Sa 2nd trimester ng pagbubuntis magsisimulang mag-develop ang reflexes ni baby. Kaya naman mahalaga rin malaman kung paano pangangalagaan ang sarili.
Sa katatapos na lang na first trimester, ano naman kaya ang darating na pagbabago sa 2nd trimester ng pagbubuntis. Narito sa artikulong ito ang mga kailangan mong malaman.
Ang 2nd trimester ay ang ikaapat hanggang ika-anim na buwan ng pagbubuntis.
Talaan ng Nilalaman
Ano-ano nga ba ang mga sintomas at pagbabago na mararamdam sa 2nd trimester ng pagbubuntis?
-
Growing Belly and breasts
Ang pag-expand ng uterus upang maglagay ng room o space para kay baby ang dahilan ng paglaki ng tiyan ng mga buntis.
Dahil sa lower blood pressure, maaaring makaranas ang mga pregnant mom ng pagkahilo. Ito rin ay dahil sa pressure mula sa lumalaking uterus na nagpe-press sa blood vessels ng buntis.
Kailangan kumain ng tama at iwasan ang paghiga ng flat sa likod. Kapag nakaramdam ng pagkahilo, unti-unting umupo o tumayo mula sa inyong posisiyon.
-
Pagmamaga ng legs, mukha, at kamay
Madalas maranasan ang pamamaga ng paa, kamay, at mukha pagdating sa second trimester ng pagbubuntis. Ang pamamaga ay sanhi ng pagdadala ng mas maraming tubig o fluid sa katawan kapag buntis.
-
Congestion/Nasal Problems
Ang congestion o nasal problems ay isa sa mga sintomas na madalas lumalabas sa 2nd ng pagbubuntis. Ito ay ang pamamaga ng mucous membrane sa ilong na nagsasanhi ng rhinitis or pagbabara ng ilong sa mga buntis.
Ang posibleng dahilan ng madalas na pagkakaramdam ng leg cramps sa 2nd trimester ay ang dagdag na bigat ng katawan. Ito rin ang pagbabago sa blood circulation patungo sa legs dahil sa patuloy na gain weight.
Ang pagiging active at pagkakaroon ng physical activity ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa leg cramps.
-
Skin Pigmentation and Problems
Maaaring makaranas ng pagbabago sa kulay ng balat sa bandang mukha o abdomen dahil sa pregnancy hormones. Isa rin sa problema sa balat ang pagkakaroon ng linea negra at scratch marks sa pagbubuntis.
Ayon kay Dr. Elizabeth Ifurung Gonzales, isang OB-GYN sa Makati Medical Center.
“Halos lahat ng pregnancy, mayroong linea negra. Dahil sa hormones. Brownish to blackish. ‘Pag obese ‘yan mas darker. ‘Pag fair akala ni black pero brown ‘yon. After pregnancy mawawala naman ‘yon.”
Dagdag din niya tungkol sa scratch marks,
“Ang, unang una genetics. Pero ‘yong isa ‘yong hindi sanay ‘yong tiyan mo sa elascity fiber. Pero hindi ibig sabihin, katulad ng pamahiin na kaya nagkakaroon ng stretch marks ay kinakamot ng mommy”.
Ano nga ba ang development ng baby sa 2nd trimester ng pagbubuntis?
Mapapansin na ang fetus ay nakakagalaw side by side at nakakasipa na. Nade-develop na rin ng reflexes ang baby tulad ng swallowing at sucking. Ang mga daliri rin ng baby ay nagsisimula nang maghiwa-hiwalay.
Ayon kay Dr. Gonzales, ang baby kapag nasa tiyan na, gumagalaw na.
“Kaya lang ‘yong maramdaman ng mommy ang tawag doon ay quickening. Hindi lahat ng mommies sanay kasi doon.”
Paliwanag rin ni Dr. Gonzales na,
“Usually. Ang mga first time moms hindi nila alam ‘yong movements. So ‘yong pintig lang ‘yong initial nilang mararamdaman. Pero as the pregnancy, progresses magiging mas obvious na ang movements ni baby.”
