#AskDok: Paano malalaman kung false labor lang o manganganak na base sa paghilab ng tiyan?

Contraction o paghilab ng tiyan ng buntis, dapat nga bang pangambahan? Alamin ang sagot nina dok tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal na sa na nararanasan ng mga expectant mom ang paghilab ng tiyan ng buntis. Ngunit kailan ba dapat mabahala? Ano ba ang ibig sabihin ng mga sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis? Kailan ito normal at hindi normal? Alamin ang lahat ng iyan sa article na ito!

Paghilab ng tiyan ng buntis meaning

Baby photo created by frimufilms – www.freepik.com 

Sa mga mommy na nagdadalang-tao, isa sa mga kadalasang ikinababahala ay ang pananakit ng tiyan. Sapagkat maaaring palatandaan na baka mayroon nang masamang nangyayari sa ipinagbubuntis na sanggol.

Madalas pa nga, ang pananakit ng tiyan ay tinutukoy agad nilang sintomas ng paghilab ng tiyan ng buntis, na nagdudulot sa kanila ng panic at stress.

Paghilab ng tiyan ng buntis meaning

Ayon sa pagbabahagi ni Dr. Maria Carla Esquivias-Chua, aktibong OB-Gyne consultant mula sa Capitol Medical Center, mahalagang naiku-quantify nang maayos ng pasyenteng buntis ang hilab na kaniyang naranasan. Pati na ang edad ng bata sa loob ng kaniyang sinapupunan.

Mahalagang detalye kung ang paghilab ng tiyan ng buntis ay 1st trimester, 2nd trimester, o 3rd trimester ba naranasan.

Dahilan ng paghilab ng tiyan ng buntis

Ayon pa rin kay Dr. Chua, may iba’t ibang dahilan ng paghilab ng tiyan ng buntis. Nakadepende rin sa iba pang sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis kung anong klaseng contraction ba ang dinaranas ng isang buntis.

Sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis: True labor

“Halimbawa kasi, may tinatawag kaming true labor. Iyon ‘yong contraction ng tiyan na talagang humihilab na.

Saka may regular interval, at medyo moderate to strong ang paghilab, enough to open the cervix—iyon ang true labor.

Pero usually, nangyayari ang true labor sa last trimester ng pregnancy, kapag kabuwanan na. So, kapag nag-complain ng hilab or ng contraction ang buntis before mag-37 weeks, or before dumating ang kabuwanan, ‘yon ang iniimbestigahan. Baka Braxton-Hicks lang o false labor.”

Ilan pa sa mga sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis dulot ng true labor ay ang mga sumusunod:

Bukod pa rito, maaari ring mahirapan ka nang maglakad at magsalita kung true labor na ang iyong nararanasan at hindi na Braxton Hicks lang. Pasakit nang pasakit ang pakiramdam ng bawat paghilab ng tiyan at padalas din nang padalas.

Sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis: False labor

Masasabi namang Braxton-Hicks contractions o false labor ang nararamdaman ng buntis, kung ang paghilab ng tiyan ay tumitigil sa oras na siya ay may ginagawa tulad ng pag-i-exercise.

Ang contraction na ito mas madalas na nararamdaman sa tuwing nagpapahinga ang buntis at sa pagitan ng 28th to 30 weeks ng pagdadalang-tao.

Ayon sa Web MD, normal na paraan ng katawan ang makaranas ng Braxton Hicks bilang paghahanda sa totoong labor. Inilalarawan umano ng ilang kababaihan ang sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis dulot ng Braxton Hicks bilang pawala-walang paghigpit ng tiyan.

