Ano ang mga karaniwang dahilan at gamot sa rashes sa mukha ng baby? Ating alamin kung ano ang mga sintomas na kailangang bantayan.
Napansin ba na tila may maliliit na bukol sa mukha ng iyong baby? Tila ba nagpapantal ang kanyang ilong, mga pisngi o noo? Dapat ba itong alalahanin? Kung hindi man, ano ang maaaring ilagay dito upang maagapan? Alamin natin ang mga iba’t ibang kailangang gamot sa rashes ng baby.
Ano ba ang sanhi at gamot sa rashes ng baby?
Ayon kay Dr. Art Jerome D. Luzande, MD., napakarami ng maaaring sanhi ng pagkakaroon ng rashes. Mayroong mga simple lamang at kusang nawawala ngunit, mayroon ding mga toxic ng rashes sa mukha ng baby.
Gamot sa rashes ng mga baby: Ito ang mga uri at sanhi nito | Image from Freepik
Sanhi ng rashes sa mukha ng baby
Dahil ang baby ay may maselan at sensitibong balat, maaaring ang allergens sa kanyang paligid ay isa sa mga karaniwang sanhi ng rashes sa mukha niya.
Pero kadalasan sa mga sanhi ng rashes sa mukha ng baby ay harmless. Gumagaling ang mga ito ng kusa at hindi naman agad agad kinakailangan ang mga gamot at panlunas tulad ng cream, ointment at herbal na gamot.
Ilan sa mga maililistang karaniwang sanhi ng rashes sa mukha ng baby ay eczema, acne, at impeksyon. Ngunit minsan, ang rashes sa mukha ni baby ay maaaring indikasyon ng mas malalang kondisyon, halimbawa impeksyon sa dugo at sakit sa balat.
Mga uri ng rashes sa baby
Ang sanhi ng rashes ng baby ay magkakaiba sa bawat bahagi ng katawan. Tulad ng sanhi ng rashes sa mukha ng baby, maaaring sa leeg ay may iba ring sanhi ito. Ang rashes naman sa pwet ng baby ay sanhi ng iritasyon dulot ng madalas na pagpapalit at paglilinis ng pwet nila.
Ano ano nga ba ang mga uri ng rashes ng baby?
- Baby acne, kadalasang lumilitaw sa mukha ng baby
- Cradle cap
- Diaper rash, na sanhi ng pagkabasa at acidity ng ihi ng baby at dumi
- Drool rash, na maaaring mangyari kapag nairita ang balat sa paligid ng nalawayan na bahagi ng bibig, leeg, at hanggang dibdib
- Eczema, na madalas na sanhi ng rashes sa mukha ng baby, sa bandang tuhod, at sa mga braso
- Fifth disease, o tinatawag ring slapped cheek rash, na posibleng masabayan ng lagnat, fatigue, at pamamaga ng lalamunan
- Hand, foot, and mouth disease
- Heat rash, na madalas matagpuan sa mga bahaging natatakpan ng damit, tulad ng kili-kili, leeg, dibdib, braso, torso, at hita, na kadalasang bunga ng matinding init
- Infectious rashes, tulad ng tigdas, bulutong, scarlet fever, roseola
- Thrush
- Yeast infection sa leeg ng baby
Ilan lamang ito sa mga uri na sanhi ng rashes sa mukha, leeg, dibdib, braso at iba pang bahagi ng katawan ng baby. Maiging maagapan din agad ng gamot na cream at ointment sa leeg, mukha, dibdib na nireseta ng doktor para sa rashes ng baby. Huwag ring basta-basta pahiran ng anomang skin ointment at cream si baby ng walang payo ng skin doctor.
Angi lia ay maliliit na puti o madilaw-dilaw na mga bukol sa mukha ng baby. Kadalasan itong nakikita malapit sa ilong o mata ngunit maaari rin makita sa pisngi at baba. Ito ay dulot ng pagkakaroon ng bara sa pores ng baby kaya ang balat sa mukha ay nagkakabukol. Kadalasan, kusa itong nawawala matapos ang ilang linggo dahil sa natural na pagtanggal ng bara sa mga pores.
Makakabuti na huwag itong gamitan ng mga cream o ointments. Maaari itong maging rason upang lalong mabarahan ang mga pores na maaaring magpalala ng milia. Iwasan na pisilin o kuskusin ang mga ito.
Kilala rin sa tawag na neonatal acne, karaniwan itong makikita sa mga bata na tatlo hanggang anim na buwang gulang. Ito ay mga mapupula o mapuputing tila tigyawat na kadalasang matatagpuan sa noo, pisngi o ilong ng sanggol. Hindi man malinaw ang tunay na sanhi nito, kusa rin itong nawawala matapos ang ilang buwan.
