Karaniwang pahirap sa mga kababaihan ang pananakit ng puson. Kung minsan pa nga bukod sa masakit ang puson ay kasabay nito ang pakiramdam na parang natatae. Bakit nga ba ito nangyayari?
Maraming iba’t ibang rason kung bakit nakararanas ng masakit ang puson at parang natatae ang mga babae. Maaaring dahil sa buwanang daloy o kaya naman ay mas seryosong kalagayan.
Bakit sumasakit ang puson at parang natatae?
Ang pananakit ng puson ay tinatawag ding pelvic pain o lower abdominal pain in English. Ito ay ang pakiramdam ng pananakit sa ilalim ng belly button at ibabaw ng legs. Maraming maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari sa mga babae.
Unang-una na syempre ang buwanang struggle ng mga babae, ang pagkakaroon ng regla. Madalas na nararamdaman ito sa ibabang bahagi ng puson. Karaniwang tumatagal ng isa hanggang tatlong araw ang masakit na puson na tinatawag ding dysmenorrhea.
Sumasakit ang puson dahil sa build up ng lining ng tissue sa uterus tuwing nireregla ang babae. Normal ding may kasamang pakiramdan na parang natatae ang masakit na puson tuwing nireregla.
Ito ay dahil sa hormone-like substance na pino-produce ng katawan – ang prostaglandins. Dumadaloy rin sa dugo ang prostaglandins kapag marami nang na-produce ang katawan at nakakaapekto rin ito sa ibang muscles sa katawan tulad ng bituka. Kasabay nito ay maaari ring makaramdam ang babae ng pagsakit ng balakang, likod, at puwet.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Andrea Piacquadio
Irritable bowel syndrome
Nagdudulot ang irritable bowel syndrome (IBS) ng masakit na puson at tiyan na may kasamang pakiramdam na parang natatae. Ilan pa sa mga sintomas nito ay ang constipation, diarrhea, at bloating o kabag.
Kadalasang nawawala din naman ang pananakit matapos dumumi. Tinatawag din itong spastic colon. Mahalagang magpakonsulta sa iyong doktor kapag nakakaramdam ng masakit na puson na may kasamang iba pang sintomas ng IBS.
Nagkakaroon ng kidney stone o urinary stones ang isang tao kapag nagkaroon ng build up ng salt and minerals sa kaniyang urinary tract o sa daanan ng ihi.
Nagdudulot ito ng masakit na puson at parang natatae. Dagdag pa rito, maaari ring makaramdam ng pananakit ng pelvis at lower back ang taong may kidney stones.
Bukod sa mga nabanggit na sintomas, makikitaan din ng pagbabago sa kulay ng ihi ang taong may kidney stones. Karaniwang pink o mamula-mula na may dugo ang ihi ng may kidney stones.
Nangyayari ito kapag na-implant ang embryo sa labas ng uterus at doon ito lumaki. Ang pagbubuntis sa labas ng matris ay maaari ring magdulot ng masakit na puson na parang natatae.
Karaniwang sa fallopian tubes nabubuo ang embryo sa kaso ng ectopic pregnancy. Ilan pa sa mga sintomas nito ay ang matinding pananakit ng puson, pagdurugo sa ari, pagkahilo, at pagsusuka. Life-threatening emergency ang ectopic pregnancy at nangangailangan ito ng agarang pagkonsulta sa doktor.
Karaniwang sintomas ng sakit na ito ang masakit na puson at parang natatae. Ang endometriosis ay tumutukoy sa pagtubo ng tissue sa labas ng uterus.
Ang tissue na ito ay tulad ng tissue na nagla-line sa loob ng uterus ay nagbre-breakdown o shed tuwing nireregla ang babae. Dahil sa labas ng uterus o matres tumubo ang tissue, hindi makakalabas sa katawan ng babae ang na-breakdown na tissue.
Dahilan para makaranas ng matinding pananakit ng puson ang babae. Karaniwan mang hindi ito banta sa buhay ng babae, pero maaari itong maging dahilan para mahirapang magbuntis ang babae.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Sora Shimazaki
Matatagpuan ang appendix sa lower-right abdomen. Ang impeksyon sa appendix na tinatawag na appendicitis ay maaaring magdulot ng masakit na puson na parang natatae.
Kung nakakaranas ng matinding pananakit ng puson na may kasamang pagsusuka at lagnat, agad na kumonsulta sa doktor. Maaaring sintomas ang mga ito ng appendicitis.
Ito ay infection na nagdudulot ng pagka-damage ng surrounding tissue ng matris. Nangyayari ito kapag ang bacteria mula sa ari ng babae o cervix ay nakapasok na sa matris.