Ibig sabihin, mararamdaman ang paghilab at agad ding mawawala. May iba naman na nagsasabi na ang pakiramdam nila ssa Braxton Hicks ay parang mild menstrual cramps o ‘yong pagsakit ng puson at tiyan kapag mayroong menstrual period.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Andre Furtado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iba pang sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis dulot ng Braxton Hicks ay ang mga sumusunod:

  • Hindi masakit na contractions
  • Walang regular na pattern
  • Hindi magkakasunod ang contractions
  • Saglit lang mararamdaman
  • Maaaring tumigil kapag kumilos ang buntis o nagbago ng posisyon
  • Sa puson lang nararamdaman ang contractions

Karaniwang nararanasan ang Braxton Hicks sa 2nd trimester o 3rd trimester ng pagbubuntis.

Normal ang makaranas ng Braxton Hicks. Paraan kasi ito ng katawan para ihanda sa panganganak si mommy. Subalit, posible ring dahilan ng paghilab ng tiyan dulot ng false labor ang mga sumusunod:

  • Ikaw ay dehydrated
  • Masyadong aktibo
  • Naiihi
  • Nakikipagtalik
  • Nagbubuhat ng mabibigat

Paghilab ng tiyan ng buntis 1st trimester

Ang paghilab ng tiyan sa unang tatlong buwan o 1st trimester ng pagbubuntis ay normal. Hindi rin masakit ang paghilab ng tiyan ng buntis sa 1st trimester.

Mararamdaman lamang na tila nagcu-curled up ang uterus kaya nagco-contract ang muscles. Ilang segundo lang din itong mararamdaman at agad ding babalik sa normal.

Pinakamatagal na ang isang minuto sa paghilab ng tiyan ng buntis sa 1st trimester na maaari mong maranasan. Subalit, kung ang paghilab ng tiyan ng buntis sa 1st trimester ay may kasamang iba pang sintomas tulad ng pagdurugo at pananakit ng tiyan, agad na kumonsulta sa iyong doktor dahil maaaring delikado ang iyong kondisyon.

Mahalagang ipaalam sa iyong doktor ang nararanasan para maiwasan na malagay sa panganib si baby.

Paano masasabing humihilab ang tiyan ng buntis?

Gayundin, ayon naman kay Dr. Kristen Cruz-Canlas ng Metropolitan Medical Center, maaaring matukoy ang paghilab ng tiyan kapag nakararanas ng regular na pakiramdam na naninigas ang buong tiyan ng buntis.

Pagpapaliwanag ni Dr. Cruz-Canlas,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Maaaring ang tiyan ay kasingtigas ng ating noo. Ang paninigas ay tumatagal ng 30-60 segundo, may regular interval at tumatagos hanggang likod ang sakit.

Ang buntis ay nakakaramdam rin ng parang nadudumi at mabigat ang puson o tiyan. At nakakaranas ng paglalabas ng tubig mula sa puwerta, o mayroong bahid ng dugo.”

Preterm labor kung tawagin ang anumang paghilab ng tiyan ng buntis na mararanasan sa buong panahong bago pa tumuntong ng 37 weeks.

Puwede itong mauwi sa preterm birth o iyong napapaagang panganganak ng buntis. Pero kung mangyari ito bago pa man tumuntong ng 20 weeks ang bata sa loob ng tiyan ni mommy, malaki ang posibilidad ng abortion.

Baby photo created by drobotdean – www.freepik.com 

Mga posibleng dahilan ng paghilab ng tiyan ng buntis

Ayon kay Dr. Esquivias-Chua, malaking factor ang pagod na nararanasan ng isang buntis upang magkaroon ng paninigas-nigas ang kaniyang tiyan.

Ang pagod ay maaaring triggered ng matinding physical activities na patuloy na ginagawa ng isang buntis. Halimbawa na ang pagbubuhat ng mabibigat o pag-e-exercise.

Maging ang mentally exhaustive activities na nagdudulot ng stress hindi lamang kay mommy kundi, pati na kay baby. Dahil sa stress, nagkakaroon ng mga unpatterned na paggalaw at reaksyon si baby sa loob ng sinapupunan. Ito ang dahilan para magkaroon ng manaka-nakang paghilab ng tiyan ang ina.

