Isa ang paninigas ng tiyan bilang sintomas ng buntis ng 35 weeks. Marami ring mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.
Talaan ng Nilalaman
35 weeks na buntis at paninigas ng tiyan
Nasa 3rd trimester ka na, at 35 weeks ka na ng iyong pagiging buntis. Sa panahong ito, kailangan na ring magdahan-dahan sa mga sinasabi. Posibleng naririnig na ni baby ang iyong boses.
Sa ganitong pagiging 35 weeks din na buntis, may mga pangamba ka na baka dumating na agad si baby. Nariyan ang nararamdamang paninigas ng tiyan ng buntis at pananakit ng puson sa 35 weeks na aakalain mong labor contractions na.
Sa pagiging 35 weeks na buntis din tila nawawala ang mga sintomas ng mga naunang trimester ng buntis. Mas nabibigyan na ng space ang iyong baga dahil sa pagbaba ng baby o tinatawag na drop down. Nababawasan din ang pressure sa iyong stomach, kaya ang sintomas ng heartburn ng buntis ay maaari ring mabawasan o mawala.
Sa mga pagbabagong ito ay makakaramdam ka ng contractions, ngunit hindi pa rin ito nangangahulugang manganganak ka na agad. Kailangan mo pa ring maghintay ng ilan pang mga linggo para makumpleto ang gestational months.
Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-35 na linggo?
Fully developed na ang kidneys at liver ng iyong baby. May mga iba pang developments sa kaniyang katawan na nagdudulot ng sintomas ng buntis ng 35 weeks.
Gaya sa ika 34 weeks ng buntis, maaaring naririnig at nakikinig ang iyong baby sa iyong mga sinasabi at boses. Hinay-hinay lang mga moms sa mga sinasabi.
Mga developments ni baby sa kaniyang ika-35 na linggo
Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:
- Patuloy na mas bumibigat ang iyong baby at patuloy na bumubuo ng taba sa kaniyang katawan.
- Mas madalas na rin siyang sumipa ngayon.
- Fully developed n arin ang kaniyang kidneys at liver kaya nagsisimula ng mag-proseso ng body waste ang kaniyang katawan.
- Mas bumibilis na ring mag-develop ang kaniyang brainpower.
Sintomas ng 35 weeks na buntis
Ang isa sa pinakamalaking pagbabago na maaari mong maranasan sa pagiging 35 weeks na buntis ay reduction ng pressure sa iyong dibdib at baga. Lumalapit na si baby sa bandang pelvic area. Dahil rito, mas nagkakaroon na ng space ang iyong baga.
Ngunit, ang sintomas naman ng 54 weeks na buntis sa pagbaba ng baby ay paninigas ng tiyan. Maliban pa rito, narito ang mga sintomas ng 35 weeks na buntis na kailangan mong malaman.
- Lower back pain na may sciatica
- Namamaga ang mga daliri sa kamay, bukong-bukong, at mukha
- Ang iyong lumalaking uterus ay umaabot na sa iyong rib cage.
- Makakaranas ka pa rin ng heartburn at iba pang gastrointestinal problems ng madalas.
- Madalas pa rin ang iyong pag-ihi.
- Makakaranas din ng tila pagtagas ng iyong ihi sa tuwing uubo, babahing o tatawa.
- Makakaranas rin ng pasumpong-sumpong na sakit ng ulo.
- Asahan din ang pagkakaroon ng skin rashes.
- Mapapansin din ang pagdurugo sa iyong gilagid.
- Patuloy pa rin na makakaramdam ng pagka-clumsy.
- Makakaramdam ka rin ng mild contractions na kung tawagin ay Braxton Hicks contractions—bilang paghahanda ng iyong katawan sa paglelabor kapag ikaw ay manganganak na. Dagdag pa, ito rin kaugnay ng paninigas ng tiyan ng 35 weeks na buntis.
- Nariyan din ang nararamdamang pananakit ng puson ng 35 weeks na buntis.
Pananakit ng puson ng buntis 35 weeks
Ang nararamdamang pananakit ng puson ng buntis ng 35 weeks ay normal para sa panahong ito. Ito ay tinatawag na Braxton Hicks contraction. Kadalasan, ito ay painless o hindi makakaramdam ng sakit ang buntis.
Dagdag pa, napagkakamalan itong madalas na labor contraction, kaya aakalain ng isang buntis na siya ay manganganak na. Normal lang maramdaman ang pananakit ng puson ng 35 weeks na buntis dahil naghahanda na ang iyong katawan sa nalalapit na panganganak.
Kung hindi nawawaglit ang pananakit ng iyong puson sa loob ng isang oras at may matinding pagdurugo at pananakit ng lower back, tumawag agad ng emergency para madala ka sa ospital. Maaari kasing ito ay sintomas na ng preterm o premature labor.
Paninigas ng tiyan ng buntis 35 weeks
Katulad ng Braxton Hicks contraction, kasabay din ng pananakit ng puson ng buntis ng 35 weeks ang paninigas ng tiyan ng buntis. Normal din itong nararanasan dahil naghahanda na ang iyong katawan sa nalalapit na labor at panganganak.
Ngunit, tulad ng pananakit ng puson, ang paninigas ng tiyan ng buntis ng 35 weeks ay mabilis lamang dapat maranasan sa bawat pagkakataon.
Kung ito ay nararanasan pa rin ng higit na sa isang oras at sinasabayan ng vaginal bleeding at lower back pain, pumunta na agad sa inyong health care provider. Posible na ito ay sintomas na rin ng preterm at premature labor.
Pag-aalaga sa iyong sarili para maiwasan ang paninigas ng tiyan ng buntis 35 weeks
- Ito ang tamang panahon para sa vaginal at rectal culture para matingan kung may palatandaan ng pamumuo ng bacteria.
- Magpraktis ng Kegel exercises para ma-strengthen ang iyong pelvic muscles para sa panganganak.
- Tandaan na dapat mong panatilihing hydrated ang iyong katawan sa araw.
- Ipagpatuloy ang pagkain ng masusustansiyang pagkain.
- Habang napapalapit ang iyong panganganak ay makakaramdam ng kaba. Kaya i-relax ang iyong isip sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na gusto mo at nagpapasaya sayo.
Ang iyong checklist
- Simulan ng labhan, itupi at ayusin ang mga damit ni baby para maaliw.
- Gawin na ang iyong birth plan (download it here) o planuhin na kung sino ang una mong tatawagan at pupuntahan kapag nagsimula ka ng mag-labour.
- Sumali sa Baby Bonus Scheme.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!