Week 4 ng pagbubuntis: Isang guide sa bawat linggo ng iyong pagbubuntis

Week 4 ng pagbubuntis: Isang guide sa bawat linggo ng iyong pagbubuntis

Sa week 4 ng pagbubuntis ay napakaliit pa ng iyong sanggol, na halos katuldok lang ang laki! Alamin ang iba pang importanteng facts sa aming pregnancy guide.

Mga mommies, ito ang inyong guide sa week 4 ng pagbubuntis!

Week 4 ng pagbubuntis: Gaano na kalaki si baby?

Sa week 4 ng pagbubuntis nagsisimula ang tinatawag na "embryonic period" ng iyong sanggol, kahit na sobrang liit pa nito.

week 4 ng pagbubuntis
Development ng iyong sanggol
  • Sa ikaapat na linggo ng iyong pagbubuntis ay buo na ang amniotic sac o kung saan mabubuo ang iyong sanggol. Mayroon na ring tinatawag na yolk sac kung saan mabubuo ang magiging red blood cells ng iyong sanggol. Ito rin ang responsable para sa pagbibigay ng nutrisyon para sa iyong lumalaking anak.
  • Dito rin magsisimulang mabuo ang mga organs ng iyong sanggol. Kaya't mahalagang alagaan ang iyong kalusugan upang masiguradong malusog ang iyong sanggol.
Sintomas ng pagbubuntis
  • Kapag kumuha ka ng pregnancy test sa panahong ito ay makakasigurado ka na sa resulta ng test. Pero hindi pa rin 100% na accurate ang pregnancy test para sa lahat ng babae, dahil masyado pa ring maaga.
  • Makakaranas ka ng morning sickness sa panahong ito, kaya't mabuting paghandaan mo na ito ngayon pa lang.
  • Magkakaroon ka rin ng kaunting bloating, dahil nagsisimula nang kumalat sa katawan mo ang progersterone, na tinatawag ring "pregnancy hormone."
  • Posible ring magkaroon ka ng spotting o pagdurugo kahit wala kang period. Ito ay tinatawag na implantation bleeding, at nangyayari kapag kumabit na ang fetus sa loob ng iyong uterus.
  • Posible ring magsimula na ang pagkakaroon ng mood swings dahil sa hormones.
Pag-aalaga sa iyong sarili
  • Kapag sigurado ka na ikaw ay nagbubuntis, mabuting tumigil ka na sa pag-inom ng alak pati na ng paninigarilyo dahil makakasama ito sa iyong anak.
  • Umiwas sa softboiled na itlog, pati undercooked na pagkain dahil posible itong magdulot ng salmonella infection.
  • Mabuti ring umiwas sa isdang mataas ang mercury content, tulad ng tuna, swordfish, king mackerel, at pating.
Checklist sa pagbubuntis
  • Matapos mong ma-confirm na buntis ka nga, mabuting mag schedule na ng appointment sa iyong gynecologist upang matulungan ka nila sa kalusugan ng iyong pagbubuntis.
  • Ilista lahat ng gamot na iyong kasalukuyang iniinom at ikonsulta ito sa doktor upang malaman mo kung safe ba ito inumin.
  • Maging maingat sa iyong mga kinakain, at ugaliing uminom ng prenatal vitamins.

Isinalin sa wikang Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/week-by-week-pregnancy-guide-what-happens-when-i-am-4-weeks-pregnant/

 

Basahin: Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-12 buwan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner