gumaling. Mayroon bang mga epektibong natural na remedyo sa pagpapabilis ng paggaling ng sugat.
Makikita ang ilan sa mga herbal remedies na maaaring ilapat sa sugat para sa mas agarang pag-relieve ng sakit mula sa sugat na natamo. Ang mga halamang gamot sa sugat na may nana ay ang sumusunod:
- Luya, na mayroong anti-inflammatory na katangian na pinabababa ang pamamaga ng sugat.
- Klase ng mantika tulad ng Lavender Oil at Tea Tree Oil na may antimicrobial at antibacterial na katangian.
- Bawang na taglay ang katangiang pagpatay sa kahit anong klaseng mikrobyo at subok na gamit at iniinom sa anumang uri ng sakit.
- Aloe vera, na tulad ng luya, taglay nito ang katangiang pagpapababa ng maga o kirot ng sugat.
Komplikasyon sa oras na hindi malunasan ang na-infect na sugat
Samantala, sa oras na hindi nalunasan o na-gamot ang sugat na na-impeksyon ay maaring kumalat ito sa ibang bahagi ng katawan at magdulot ng mga sumusunod na komplikasyon:
Ito ang impeksyon sa sugat kung saan ang impeksyon ay umabot na sa ilalim na bahagi ng tissues ng balat. Nagdudulot ito ng pamamaga, pamumula o pananakit sa apektadong bahagi ng katawan. Maliban dito ay makakaramdam rin ng lagnat, pagkahilo, pagduruwal o pagsusuka ang taong nakakaranas nito.
Osteomyelitis
Ang osteomyelitis ay isang uri ng bacterial infection sa buto. Ang mga sintomas nito ay pananakit, pamumula at pamamaga sa apektadong bahagi ng katawan. Makakaranas rin ng fatigue o labis na pagkapagod at lagnat ang taong may osteomyelitis.
Sepsis
Sa oras naman na pumasok na sa bloodstream ang impeksyon ito ay tinatawag ng sepsis. Ito ay tumutukoy din sa extreme immune reaction ng katawan sa impeksyon na maaring magdulot ng multiple organ failures o pagkamatay.
Bagamat bibihirang nangyayari ang kondisyon na ito ay labis naman itong nakakabahala. Dahil sa kondisyong ito ay kumalat na sa pinaka-ibuturan ng balat ang impekyon. Ito ay isang medical emergency dahil nagdudulot ito ng severe skin damage. Ito ay nagbibigay rin ng matinding pananakit sa taong nakakaranas nito. At ang impeksyon at iba pang sintomas ng sakit sa balat ay maaring kumalat sa buong katawan.
Toxic shock syndrome
Maari ring mauwi sa nakakatakot na toxic shock syndrome ang isang sugat na na-infect. Ayon sa WebMD, ang Toxic Shock Syndrome o TSS ay isang kondisyon na kung saan nagre-release ng toxics ang katawan dulot ng labis na pagdami ng bacteria na kung tawagin ay staphylococcus aureus o staph.
Ang mga sintomas ng sakit na ito ay ang sumusunod:
- Biglaang mataas na lagnat.
- Low blood pressure.
- Pagsusuka o matubig na dumi.
- Rashes sa katawan na katulad ng sunburn. Madalas makikita ito sa iyong mga palad o talampakan.
- Pananakit ng kasu-kasuan.
- Namumulang mata, bibig at lalamunan.
- Pananakit ng ulo.
Kung may sugat o nag-rerecover mula sa isang surgery at nakaranas ng nabanggit na sintomas ay dapat agad na magpatingin sa doktor. Dahil ang sakit na ito ay nakamamatay. Nangyayari ito sa pamamagitan ng hypotensive shock na kung saan tumitigil sa pag-function ang puso at baga ng isang tao.
Para maiwasan na mauwi sa mga nabanggit na komplikasyon ang isang sugat ay dapat agad na magpatingin sa doktor sa oras na magpakita ng mga sumusunod na sintomas ang pasyente.
- Ang sugat ay malaki o malalim.
- Nakabuka ang sugat at hindi maisara.
- Nakakaranas ng sintomas ng impeksyon ang pasyente tulad ng lagnat, pamumula o pagkakaroon ng discharge o nana.
- Hindi malinis na maayos ang sugat o hindi maalis ang mga debris na nasa sugat tulad ng damo o maliit na bato.
- Ang dahilan ng pagkakaroon ng sugat ay dahil sa kagat ng hayop o injury sa makalawang o maduming bagay.
- Isang medical emergency kapag hindi mapatigil ang pagdurugo ng sugat kahit nalagyan na ito ng pressure o pangunahing lunas.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores, Jasmin Polmo, Nathanielle Torre at Irish Mae Manlapaz.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!