Napapatanong ka rin ka ba ng, “3 days delayed, buntis ba ako?” Alamin sa artikulong ito kung dapat ka bang mag-pregnancy test agad kapag 3 days ka nang delayed sa iyong monthly period.
Para sa mga babaeng may regular na menstrual cycle, malaking palaisipan kapag hindi dumadating sa inaasahang petsa ang kanilang period.
Kung active ka sa iyong sex life, isa sa mga bagay na maaaring pumasok sa iyong isipan ay, “Buntis na ba ako?”
Talaan ng Nilalaman
3 days delayed, buntis na ba ako?
Bagama’t ang hindi pagdating ng period ay isa sa mga maagang senyales ng pagbubuntis, hindi naman laging ito ang dahilan kung bakit delayed ang period ng isang babae. Subalit maaaring mayroon pang ibang dahilan kung bakit nahuli o hindi pa dumarating ang iyong period.
Depende sa mga sintomas na iyong nararamdaman, posibleng ang sanhi ng delayed period ay dahil sa iyong lifestyle (pagkain, timbang, pag-eehersisyo) o kaya naman posibleng problema sa iyong hormones (PCOS) o isang seryosong karamdaman.
Bukod sa pagbubuntis, narito pa ang posibleng dahilan ng delayed period ng mga babae:
Para malaman kung paano naaapektuhan ng mga nabanggit ang pagdating ng iyong period, basahin rito.
Larawan mula sa Freepik
Ayon sa Healthline, mas makakabuti kung maghihintay ng isang linggo pagkatapos ma-miss ang iyong period bago magsagawa ng pregnancy test para mas masiguro ang accuracy nito o na magiging tama ang resulta ng test.
Pero paano mo nga ba masasabing delayed ang period ng isang babae?
Kung tatlong araw nang nakalipas mula noong petsa na inaasahan mong darating ang iyong period, hindi agad ibig sabihin nito ay delayed ka na.
Kapag regular ang iyong period at wala kang kondisyon gaya ng PCOS o thyroid problems, sinasabi na dapat magsimula ang iyong period sa loob ng 30 araw pagkalipas ng unang araw ng iyong nagdaang period.
Kung lagpas na ng 30 araw at hindi ka pa rin nagkakaroon, masasabing delayed na ang iyong period. Gayundin, kung 6 na linggo na ang lumipas mula sa unang araw ng iyong nakaraang period, masasabing missed period na ito.
Subalit kung ayaw mo namang mag-antay bago mo ma-miss ang iyong period, maaari ka nang magsagawa ng pregnancy test 1 o 2 linggo pagkatapos mong makipagtalik.
Dahil kung buntis ka, kailangan ng iyong katawan na mag-develop ng tinatawag na human chorionic gonadotropin hormones o HCG. Ito ang sinusukat sa mga pregnancy tests.
Gayundin, tinatayang 7 hanggang 12 araw pagkatapos ng pagtatalik makukumpirma kung matagumpay ang implantation ng egg sa iyong fallopian tube.
Kaya kung masyadong maaga ang pagsagawa ng pregnancy test, maaaring makakuha ka ng maling resulta.
Mga senyales na dapat ka nang mag-pregnancy test
Bukod sa paghihintay ng 1 hanggang 2 linggo matapos makipagtalik para mag-PT, maaari mo na ring gawin ito kung bukod sa delayed period ay nakakaramdam ka ng mga sumusunod na sintomas:
-
Sumasakit ang iyong puson
Kung nararamdaman ang pananakit ng puson pero hindi pa dumarating ang iyong period, makakabuting magsagawa na ng pregnancy test upang makasiguro.
Dahil ang implantation, o ang pagpunta ng fertilized egg mula sa fallopian tube pababa ng uterus ay nagdudulot din ng pananakit ng puson na mahahalintulad sa menstrual cramps.
Isa sa mga epekto ng pagbubuntis ay ang paggawa ng katawan ng mas maraming estrogen at progesterone. Ang mga hormones na ito kasi ang tumutulong para ihanda ang iyong katawan sa pagdating ng iyong anak
Dahil sa pagtaas ng mga hormones na ito, at gayundin ang dugo sa iyong katawan, maaari mong mapansin na tila lumalaki ang iyong dede at sumasakit ang mga ito.
Posible rin na maging ang iyong nipples ay nagiging masakit at mas sensitibo. Mas nagiging kapansin-pansin din ang mga ugat sa bahaging ito ng katawan.