Kadalasan, hindi kailangan ng ano mang gamot upang sugpuin ang baby acne. Ganun pa man, kung hindi nawawala ang mga ito, maaaring kumonsulta sa pediatrician upang makapagpareseta ng tamang gamot. Huwag gumamit ng mga gamot na para sa matatanda dahil masyado pang sensitive ang balat ng baby.
Isa rin na karaniwang rash sa mukha ng baby na walang dinudulot na panganib ay ang erythema toxicum. Ito ay mga mapupulang bahagi ng balat na may puti o madilaw na bukol.
Madalas itong matatagpuan sa mukha, dibdib o mga hita sa mga unang araw matapos mapanganak. Kusa itong nawawala matapos ang ilang linggo at hindi na bumabalik sa pagtanda.
Dahil wala namang dinudulot na sakit sa bata at kusa namang nawawala, hindi nito kailangan ng paggamot.
Karaniwang makikita sa mga bata kapag tag-init ang heat rash. Ito ay maliliit na pulang mga rashes na makikita sa balat ng baby. Maaari itong ma-develop sa iba’t ibang bahagi ng katawan lalo na kung hindi akma ang suot ng baby sa init ng panahon. Dulot ito ng pawis na hindi makalabas ng balat dahil sa mga baradong pores.
Kadalasan ay hindi kailangan ng mga gamot pagdating sa heat rash. Kailangan lamang panatilihing hindi naiinitan ang sanggol upang hindi lumala ang rashes sa mukha at katawan.
Ang eczema ay nakikita bilang nanunuyo, namumula at makakating bahagi ng balat sa mga baby. Karaniwan itong nade-develop sa mga sanggol na may edad anim na buwan pataas.
Madalas matatagpuan sa pisngi, noo, baba o anit ng mga sanggol ngunit maaari rin makita sa kanilang mga tuhod at siko kapag gumagapang na. Dulot ito ng ilang environmental conditions na nakaka-irita sa balat ng baby.
Maaaring kusang mawala ang eczema ngunit maaari rin kailanganin ng paggamot. Ikonsulta sa inyong pediatrician ang paggamit ng ointments upang labanan ang eczema. Suriin din kung ano ang mga kadalasang nagiging dahilan ng pangangati ng balat ng bata.
Gamot sa rashes ng mga baby: Ito ang mga uri at sanhi nito | Image from Freepik
Ang cradle cap ay rash na kadalasang natatagpuan sa anit ng mga bata. Subalit, maaari rin itong kumalat sa pisngi at paligid ng mga mata at ilong.
Nagdudulot ito ng namumulang patse na magaspang at tila nagbabalat. Nade-develop ito sa mga bata na dalawa hanggang tatlong buwang gulang at nawawala sa pagitan ng anim hanggang labindalawang buwang gulang.
Hindi ito nagdudulot ng sakit o pangangati sa baby at kusang nawawala. Ngunit, kung nagdudulot ng sintomas, maaaring gumamit ng mga gamot.
Ang mga antifungal cream at medicated shampoo ay mabisa laban sa cradle cap ngunit, magpakonsulta muna sa pediatrician bago gamitin ang mga ito. Maaari rin kayong resetahan ng topical steroids kung malala na ang pamamagang dulot ng cradle cap.
7. Slapped cheek syndrome
Kilalarin sa tawag na fifth disease, ang slapped cheek syndrome ay isang viral disease. Maaari itong makuha ano man ang edad ng tao ngunit karaniwan na makikita sa mga bata.
Dulot ito ng impeksiyon na dala ng B19 parvovirus. Makikita ito bilang namumulang rash sa isa o parehong pisngi na walang dulot na sakit.
Maaari itong mawala matapos ang ilang araw ngunit maaaring magdulot ng rash sa iba pang bahagi ng katawan na tumatagal nang isa hanggang dalawang linggo. Kadalasan ay may kasamang lagnat, pananakit ng ulo, sipon at sore throat ang slapped cheek syndrome.
Ang slapped cheek syndrome ay hindi kinakailangan ng paggamot. Subalit, ang mga sintomas nito ay maaaring magdulot ng discomfort sa mga sanggol. Mangyaring kumonsulta sa pediatrician upang malaman ang tamang gamot para sa mga ito.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Para kay Dr. Luzande, makakabuting magpakonsulta sa duktor kapag ang ikinababahalang rash ay nagdudulot na ng discomfort sa baby. Kanya ring iminumungkahi na huwag gumamit ng kung ano mang mga cream o ointments nang hindi nagbibigay alam sa pediatrician.