Maaari ring isaalang-alang ang kaso ng high-risk pregnancy sa mga ina para maging sanhi ng pana-panahong pagkaranas ng paghilab ng tiyan. Ilan ang diabetes at hypertension sa mga kabilang dito.

Bukod pa roon, ibinahagi ni Dr. Cruz-Canlas ang sumusunod na kondisyon at gawaing maaaring nakaaapekto sa baby sa loob at nagdudulot ng paghilab ng tiyan ng buntis.

  • Impeksyon
  • Multifetal gestation
  • Paninigarilyo
  • Depression
  • Interpregnancy interval
  • Dati nang nakaranas ng preterm birth
  • Edad
  • Obesity
  • Acute gastroenteritis
  • Unwanted pregnancy

Kailan ito nagiging mapanganib?

Kahit sinasabing normal sa mga buntis ang may paninigas ng tiyan, pananakit, o paghilab paminsan-minsan, hindi maiiwasang mabahala ng sinomang ina para sa kaniyang anak sa mga ganitong pagkakataon.

Paano nga ba natin malalaman kung mapanganib sa mag-ina ang nararanasang paghilab ng tiyan? Ano-ano ang maaari at pangunahing dapat gawin sa oras na dumating ang ganitong delikadong sitwasyon?

Payo ni Dr. Cruz-Canlas, kung may pattern ang paghilab ng tiyak at nagaganap nang kada 2-3 minuto, tumatagal ng halos isang minuto, at matigas ang buong tiyan, hindi na ito dapat ipagsawalang bahala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pwede pong magresulta ito sa preterm birth. Tinatayang 75% kasi ng preterm birth ay preventable kung mabibigyan kaagad ng atensyong medical.”

Ganito rin ang tinutukoy ni Dr. Esquivias-Chua. Kung ang paghilab ng tiyan ay may kaakibat na pagbubukas ng cervix ng babae, maaari itong mauwi sa panganganak ng babae.

“Pag nanganak nang premature, ang lungs ng baby na premature ay hindi pa fully developed. So, kapag ganun, delikado.

Puwedeng ma-incubate pa nang matagal ang baby or ‘yung iba, hindi talaga mabubuhay pagka ipinanganak nang premature.

Mga dapat gawin kapag may paghilab ng tiyan ang buntis

Business photo created by senivpetro – www.freepik.com 

Mahalagang matukoy ng isang pasyenteng buntis kung kailan normal pa ang paghilab ng tiyan, at kailan nakababahala na. Ito ay para makahingi na siya agad ng atensyong medikal na kaniyang kailangan.

Siyempre, dahil hindi lahat ng mga buntis ay maalam sa mga sintomas ng mapanganib nang paghilab ng tiyan, may mga simpleng bagay na ating ilalahad sa bahaging ito na maaaring magsilbing gabay ng ating preggy mom out there.

Ang sabi ng doktor

Ayon kay Dr. Esquivias-Chua, kung ang buntis ay nakararanas ng paghilab ng tiyan matapos ang mabibigat na physical activities, o stressful na gawain tulad ng pagtatrabaho, pagkabalisa, maraming iniisip, at labis na pagka-emosyonal, maaaring ipahinga ang katawan at obserbahan ang nangyayaring paghilab.

Paliwanag niya, malaking factor para magkaroon ng contraction ang tiyan ang pagod at stress. Ang ganitong short-term contraction ang kanilang tinatawag na Braxton-Hicks contraction.

Maaari ring mag-cause ng paghilab kung ang baby sa loob ng tiyan ay sobrang aktibo at magalaw. Basta’t maging alerto sa haba ng panahong nakararanas ng paghilab, at kung may regular nang interval sa nangyayaring paghilab. Kung hindi man, walang dapat na ikabahala.

Komunsulta agad sa isang doktor sa oras na makaranas ng paghilab sa tiyan.

