Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

lead image

Noong Agosto 2014, naglabas ang National Statistics Office (NSO) ng Pilipinas ang huling resulta ng kanilang 2013 National Demographic and Health Survey. Ayon sa survey, isa sa sampung dalaga sa pagitan ng edad 15 at 19 ay isa nang ina o kaya naman ay dinadala ang unang nyang sanggol. Ipinapakita lang nito na marami nga talagang dalaga ang nakakaranas ng maagang pagbubuntis.

Bilang ng maagang pagbubuntis, tumataas?

Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit kumulang na 16 milyong babae na edad 15 hanggang 19 at halos isang milyong babae na wala pang 15 taong gulang ang nanganganak bawat taon. Mga 95% ng mga kapanganakang ito ay nangyayari sa mga bansang may mababang o katamtamang kita.

Inuuri ng World Bank ang Pilipinas bilang isang loawer-middle-income economy. Kaya sakop tayo ng WHO survey na nabanggit natin kanina, at nagpapahiwatig ng nangyayari sa ating bansa ngayon.

Ang nakababahalang pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis sa Pilipinas ay naguugat sa kasalukuyang estado ng ating ekonomiya at edukasyon

Ayon din sa resulta ng NSO survey, ang maagang pagmulat sa mga sekswal na aktibidad at maagang pagbubuntis ay karaniwang nakikita sa mga babaeng galing sa mga mahihirap na pamilya. Kalimitan din itong nakikita sa mga babaeng walang o konti lang ang pinag-aralan.

dreamstime xs 30613228 Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Maagang pagbubuntis sa probinsiya

Kung anuman ang iba pang tunay na dahil sa likod ng pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis, ang katotohanan ay nagiging mas talamak na ito. Dagdag pa dito ang katotohanang pabata ng pabata ang mga nabubuntis. 

Halimbawa, may isang dose-anyos na dalaga ang nanganak sa Kalibo, Aklan noong Nobyembre 2014.

One young mom tells us about what she went through as a pregnant teen. Click next to read her story!

Isang totoong kwento ng maagang pagbubuntis sa Pilipinas

dreamstime xs 43321609 Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Sa totoo lang, kahit ano pang estado sa buhay ng mga dalaga ngayon, pwede silang magbuntis ng maaga kung sila ay di maingat. 

Si Marie (hindi niya tunay na pangalan) ay isang 17 taong gulang na kolehiyala noong nadiskubre niyang sya ay nabuntis. Napansin ng kanyang mga kasamahang cheerleader ang kanyang lumalaking tiyan, na siya namang sinisi ni Marie sa pagtaas ng gana niyang kumain.

Nakumbinse sya ng kanyang mga kasama na kumuha ng pregnancy test. Hindi makapaniwala si Marie ng madiskubre niyang sya nga ay buntis, pagkatapos niyang kumuha ng pregnancy test ng anim na beses, at lahat ay positibo.

Nang bumisita sya sa isang OB-GYN sa pagpupursige ng kanyang mga kaibigan, sinabihan sya ng doktor na sya ay tatlong buwan nang buntis. 

Bukod pa rito, ang ama ng kanyang dinadalang anak ay hindi ang kanyang kasintahan, pero sinabi nya pa rin sa kanya na sya ay nagdadalang tao. Dahil dito, sya ay iniwan ng kanyang kasintahan. Kaya napagdesisyunan niyang putulin ang lahat ng koneksyon nya sa tunay na ama ng bata, at palakihin ang bata ng mag-isa.

Condemning her won’t help matters

dreamstime xs 33836398 Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Bukod pa sa pagtanggi ng kanyang kasintahan, ang mga magulang ni Marie ay hindi masaya sa balita ng kanyang maagang pagbubuntis. Hanggang sa ngayon, nararamdaman niya pa rin ang ‘di magandang pagtrato sa kanya ng kaniyang pamilya. Buti na lang, OB-GYN ang ninang niya, at ang syang tumulong kay Maria sa kanyang pagbubuntis at panganganak. 

