X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Buntis Guide: Lahat ng kailangan mong malaman sa First Trimester ng pagbubuntis

7 min read
Buntis Guide: Lahat ng kailangan mong malaman sa First Trimester ng pagbubuntisBuntis Guide: Lahat ng kailangan mong malaman sa First Trimester ng pagbubuntis

Narito ang isang buntis guide para sa mga kailangan mong malaman para sa First Trimester ng iyong pagbubuntis. Para masigurong healthy ka at si baby.

Marahil maraming concerns ang mga pregnant moms lalo na ang mga first time moms sa kanilang first trimester ng pagbubuntis.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Mga sintomas at pagbabago ng first trimester ng pagbubuntis
  • Development at growth ng baby
  • Other health at pregnancy concerns
  • Mga dapat gawin sa first trimester ng pagbubuntis

Ang pagbubuntis ay mayroong kabuuang tatlong trimester. Ang First Trimester ay ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis. 

Ano-ano nga ba ang madalas na sintomas na nararanasan sa pagbubuntis sa First Trimester?

  • Morning Sickness 

Ang morning sickness ay isang normal na senyales at kadalasang nangyayari sa first trimester ng pagbubuntis. Ngunit hindi lahat ng pregnant moms ay nakakaranas nito. 

Ayon kay  Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gyne ng Makati Medical Center, lahat ng kababaihan ay may iba’t ibang reaksyon dahil sa hormones ng pregnancy. 

Ang iba ay makakaranas ng pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng ulo, at fatigue. Lahat ng sintomas na ito ay normal sa isang buntis.

first trimester ng pagbubuntis

Larawan mula sa Woman photo created by Racool_studio – www.freepik.com

  • Food Cravings

Ang madalas na pagpapalit ng hormones ng kababaihan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng food cravings ang mga pregnant mom. Ayon kay Dr. Lapitan,

“They said almost 50 % of women have this. This is very normal, they also have distaste (in food)”.

Ayon kay Dr. Lapitan, kapag nakaranas ang isang mommy ng ganitong mga sintomas, agad ng pumunta sa doctor.

  • Heartburn

Ang heartburn ay isang sintomas na nararanasan ng isang buntis. Ito ay ang burning feeling sa dibdib at throat kung saan ang laman ng tiyan ay bumabalik sa esophagus. Ang heartburn ay madalas nangyayari sa first trimester ng pagbubuntis.

Ano ang pagkakaiba ng Morning Sickness at Heartburn?

“Morning sickness is associated with dizziness, Iyong heartburn naman, sometimes there’s pain in the upper abdomen, even if there is no vomiting they are experiencing that,”saad ni Dr. Lapitan.

first trimester ng pagbubuntis

Larawan mula sa File Photos ng theAsianparent Philippines

  • Tender and Swollen Breasts

Mula sa mga unang linggo ng pagbubuntis, makakaranas ang kababaihan ng pananakit sa kanilang dibdib. Ito ay madalas mabigat sa pakiramdam.

Sa pag-progress ng first trimester, mapapansin ng ating mga mommies ang fullness at heaviness ng kanilang dibdib kaysa sa pananakit. 

Bakit ito nangyayari?

Ang hormones ng isang buntis ay ang nagpe-prepare para sa kanilang breastfeeding. Ang blood flow sa area ay tumataas, senyales ng pagkakaroon ng larger breasts. 

Ano nga ba ang development ng baby sa first trimester ng pagbubuntis?

Sa unang 3 weeks, dito nagaganap ang tinatawag na fertilization ng baby. Ang fertilization ang pagsasama ng sex cells ng babae at lalaki kung saan made-develop ito maging isang ganap na baby. 

Mula week 7 hanggang week 12, mapapansin na ang pag-develop ng ulo at mukha ni baby. Dito na rin unti unting lumalabas ang mga paa at kamay nito. Ganap na rin na matatawag na fetus ang baby sa loob ng tyan ng isang pregnant mom.

BASAHIN:

14 na common health complaints sa first trimester ng pagbubuntis

3 prutas na dapat iwasan sa first trimester ng pagbubuntis

Ultrasound exposure during first trimester can heighten the severity of autism

Iba pang concerns ng mga mommy sa First Trimester

Bukod sa mga sintomas at pagbabago, marami pang katanungan at concerns ang ating mga pregnant moms tungkol sa kanilang first trimester ng pagbubuntis.

  • Importante ba sa buntis ang pag-intake ng folic acid?

first trimester ng pagbubuntis

Larawan mula sa iStock

Isinaad ni Dr. Lapitan na importante ang folic acid sa mga buntis. Ang pag take ng folic acid ay nakakatulong sa pag prevent ng neural tube irregularities sa fetus. 

Ang calcium ba ay beneficial para sa mga buntis? Paliwanag ni Dr. Lapitan, 

“Just like the iron. I usually give calcium in the second semester, it is for the development of the bones. Fetal bones.

It is also essential. However, vitamins also contain calcium and iron. If you want to increase you need to add another supplementation.”

Ang calcium ay tumutulong sa pag-maintain at pag-build ng strong bones. Ayon sa mga eksperto, ang calcium ay tumutulong sa muscles, heart, at nerves upang mag-function ito ng maayos.

  • Okay lang bang uminom ng gatas kaysa sa iron?

Karamihan sa mga kababaihan ay hindi umiinom ng prenatal milk. Mas gusto nila calcium kaysa dito. Kung gugustuhin ng buntis na uminom ng prenatal milk, okay lang ito ayon kay Dr. Lapitan.