Karaniwang komplikasyon ito ng sexually transmitted infections tulad ng chlamydia o gonorrhea. Bukod sa masakit na puson at parang natatae, maaari ring makaranas ng iba pang sintomas ang babae na apektado ng sakit na ito.
Ilan sa mga sintomas nito ay pagdurugo sa ari at abnormal vaginal discharge. Ang pagkakaroon ng ganitong sakit ay maaaring maging dahilan ng infertility sa babae.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
Mahalaga ang pagpunta sa iyong doktor at pagpapakonsulta kung may suspetsa ka na infection ang dahilan kung bakit sumasakit ang iyong puson. Bukod pa rito, importante rin na ipaalam sa iyong doktor ang kalagayan kung makaranas ng iba pang sintomas tulad ng:
- matinding sakit
- pagdurugo ng ari
- hindi normal na vaginal discharge
- pagsusuka
- lagnat
- pagkahilo
Normal na makaranas ng pananakit ng puson at parang natatae tuwing may buwanang dalaw ang babae. Subalit kung mararamdaman ang sintomas na ito nang wala namang regla mas makabubuting magpatingin sa inyong doktor. Ang paggamot ay depende sa diagnosis kung ano ang dahilan ng nararamdaman.
BASAHIN:
12 sanhi ng masakit na puson kahit wala namang regla
13 natural home remedies para sa pagtatae
Masakit na tagiliran? 14 na posibleng dahilan at gamot para rito
Gamot at remedy sa masakit na puson at parang natatae
Ang paggamot sa masakit na puson ay nakadepende sa kung ano ang dahilan kung bakit ito sumasakit. Kung nalaman niyo naman ng inyong doktor na hindi seryosong medical condition ang dahilan kung bakit sumasakit ang iyong puson, maaari mong subukan ang mga home remedy na ito para maibsan ang sakit.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Sora Shimazaki
Mayroong natural anti-inflammatory substance ang luya na nakatutulong para maibsan ang pananakit ng tiyan at puson. Maaaring ngumuya ng bunga ng luya o uminom ng ginger tea kapag masakit ang puson. Mayroon din namang candy at capsules na gawa sa luya.
Ihalo ang isang kutsarang apple cider vinegar sa isang tasa ng tubig at lagyan ito ng isang kutsaritang honey. Makakatulong ang acids nito para mabawasan ang starch digestion at maibsan ang pananakit ng tiyan at puson.
Chamomile Tea
Anti-inflammatory din ang chamomile at natutulungan nitong ma-relax ang muscles sa tiyan at puson upang mabawasan ang sakit dulot ng cramps at spasms. Magandang uminom ng tsaa na ito bago matulog.
Water
Uminom nang maraming tubig. Mahalagang maiwasan ang dehydration para maging maayos ang digestion process at maiwasan ang pagsakit ng puson na parang natatae.
Nagdudulot ng bloating ang dehydration dahil sa electrolyte imbalances at maaari itong humantong sa problema sa digestion at constipation.
Heat pad
Maaaring gumamit ng heating pad o warm towel at idampi o ipatong ito sa iyong puson. Makakatulong ito para ma-relax ang muscles sa puson at maibsan ang pananakit. Helpful din ang pagligo sa hot shower o paglalagay ng Epsom salts sa bath water.
Larawan mula sa Pexels kuha ng Cotton Bro
BRAT diet
Kapag tuloy-tuloy ang pananakit ng tiyan at puson, makabubuting kumain ng BRAT diet. Bananas, rice, applesauce, at toast. Mababa lang ang fiber content ng mga pagkain na ito, walang asin at iba pang spices na maaaring magdulot ng lalong pagsakit ng tiyan. Makakatulong ito para maiwasan ang diarrhea at nausea.
Exercise
Maglakad-lakad, mag-cylcing, o mag-yoga. Makakatulong ang magagaang ehersisyo para mabawasan ang pananakit ng puson at tiyan.
Samantala, mahirap mang maiwasan ang pananakit ng puson, mayroong mga paraan para mabawasan ang risk ng pagkakaroon nito.
Subalit tandaan na hindi lahat ng pananakit ng puson ay preventable. Mahalaga pa rin na kumonsulta sa iyong doktor kung sa palagay mo ay hindi normal ang nararanasang sakit.
Ilan sa mga maaaring gawin para maiwasan ang pelvic pain o abdominal pain:
- regular na mag-ehersisyo
- uminom ng maraming tubig
- kumain ng masusustansiyang pagkain
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!