Subalit may mga babae rin na nakakaranas ng pananakit ng kanilang dede kapag paparating na ang kanilang period, kaya mas mabuting magsagawa ng pregnancy test upang makasiguro.
Larawan mula sa Freepik
-
Kakaiba ang iyong pakiramdam
Bukod sa pananakit ng mga dede at puson, maaaring maramdaman mo rin ang mga sintomas na ito:
Habang lumilipas ang mga linggo, maaring mas maramdaman ang mga sintomas na ito bago pa man dumami ang HGC hormones sa iyong katawan.
Kaya naman kung delayed ang iyong period at nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas, magsagawa na ng pregnancy test sa lalong madaling panahon.
-
Kung hindi kayo gumamit ng proteksyon
Kung hindi mo sigurado ang iyong ovulation cycle, hindi ka gumagamit ng anumang uri ng birth control o hindi ka sigurado sa bisa ng birth control na ginamit, mas makakabuti na ring magsagawa ng pregnancy test.
Anong puwedeng gawin para mapabilis ang pagdating ng period
Bago mo subukan ang mga paraang ito, mas mabuting maghintay ng 1-2 linggo pagkatapos makipagtalik at magsagawa ng pregnancy test para masiguro na hindi ka nagdadalang-tao.
Kung nasisiguro mong hindi ka buntis pero hindi pa rin dumarating ang iyong buwanang dalaw, maaaring subukan ang mga sumusunod na natural na paraan para ma-induce o mapabilis ang dating nito:
- Subukan mong dagdagan ang vitamin C sa iyong katawan. May mga nagsasabi na napapababa nito ang progesterone levels at tumataas ang estrogen, dahilan para mag-contract ang uterus at magsimula ang pagdurugo.
- Kumain ng pinya. Bukod sa mayaman sa vitaminc C, ang pinya raw ay may bromelain, isang enzyme na nakakaapekto sa paggawa ng hormones. Gayundin, ang pinya ay may anti-inflammatory properties na makakatulong para maiwasan ang delayed period.
- Mag-relax. Gaya ng nabanggit, ang stress ay isang posibleng sanhi kung bakit hindi pa dumarating ang iyong period. Sa halip na mag-aalala at magtanong ng “3 days delayed, buntis na ba ako?”. Subukan mong gumawa ng mga bagay na magpapakalma at magpapagaan ng loob mo. Tulad ng warm bath para ma-relax ang mga muscles, at maglaan ng oras sa iyong pamilya.
- Sex. Nakakatulong din ang sexual activity o pakikipagtalik para mapabilis ang dating ng iyong period. Ayon sa Healthline, ang pagkakaroon ng orgasm ay isang paraan para bumuka ang cervix at mahila pababa ang dugo. Nakakatulong din umano ang regular na pakikipagtalik para mabawasan ang stress at mapanatiling balanse ang hormones.
- Exercise. Makakatulong din ang pagiging aktibo para maiwasan ang hormonal imbalance. Subalit kung sa palagay mo ay sobra naman ang iyong pag-eehersisyo, subukan mong bawasan ito, o kaya naman ay dagdagan ang calories sa iyong pagkain.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Larawan mula sa Freepik
Kung nagsagawa ka ng pregnancy test at positive ang resulta, makakabuting kumonsulta ka agad sa isang OB-Gynecologist upang makumpirma kung buntis ka nga at kung anong dapat mong gawin para mapangalagaan ang iyong sarili at ang iyong anak.
Subalit kung nakumpirma mong hindi ka buntis at nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas. Habang o pagkatapos ng delayed period, dapat ay kumonsulta ka na agad sa iyong doktor:
- kung naka-miss ka na ng 3 cycle ng iyong period
- Kapag ikaw ay may regular ang period mo dati pero biglang nagulo ang iyong cycle
- kung bumaba ang iyong timbang
- lagnat
- matinding pananakit ng puson
- pagkahilo at pagsusuka
- kung nais mong mabuntis
Tandaan, hindi laging pagbubuntis ang dahilan ng delayed na period. Kaya para makasiguro, huwag mag-alinlangan na kumonsulta sa iyong doktor kung mayroon kang katanungan. Lalo na tungkol sa iyong buwanang dalaw at para malaman kung paano pangangalagaan ang iyong reproductive health.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!