Isa rin sa mga concerns ng mga mommy ang hindi paggalaw ng baby sa 2nd trimester, normal nga ba ‘yon? Ayon kay Dr. Gonzales,
“Madalas kasi ang baby ay tulog. Pero minsan, gising naman siya. Pero ‘yong nararamdaman ng mommy I always advised my patients na kailanagan magalaw ‘yong baby.
May routine kasi ang baby. You don’t expect na palagi siya gumagalaw, kasi natutulog din naman ang baby.”
Payo rin niya na kapag madalas hindi paggalaw ng baby maaaring may nangyari na at kailangan nang ipatingin sa doktor para maiwasan pa ang malalang kumplikasyon.
Sa second trimester ng pagbubuntis ang placenta rin ay fully developed na. Dito na rin nagsisimula magbukas ang mga eyelids ng baby at visible na pilikmata. Ang buhok nito ay nagsisimula na ring tumubo sa kaniyang ulo.
Maaari na rin makarinig ang baby sa 2nd trimester ng pagbubuntis dahil ang tainga at mga mata nito ay nagsisimula ng ma-develop.
Iba pang concerns ng pregnant moms
Bukod sa mga sintomas at pagbabago, marami pang katanungan at concerns ang ating mga pregnant moms tungkol sa kanilang second trimester ng pagbubuntis.
- May body aches sa ribs, likod, at balakang, bakit nagkakaroon ng ganung klaseng aches?
“Unang-una, pag nabuntis ka mag-iiiba ‘yong posture mo. Malaki ang tiyan mo, lumalaki ‘yung boobs mo. So ‘yong pressure na dinudulot nung bigat ay nakakacause ng aches.”Ayon rin kay Dr. Gonzales ay pwede namang imassage ang parteng masakit sa katawan ‘wag lamang ang tiyan.
- Ano ang pwedeng gawin kapag nangangati ang tiyan ang buntis?
Maaaring maglagay ng cream kapag may mga rashes ang buntis. Ngunit kapag mas madalas ito at hindi na normal, kailangan na agad itong ipa-check up sa doktor.
-
May tamang laki ba ang tiyan o mayroon bang right size sa baby bump?
Mayroon tamang laki ang tiyan kaya dapat consistent ang check up sa doktor.
“Sinusukat ng doktor ang tiyan ng mommy. Pero meron naman may mga overweight, before pregnancy pa. Kaya tingin nila makai tiyan nila. May iba naman, balingkinitan kaya hindi obvious tiyan. Sinusukat kasi ‘yan”, dagdag ni Dr. Gonzales
Mahalaga ito sapagkat dito ina-asses kung mayroon bang physical abnormalities sa paglaki ni baby sa loob ng sinapupunan ni mommy. Pahayag ni Dr. Gonzales,
“Routine kasi ‘yan. Pero depende pa rin sa patient. Ayan kasi na bibigyan ka ng peace of mind.”
Mga dapat gawin sa 2nd trimester ng pagbubuntis
Mahalagang malaman ng ating mga mommies ang kailangan gawin para sa healthy na pagbubuntis at development ni baby. Kaya naman narito ang guide para sa ‘yo.
-
Sundin ang tamang proseso ng check up at tests.
Sa first trimester madalas ginagawa ang prenatal tests, fetal heart rate, ultrasound, at physical assessment sa pregnant mommy. Madalas gawin ang mga tests na ito sa second trimester ng pagbubuntis upang makita ang kalagayan ng baby.
Ang prenatal tests ang nagsisilbing check-up upang malaman kung may chromosomal disorder, genetic problems, at neural tube defects ang baby. Kaya naman mahalaga ang pagpapa-check up sa doktor.
Dahil sa patuloy na paglaki ni baby, mas kakailanganin nito ang sapat na nutrisyon. Mahalaga ang pagkain na mayroong fiber, calcium, at vitamin c dahil maganda ito para sa baby.
-
Physical activities o pag-e-exercise ngunit hindi strenuous.
