Puwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills?

lead image

Sa tamang paggamit ng birth control pill, masisigurado ng mga ina na hindi sila basta-basta mabubuntis, lalo na kung wala pa silang planong magkaanak.

Kahit sa mga mag-asawa, importante ang family planning. At isa sa mga paraan nito ay ang paggamit ng birth control pill. Alam niyo ba na sa tamang pag inom ng pills, nasa 1% lamang ang posibilidad na mabuntis?

Ngunit sa katotohanan, may mga nabubuntis pa din, kahit na umiinom sila ng birth control pill. Paano ito nangyayari? Ibig sabihin ba nito na hindi epektibo ang birth control pill?

Paano ba gumagana ang birth control pill?

Ang mga birth control pill ay isang uri ng gamot na naglalabas ng mga hormones upang pigilan ang pagbubuntis. Bukod dito, nakakatulong din ang birth control pills para maregulate ang buwanang dalaw, at nakakatulong din para gumanda ang balat.

Hindi pare-parehas lahat ng uri ng birth control pill, ngunit ang pinakamadalas na gamitin at madaling mahanap sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

Trust

Ang mga ingredients ng Trust pill ay ethinylestradiol, levonorgestrel, at Fe fumarate. Bukod sa pagiging isang contraceptive, nakaktulong din ito para maibsana ang sintomas ng dysmenorrhea, premenstrual syndrome, at menorrhagia.

Pagdating naman sa mga side effects, ay posibleng magkaroon ng pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka, at pagbabago sa mood. Ngunit hindi naman lumalabas ang mga sintomas na ito sa lahat ng umiinom ng Trust.

Nordette

Ang Nordette naman ay isang uri ng contraceptive na mayroong active ingredients na ethinyloestradiol at levonorgestrel. Ibig sabihin, kaparehas din ito ng Trust na pill.

Diane

Ang Diane pill naman ay may active ingredients na cyproterone acetate at ethinyloestradiol. Ginagamit rin ito upang gamutin ang iba't ibang hormonal imbalance sa mga babae bukod sa pagiging isang contraceptive.

Nakakatulong rin ito para gumanda ang balat at buhok para sa ilang mga umiinom nito. 

Bago uminom ng kahit anong birth control pill, mahalagang magpakonsulta muna sa doktor. Mas mabuti na malaman mo kung anong uri ng pill ang pasok sa pangangailangan mo upang masiguradong walang masamang side-effects galing dito.

Hindi rin mabuti na pagsabayin ang 2 uri ng contraceptive, dahil ito ay makakasama sa kalusugan.

Bakit mahalaga ang tamang pag inom ng pills?

Bagama't epektibo ang paggamit ng birth control pills, alam niyo ba na may posibilidad pa rin na mabuntis ang mga babaeng umiinom nito? Ito ay kung hindi masunod ang tamang pag inom ng pills.

Mahalaga na inumin araw-araw ang mga birth control pills. Dahil mabilis mawala ang epekto nito, lalo na kung hindi ito inumin sa tamang oras.

Ito ay dahil time-sensitive o limitado lamang ang epekto ng mga birth control pills. Kung iniinom mo ito araw araw pagkatapos mag almusal, kailangan tuloy tulog na ganito ang pag-inom mo kung gusto mo na 99% ang bisa nito.

Kung inumin mo ito ng hapon, o kaya tanghali, posibleng maapektuhan ang bisa ng gamot. Ibig sabihin, may posibilidad na mabuntis ka. Lalong-lalo na kung makalimutan mo ito kahit isang araw lang!

Kaya dapat basahing mabuti ang instructions na kasama ng iyong pills, at siguraduhin na inumin mo ito araw-araw. Kung kinakailangan mo mag alarm o mag set ng reminder sa iyong cellphone, ay gawin mo ito upang siguradong hindi mo makakalimutang uminom ng pills.

Mainam rin na bumili ng dagdag pills para kung sakaling makalimutan mong bumili, o kaya maubusan sa botika. Mabuti na ang may extrang pills na nakatabi kung kinakailangan.

Bukod dito, nirerekomenda din ng mga eksperto na kahit umiinom ka ng birth control pills, ay mayroon kayong mga condom o ibang paraan ng emergency birth control. Ito ay para siguradong hindi ka mabubuntis.

May ilang gamot din tulad ng antibiotics na puwedeng makaapekto sa birth control. Kaya magpakonsulta palagi sa doktor kapag iinom kayo ng bagong gamot habang nasa birth control.

 

Source: Women's Health

Basahin: IUD: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa contraceptive na ito