  • Skin problems ng pregnant moms

May mga pregnant moms ang dumadaan sa procedure upang maiwasan ang skin problems ngunit payo ni Dr. Lapitan na huwag munang gawin ito sa first trimester ng pagbubuntis.

first trimester ng pagbubuntis

Larawan mula sa iStock

Narito ang mga common skin problems na nararanasan sa pagbubuntis:

  1. Acne – Dahil sa hormones ng katawan, nagdudulot ito ng oil glands na mag-secrete ng oils dahilan ng pagkakaroon ng breakouts.
  2. Stretch marks – Karamihan sa mga buntis ay nagkakaroon ng stretch marks. Ito ay isang kondisyon sa balat na nakukuha dahil sa weight gain. Ngunit minsan ito ay nakukuha dahil sa genetics.
  3. Linea Negra – Ito ay kundisyon kung saan nagbabago ang kulay ng balat ng mga buntis. Ito ay sanhi ng pregnancy hormones at ‘wag mag-alala dahil ito ay mawawala din after pregnancy.
  • Suka ng suka kahit pagkatapos pa lang kumain

Tanong ng mga moms “Yong kakakain mo lang, pero sinuka mo agad, is that considered hyperemesis gravidarum?” Ayon kay Dr. Lapitan hindi agad ibig sabihin nito ay mag hyperemesis gravidarum. Dagdag pa niya,

“Not necessarily, meron ng signs of dehydration. Dry ‘yong lips, sobrang hinag hina ka na. You really need to be admitted to prevent further dehydration. It will also replenish the electrolytes that are lost during your vomiting.”

  • Tila laging pagod at walang energy

Ito ay isang normal na pangyayari sa katawan ng isang buntis. Ibig sabihin nito ay binibigyan ng signal ng katawan ang isang buntis upang makapag adjust sa mga pagbabago. 

Payo ni Dr. Lapitan na gumalaw, gumawa ng iba’t ibang activities at maglakad lakad, para hindi mabilis mapagod.

Mga dapat gawin sa First trimester ng pagbubuntis.

Mahalagang malamang ng ating mga mommies ang kailangan gawin para sa healthy na pagbubuntis at development ni baby. Narito ang mga dapat mong gawin sa First trimester ng iyong pagbubuntis.

  • Sundin ang tamang proseso ng check up at tests. Sa first trimester madalas ginagawa ang Fetal Ultrasound at Maternal blood testing. Ang fetal ultrasound ay isang imaging technique na ginagamit ang sound waves upang madetect at makita ang fetus sa uterus. Samantalang ang maternal blood testing ay ginagawa upang malaman ang kondisyon ng growing fetus.Ang mga tests o screening na ito ay ginagawa upang maiwasan ang birth defects patungo sa healthy pregnancy.
  • Kumain ng mga healthy food. Hindi kinakailangan magkaroon ng striktong diet. Ang mahalaga ay ang tamang pagkain upang makakuha ng sapat na sustansya para kay mommy at baby.
  • Regular check up sa doctor upang mamonitor ang health ni mommy at baby. Ang first trimester rin ng pagbubuntis ay isa sa mga madalas na nagkakaroon ng miscarriage kaya ugaliin na magpatingin sa doctor.
  • Laging uminom ng prenatal vitamins. Ang prenatal vitamins ay nakakatulong sa healthy development ng baby.
  • Mag-prepare ng exercise routine na tama para sa mga buntis. Ayon sa mga eksperto ang pag eexercise ay nakakabawas ng pagsakit ng likod, bloating, at swelling.
  • Drink plenty of water. Hindi na lamang si mommy ang umiinom, kundi na rin ang baby.  Ang pag inom ng maraming tubig ay makakatulong upang maiwasan ang dehydration at UTI.

Ang pag-intindi at pag aalaga ng katawan habang buntis ay makakatulong sa mga desisyon at pagiging handa ng isang mommy sa kanilang magiging anak.

Source:

Mayo Clinic, Healthline, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

sofiajoco

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Buntis Guide: Lahat ng kailangan mong malaman sa First Trimester ng pagbubuntis
Share:
  • Do you have insomnia during pregnancy? Narito ang 10 tips para masolusyunan ito

    Do you have insomnia during pregnancy? Narito ang 10 tips para masolusyunan ito

  • REAL STORIES: "Pinagalitan ako ng doktor dahil gumala ako sa mall kahit labor ko na pala!"

    REAL STORIES: "Pinagalitan ako ng doktor dahil gumala ako sa mall kahit labor ko na pala!"

  • Mga sabon na pwede sa buntis at iba pang ligtas na skincare ingredients

    Mga sabon na pwede sa buntis at iba pang ligtas na skincare ingredients

app info
get app banner
  • Do you have insomnia during pregnancy? Narito ang 10 tips para masolusyunan ito

    Do you have insomnia during pregnancy? Narito ang 10 tips para masolusyunan ito

  • REAL STORIES: "Pinagalitan ako ng doktor dahil gumala ako sa mall kahit labor ko na pala!"

    REAL STORIES: "Pinagalitan ako ng doktor dahil gumala ako sa mall kahit labor ko na pala!"

  • Mga sabon na pwede sa buntis at iba pang ligtas na skincare ingredients

    Mga sabon na pwede sa buntis at iba pang ligtas na skincare ingredients

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.