Ang simpleng paglalakad at hindi pag-stay sa iisang posisyon ay nakakatulong upang mabawasan ang mga sakit sa katawan ng pregnant mommy.
-
Laging uminom ng vitamins para sa healthy na pagbubuntis.
-
Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration at pagkakaroon ng UTI.
-
Agad pumunta sa doktor kapag may nararamdamang kakaiba sa mga nasabing madalas na sintomas.
Mahalagang pansinin agad ang pagbabago upang maiwasan ang problema sa baby. Importanteng maging handa at pangalagaan ang katawan para sa maayos na panganganak ni mommy kay baby.
Ang pakiramdam ng paninigas ng tiyan ng buntis lalo na sa 2nd trimester ay normal na kaganapan. Sa pagkakataong ito, ang mga dahilan ng paninigas ng tiyan ng buntis ay nakadepende kung nasa 1st, 2nd, o 3rd trimester na.
Isa sa mga karaniwang sanhi ng paninigas ng tiyan ng buntis sa 2nd trimester ay mild na pag-stretch ng muscle sa tiyan. Nangyayari ito sa simula ng 1st trimester habang nagsisimulang lumaki ang tiyan.
Minsan, maaaring dahilan din ng paninigas ng tiyan ang labor-related na contraction o nalalapit na ang labor. O sa ibang pagkakataon, ay miscarriage.
Kung makakaramdam man ng abnormal na paninigas ng tiyan, sumangguni agad sa iyong ob-gyn. Tutulungan ka niyang alamin ang dahilan ng paninigas ng iyong tiyan.
Dahilan ng pananakit ng tiyan ng buntis sa 2nd trimester
Narito ang ilang dahilan ng pananakit ng tiyan ng buntis sa 2nd trimester:
- Pamamaga ng round ligament
- Contraction na Braxton Hicks
Pananakit ng puson ng buntis sa 2nd trimester
Sa mga 2nd trimester na buntis, makakaranas rin sila ng pananakit ng puson. Nangyayari ang pananakit ng puson ng buntis sa kanilang 2nd trimester dahil nag-eexpand ang iyong uterus. Kapag nangyari ang pag-expand na ito, nagdudulot ito ng pressure sa mga katabing muscle at ligaments.
Sa iyong 2nd trimester ng buntis, ang round ligament muscle at puson ay may pananakit kapag na-istrectch. Samantala, ang minor cramps o pananakit ng puson ay normal lamang. At, maaaring bunga ito ng constipation, gas, o kahit sekswal na aktibidad.
Para maagapan ang pananakit ng puson ng buntis sa 2nd trimester, subukan ang warm bath, exercise na pang-relax, o hot compress at ilagay sa bandang puson.
Pitik sa tiyan ng buntis sa 2nd trimester
Ayon sa isang artikulo ng theAsianparent Philippines, ang pitik sa tiyan ay karaniwang dulot ng abdominal aorta o ang pinakamalaking ugat sa iyong tiyan. Kadalasan, napagkakamalan ang pitik sa tiyan ng buntis sa 2nd trimester na dulot ng fetus sa tiyan.
Isa pang dahilan, mas malakas rin ang pitik o pintig ng pulso ng mga buntis lalo na sa 2nd trimester na buntis. Ito ay dahil sa maraming dugo ang pina-pump ng puso.
Pagtatae ng buntis sa 2nd trimester
Hindi na iba para sa mga buntis sa 2nd trimester ang pagtatae at constipation. Maaari nating sisihin ang ating nagbabagong hormones, pagpapalit ng ating diet, at siyempre, ang stress.
Bagama’t hindi malaking isyu ang diarrhea o pagtatae ng buntis sa 2nd trimester, maaari naman itong maging sanhi ng pregnancy complications lalo na kung malala ang mga sintomas.
Kaya, mainam palagi na agapan agad ito sa pamamagitan ng pagpapa-check up sa iyong doktor para malaman ang sanhi ng malalang pagtatae. Reresetahan ka ng mga gamot at home remedies na applicable at safe para sa isang nagbubuntis.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianParent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinaghahawakang responsibilidad ang theAsianParent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!