Sa ngayon, si Marie ay nagsisikap para matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Kaya siya’y nagsimula ng sarili niyang negosyo, ang pagbebenta ng handcrafted items. Tumutulong na rin ang kanyang anak sa pag-gawa ng mga accessories ngayong malaki na sya.

Ang pagmamahalan ng mag-ina ay matatag, kaya naman ang mga kwentong katulad ng kay Marie ay may kabutihang naidudulot rin.

Basahin ang mga payo namin para sa maagang pagbubuntis sa susunod na pahina. 

dreamstime xs 18612016 Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Ang pagsasabi sa mga taong mapagkakatiwalaan mo ang unang hakbang sa pagtulong sa iyong sarili. .

Mga payo para sa maagang pagbubuntis

May anak o kakilala ka bang buntis at hindi mo alam ang gagawin mo? May mga payo kami na pwede mong sabihin sa kanila:

1. Sabihin mo sa iyong mga magulang o sa kahit sinong nakatatanda na iyong pinagkakatiwalaan.

Natatakot man ang bata na sabihin ito, ang mga nagdadalang tao ay kailangan pa rin ng suporta ng ibang tao para sa ikabubuti ng bata. Kaya naman kailangan nila itong sabihin sa kanilang magulang, o kaya naman ay sa isang nakatatanda na kanilang pinagkakatiwalaan.

Sa tulong ng nakatatandang kaya mong pagkatiwalaan, makakapag-desisyong mabuti ang mga batang nagdadalang tao. Mabibigyan pa sila ng suportang medikal.

Himukin mo ang dalagang nagdadalang tao na lumapit sa taong pinagkakatiwalaan nila ng taos-puso at walang takot. Pero, maging handa para sa hindi magandang reaksyon.

Pero dapat din nilang tandaan na kung anuman ang gusto niyang gawin, dapat ay hindi siya mapilitang gawin ang hindi niya gusto.

2. Pumunta sa isang doktor.

Ang isang buntis ay dapat matingnan ng isang doktor sa lalong madaling panahon, para mabigyan ng tamang prenatal care. Siya ay dapat bigyan ng mga bitaminang kailangan niya. Dapat rin siyang sumailalim sa isang pagsusuri upang makita nila kung meron siyang STD kung kinakailangan. 

dreamstime xs 37876321 Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

May karapatan ang tatay na maki-alam sa sitwasyong ng nagbubuntis. 

3. Kausapin ang ama ng bata.

Karapatang malaman ng tatay ng bata na meron siyang anak. Mula doon ay dapat magdesisyon kung ano ang gagawin ng ama. 

 

4. Humanap ng mga taong susuporta sa iyo.

Ang nagdadalang tao ay meron dapat susuporta sa kanya, katulad ng counselor, mga kaibigan, mga magulang, o doktor. Mainam na magkaroon ng mga taong matatakbuhan ng nagdadalang tao kung kailangan niya maglabas ng sama ng loob at matulungan siyang ma-solusyonan ang kaniyang mga problema.

Ano ang dapat gawin ng mga magulang na may anak na nagdadalang tao? Basahin sa susunod na pahina.

Ang tungkulin ng mga magulang

dreamstime xs 37258939 Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Ito ang oras kung kailan mas kailangan ka nila.

Para sa ikabubuti ng iyong anak na siya’y iyong tulungan. Ito ang mga pwede mong gawin:

1. Samahan mo ang iyong anak sa ospital. 

Maging kasangkot ka sa kanyang pagbubuntis. Samahan mo siya kapag checkup nya na sa ospital at siguraduhin mong alam mo ang estado at progreso ng kanyang pagbubuntis. 

2. Timpiin ang iyong mga emosyon

Ikaw man ay nakakaramdam ng gulat, pagkabigo, galit, o ang pakiramdam na kasalanan mo ang lahat ng nangyari. Natural lang ito. Pero gawin mo pa rin ang lahat ng iyong makakaya para timpiin ang iyong mga emosyon para maayos mong makausap ang iyong anak.

Pero dapat ay meron ka ding makakausap na ibang tao tungkol sa iyong sitwasyon. Kaibigan, kamag-anak, o sinomang mapagkakatiwalaan mo. 