Gamot sa rashes ng mga baby: Ito ang mga uri at sanhi nito | Image from Freepik
Mangayari rin na magpakonsulta kung ang rash ay:
- Tila may lamang tubig
- Nagdudulot ng lagnat
- Naaapektuhan ang pagkain ng baby
- May mga pulang linya mula sa rash
- May pamamaga ng lymph nodes
- Nagdudulot ng ubo sa baby
- Nanghihina ang baby
- May mga pula o lila na spots na hindi nagbabago ang kulay kapag diniinan ang hawak
Gamot sa rashes ng baby
Matapos kumonsulta sa doktor, maaring magbigay ng mga ointment o cream na ipapahid sa rashes ng baby. Ngunit kung hindi pa kaagad makapunta sa doktor, narito ang ilang gamot sa rashes ng baby na puwede mong gawing paunang lunas.
- Subukan ang pagpahid ng petroleum jelly sa kanyang rashes. Huwag itong damihan dahil maaaring mainit ang pakiramdam nito sa balat.
- Palitan din ang kanyang mga suot na damit ng mas kumportable at malambot ang tela.
- Subukan ding magpalit ng detergent na ginagamit panglaba sa kanyang mga damit.
- Paliguan siya ng maligamgam na tubig para mawala ang kati sa katawan.
- Kung gamot sa rashes sa mukha naman ang kailangan, subukan ang coconut oil.
Gamot sa rashes ng baby sa leeg
Pwedeng tignan ng doktor si baby kung may yeast infection na nagiging sanhi ng rashes sa leeg ng baby. Minsan, ginagamit din ito ng cotton swab para kuhanan ng sample.
Ang ibang yeast infection ay kinakailangan ng gamot sa rashes ng baby sa leeg gamit ang antifungal na cream. Ang cream na ito ay safe na gamot sa rashes ng baby sa leeg. Dagdag pa, ang isang kombinasyon ng gamot sa rashes sa leeg ng baby ay antifungal baby cream, miconazole, zinc oxide.
Pero, may mga antifungal ointment na hindi pa maaaring gamiting gamot sa rashes sa leeg at mukha ng baby na may edad na 4 weeks old pababa.
Gamot sa halas ng baby
Ang halas o ichthyosis (snake skin) ay isa sa mga kondisyon sa balat ng tao na maaring maranasan ng matatanda at ng baby. Nagiging resulta ng halas ang panunuyo at pagiging makaliskis ng balat ng tao.
Walang partikular na gamot sa halas ng baby at ng matatanda. Ngunit, may mga ointment, cream, at sabon na maaaring makatulong sa pagmo-moisturize ng balat ng baby. Ikonsulta muna sa doktor at skin doctor ang mga gamot o treatment na pwede sa halas ng baby.
Herbal na gamot o home remedy sa rashes ng baby
Inilista namin ang ilan sa mga maaaring gawin kapag may rashes si baby. Ang ilan sa mga ito ay madaling mahanap o makita sa palengke o sa bahay ninyo tulad ng mga herbal na gamot sa rashes ng baby. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Aloe vera gel
Makakatulong ang paglalagay ng aloe vera gel or juice sa rashes ng iyong baby. Naiibisan nito ang sore ng iyong baby. Siguraduhin lamang na mailalagay ito ng tama.
Ang aloe vera ay mayroong antimicrobial na ingredients at nakakatulong din ito sa nourishing at moisturizing ng balat. Dagdag pa rito may taglay rin itong antioxidants at nagpo-promote ng mas mabilis na paghilom.
2. Paglalagay ng cold compress
Ang cold compress ay makakatulong din sa rashes ng iyong baby. Simple man ito pero may malaking tulong ito para mawala ang rashes ni baby.
Nakakatulong ito para mawala ang swelling at inflammation dulot ng rashes sa balat ng iyong baby. Ilagay lamang sa malamig na tubig na may yelo ang isang malinis na towel. Saka ito ilagay sa balat ng iyong baby.
Tandaan na mahalagang HUWAG NA HUWAG direktang ilagay ang yelo sa balat ng iyong baby, sapagkat makakasama ito sa kaniya.
3. Paglalagay ng breastmilk
Tama kayo dyan moms, ang iyong breastmilk ay makakatulong para mawala ang rashes ng iyong baby. Maglagay lamang ng ilang drops sa rashes ng iyong baby.
Ang breastmilk ay masustansiya sapagkat siksik ito sa immunoglobulins na nakakatulong para mawala ang mga impeksyon.
4. Coconut oil
Isa pa sa herbal na gamot sa rashes ng baby ay ang coconut oil. Makakatulong ito para ma-hydrate at ma-soothe ang rash ng iyong baby. Dagdag pa riyan, mapoprotektuhan nito ang rash ng iyong baby sa mga oustide variables. Nirerekomenda ito sapagkat ito ay may taglay na antiseptic at anti-inflammatory.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!