Ngunit dahil hindi maiiwasang ma-overwhelm ang nanay sa nararanasang paghilab, mataranta, at mawala sa alertong obserbahan ang sarili, maaari naman itong ikonsulta sa attending OB/Gyn.

Isa-isang ilahad sa OB ang inyong mga nararanasan. Kung ito ay napapadalas at nagisisimulang magkaroon ng pattern, ngunit nangyayari lamang sa loob ng maikling minuto o segundo, ipaalam lamang sa doktor ang mga detalye.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni Dr. Esquivias-Chua, kung hindi kayang i-quantify ng pasyenteng buntis kung nagle-labor ito o Braxton-Hicks lang, inire-request ang pagsailalim nito sa CPG o cardiotocography. May aparatong idinidikit sa tiyan ng mommy para masuri kung nagkakaroon talaga ng seryosong paghilab ang tiyan.

“At the same time, we have to do an internal examination. Kakapain natin ‘yung puwerta para matingnan kung ‘yong cervix, o ‘yong puwesto ng matres, kung nag-o-open ito.

Kasi dapat sarado pa ‘yon ‘pag ‘di pa kabuwanan. So, ‘pag nag-open na ito, baka nga nagpe-premature labor ang pasyente.

So, pagka-ganun, pag nagpe-premature labor, aba, a-admit-in naming. Bibigyan namin ng gamot para maampat ‘yung pagpe-premature labor.”

Larawan mula sa Pexels kuha ni Garon Piceli

Ito ang paglalahad pa ni Dr. Esquivias-Chua.

Aniya, dekikado ang preterm labor dahil maaaring manganak ang pasyenteng buntis anumang oras. Dahil maaaring kasabay ng paghilab ang unti-unting pagbuka ng cervix.

Hindi ito mabuti para sa baby dahil hindi pa fully developed, aniya, ang baga (lungs) ng premature baby. Maaaring ma-incubate ang baby nang matagal na panahon  kaya ay tuluyan itong mamatay.

Ano ang mga posibleng solusyon?

Para maiwasan ang ganitong mga pangyayari, binibigyan ng gamot ang buntis na nakararanas ng seryosong paghilab ng tiyan. Lalo na kung ng hindi pa niya kabuwanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ibinibigay na gamot halimbawa ay ang uterine reluctant tablet. Anti-contraction ito na tumutulong ma-relax ang matres ng mommy.

Kung hindi tumigil ang paghilab sa sa loob ng 24 oras, sa kabila ng pag-inom ng tablet 3x a day, ayon kay dok ay kailangang i-admit ang pasyente at suweruhan.

Bukod sa suwero pararaanin ang uterine reluctant na gamot, maaari silang mag-inject ng steroids sa ina para tumulong sa pagma-mature ng lungs ni baby sa loob.

Mahalaga umano ito para kahit papaano ay maihanda ang lungs ng bata sakaling hindi na makontrol ang hilab ng tiyan at mauwi sa maagang panganganak ng inang nagbubuntis. Isa pa, nakabubuti ito para tumaas ang survival rate ng premature baby oras na makalabas na ito mula sa puwerta ng ina.

Sa huli, mahalaga ang pagiging maliksi ng isip at pananatiling kalmado ng isang inang nagbubuntis kung nakararanas ng paghilab-hilab ng tiyan.

Hindi ito madali, ngunit tiyak na kayang-kayang gawin ng ating moms-to-be. I-take note ang dalas at haba ng panahong nararanasan ang paghilab, gayundin ang klase ng sakit na idinudulot nito sa katawan.

Ang pananatiling kalmado ay makatutulong upang hindi makaragdag ng stress kay baby sa loob ng tiyan. Habang kung fully conscious ang ina sa kaniyang mga nararanasan, mas madali niyang maisasangguni ito sa kinauukulan, gaya ng attending OB, kung talagang kinakailangan.

 

Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.