Ang pagkakaroon ng masasabihan tungkol sa isyu na ito ay makakatulong estado ng iyong pagiisip at mga emosyon. Pwede ka ring matuto ng mga aral kung paano mo pa masusuportahan ang iyong anak.

3. Tumulong ka 

Siguradong mangangailangan ng tulong na pinansiyal ang iyong anak habang siya ay nagbubuntis, at pagkatapos niyang manganak. Kung kaya mo, subukan mong tumulong. 

Pwede mo ring tulungan ang iyong anak na maghanap ng pinakamahusay at murang maternity package. Dapat subukan niyo pa ring maging praktikal.

4. Maghanda para sa bata

Naranasan mo nang magka-anak kaya naman makakatulong ka sa pagpapalaki ng bata at pagsuporta sa iyong anak. 

Kasama na sa paghahanda ang pakikipag-usap sa ama ng bata. Lahat ng mangyayari sa bata ay dapat mapagusapan ng parehong pamilya.

Hindi nila kailangang ikasal, pero dapat ay mapagusapan kung paano ang hatian ng gastusin para sa bata.

5. Bigyan ng suporta ang iyong anak.

Kailangan maramdaman ng iyong anak na kaya niyang magtiwala sa iyo para sa iyong suporta. Bigyan mo sya ng maayos, mabuti, at mapagtanggap na kapaligiran kung saan mararamdaman niyang ligtas siya. Dito siya magiging komportable para humingi sa iyo ng tulong.

dreamstime xs 21814243 Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Dapat tandaan ng mga maagang nagbubuntis na meron sila parating matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. 

Sa susunod na pahina ay isang listahan ng mga organisasyon at ahensiyang makakatulong sa maagang pagbubuntis. 

dreamstime xs 19162259 Maagang Pagbubuntis: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Mga organisasyon at ahensiyang makakatulong

MLAC – Psychological Services for Well-Being

#2 Kaunlaran St., Kawilihan Village,
Bagong Ilog, Pasig City
Mobile Number: 0917-5019583
Email: [email protected]

Pregnancy Support Services of Asia

St. John Bosco Parish Building (2nd Floor),
Arnaiz Ave. Cor. Amorsolo St., Makati City
Tel: (02) 586-3069 & (02) 403-7179
Mobile Number: 0917-5019583

Likhaan Center for Women’s Health Inc.

27 Ofelia St., Ofelia Subdivision
Barangay Bahay Toro, Quezon City
Tel: (02) 926-6230 & (02) 454-3854
Fax: (02) 926-6230
Email: [email protected]

Family Planning Organization of the Philippines

50 Doña Hemady St.
New Manila, Quezon City
Telephone: (02) 722-6466
Telefax: (02) 721-7101
Email: [email protected]

Population Services Pilipinas, Inc.

2015 Gil Puyat Street
Pasay City
Phone: (02) 831-2876
Fax: (02) 804-0798
Email: [email protected]

Society for Adolescent Medicine of the Philippines, Inc. (SAMPI)

Room 12 Philippine Children’s Medical Center
Mobile Number: 0947-8444218
Email: [email protected]
https://www.facebook.com/samphilippines

Community and Family Services International

2/F Torres Building
2442 Park Avenue, Pasay City
Telephones: (02) 556-2735 / (02) 551-1977 / (02) 556-4864
Email: [email protected]

Friendly Care Clinic

FriendlyCare Clinic and Headquarters
710 Shaw Boulevard
Mandaluyong City
Tel. Nos.: (02) 722-2986/88
718-2870 / 718-1344

FriendlyCare Clinic Cebu
G/F GMC Plaza Bldg.
Legaspi Extension, Cebu City
Tel. no. (032) 254-7446
Telefax no. (032) 253-4170

FriendlyCare Clinic Davao
G/F SPCRD Bldg.
A. Pichon St., Cor. Illustre Extension, Davao City
Telefax no. (082) 222-7970

Pwede mong tingnan ang kumpletong listahan dito.

 

Pwede mo ring basahin: Teen pregnancy: Risks and dangers

Isinalin ni Paul Amiel Salonga

Isinulat ni Patricia de Castro-Cuyugan