X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Safe ba ang luya sa buntis?

4 min read
Safe ba ang luya sa buntis?Safe ba ang luya sa buntis?

Maraming benepisyong naibibigay ang luya sa isang buntis ngunit ito ay dapat hindi sumobra at sa tamang amoung lang.

Luya safe ba sa buntis? Narito ang sagot ng mga pag-aaral at health experts.

Luya safe ba sa buntis?

Ang luya o ginger ay hindi lamang basta isinasahog sa mga lutong Pilipino. Kilala rin ito bilang halamang gamot na nakakatulong na malunasan ang ilang karamdaman. Ito ay itinuturing na natural antibiotics na maaring makapagpawala ng mga pamamaga sa katawan. Nakakapagpababa rin umano ito ng mga blood sugar at mataas na blood pressure.

Luya safe ba sa buntis

Image from Freepik

Isa pa nga sa kahanga-hangang nagagawa ng luya ay ang kakayahan nitong malunasan ang nausea at pananakit ng tiyan. Nakakatulong rin ito sa digestion at saliva flow. Kaya mula sa benepisyong nakukuha sa pagkain at pag-inom nito, isang tanong sa mga babaeng nagdadalang-tao kung ang luya safe ba sa buntis?

Ginger during pregnancy: benefits

Ang sagot sa tanong na iyan ay oo. Dahil ang pag-inom ng luya ay maraming benepisyong naibibigay sa babaeng nagdadalang-tao. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Nakakatulong itong maibsan ang nausea at pagsusuka ng buntis.

Ang morning sickness ay normal na nararanasan ng 80% ng mga babaeng nagdadalang-tao. Ito ay nararanasan sa unang trimester ng pagbubuntis na kung saan ang mga sintomas na mararamdaman ay pagduduwal at pagkahilo. Ayon sa mga pag-aaral ang pag-inom ng luya ay isang epektibong paraan upang malunasan ang mga ito.

Dahil sa ang luya ay nagtataglay ng dalawang uri ng compounds na nakakatulong sa pagsasaayos ng takbo ng digestive system. Pati na ang pagpapabilis ng stomach emptying na nakakaiwas naman sa tiyansa na makaranas ang isang buntis na nausea. Ito ay ang mga compounds na kung tawagin ay gingerols at shogaols.

Maraming pag-aaral na ang nakapagpatunay ng benepisyong ito na naibibigay ng luya sa mga buntis. Katunayan ito ang unang inirerekumenda ng mga prenatal practitioners bago ang mga antiemetic medication. Ito ay maaring sa pamamagitan ng ginger ale, ginger chews at ginger tea.

Luya safe ba sa buntis

Image from Freepik

Naiibsan rin nito ang inflammation sa katawan ng buntis.

Ang inflammation sa katawan ay normal na parte rin ng pagbubuntis. Bagamat ito ay nagbibigay ng uncomfortable feeling sa babaeng nagdadalang-tao. Ang phytochemicals na taglay ng luya ay kayang maibsan ang mga ito at nagbibigay ng kaginhawaan sa babaeng buntis.

Pinapalakas nito ang immune system ng babaeng buntis.

Mahalagang maging malakas ang katawan ng babaeng buntis. Ito ay para masigurado na magiging maayos at malusog ang development ng sanggol na nasa kaniyang sinapupunan. Sa tulong ng antimicrobial properties ng luya, ang isang buntis ay mapoprotektahan mula sa mga karamdaman tulad ng sipon, trangkaso at foodborne diseases.

Napapanatili nito ang healthy level ng blood sugar at blood pressure sa katawan ng buntis.

Ang mga buntis ay prone sa pagkakaroon ng gestational diabetes. Ngunit ito naman ay kanilang maiiwasan sa pamamagitan ng pag-inom o pagkain ng luya. Ganoon rin ang pagme-maintain ng healthy level ng kanilang blood pressure.

Makakatulong rin ang luya upang makaiwas sa constipation ang isang buntis.

Dahil sa ito ay nakakatulong sa digestion, effective way rin ang pag-inom at pagkain ng luya upang maiwasan ang constipation. Isa ito sa madalas na nararanasan ng 50% ng mga babaeng nagdadalang-tao.

Luya safe ba sa buntis

Image from Freepik

Naiibsan rin nito ang uterine cramping na dulot ng pagdadalang-tao.

Ang luya ay nakakatulong rin umanong maibsan ang sakit na dulot ng uterine cramping. Ito ay ang pananakit sa puson na madalas na nararanasan ng mga babaeng buntis sa kanilang unang trimester.

Recommended amount at possible side effect ng luya sa mga buntis

Pero ika nga ng kasabihan, lahat ng sobra ay masama. Kaya ayon sa registered dietician na si Lizzie Streit, mahalagang nasa tamang amount lang ng luya ang na-coconsume ng mga babaeng buntis.

Ipinapayong sa isang araw ay dapat malimitahan lang sa 1gram o 1,000 mg ang kanilang ginger-intake. Katumbas ito ng 4 cups o 950 ml ng ginger tea. O kaya naman ay isang kutsaritang pinitpit o grated ginger na inilubog sa tubig.

Dahil ang sobrang intake ng luya ay maaring makasama sa pagbubuntis. Ito umano ay nagpapataas ng tiyansa ng bleeding kung iinumin kapag nalalapit o naglelabour na. Kaya naman ang mga babaeng may history ng vaginal bleeding at miscarriages ay pinapayuhang iwasan ang anumang ginger products.

Ang sobrang pag-inom rin umano ng ginger tea ay maaring magdulot ng iba pang hindi kaaya-ayang pakiramdam. Tulad nalang ng heartburn, gas o hangin sa sikmura at belching o pagdidighay.

Mahalaga rin na makipag-usap muna sa doktor bago uminom o kumain ng ginger products kung umiinom ng maintenance o medications. Dahil sa ito ay maaring makaapekto sa mga gamot na iniinom para sa diabetes at high blood pressure.

Sa kabuuan ang sagot kung ang luya safe ba sa buntis ay oo. Basta’t ito ay nasa tamang amount lang.

 

Source:

Healthline, WebMD

BASAHIN:

Safe ba uminom ng Gatorade habang buntis?

Partner Stories
Oilatum’s ProtectKNOWLogy Bath Time Summit Empowered Mothers to Show Their Love Through Healthy Skin
Oilatum’s ProtectKNOWLogy Bath Time Summit Empowered Mothers to Show Their Love Through Healthy Skin
Generali Life Assurance is your new lifetime partner
Generali Life Assurance is your new lifetime partner
Eight things to do when caring for a COVID-positive family member at home
Eight things to do when caring for a COVID-positive family member at home
Boost your child’s day with a morning dose of yummy whole grains from his favourite cereals
Boost your child’s day with a morning dose of yummy whole grains from his favourite cereals

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Safe ba ang luya sa buntis?
Share:
  • Bakit tinatawag na superfood ang luya? 11 benepisyo nito sa kalusugan

    Bakit tinatawag na superfood ang luya? 11 benepisyo nito sa kalusugan

  • Safe ba sa buntis ang pagkain ng tokwa?

    Safe ba sa buntis ang pagkain ng tokwa?

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Bakit tinatawag na superfood ang luya? 11 benepisyo nito sa kalusugan

    Bakit tinatawag na superfood ang luya? 11 benepisyo nito sa kalusugan

  • Safe ba sa buntis ang pagkain ng tokwa?

    Safe ba sa buntis ang pagkain ng tokwa?

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.