X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Tigdas Hangin (Rubella o German Measles): Sanhi, sintomas at gamot

12 min read

Nagkaroon na ba ng tigdas hangin ang iyong anak? Alamin ang mga posibleng sanhi, sintomas at lunas para sa tigdas hangin na in english ay german measles. 

Dahil sa hindi pa gaanong matibay ang kanilang immune system, natural sa mga bata ang magkaroon ng mga nakakahawang sakit. Isa sa mga sakit na kadalasang dumadapo sa mga bata ay ang German measles o tigdas hangin.

tigdas hangin

Gamot sa tigdas hangin | Image from Freepik

Talaan ng Nilalaman

  • Sanhi at sintomas ng tigdas hangin
  • Kailan dapat at agarang tumawag sa doktor?
  • Itsura ng tigdas hangin
  • Mga buntis, mag-ingat sa tigdas hangin
  • Ano ang gamot sa tigdas hangin
  • Treatment para sa tigdas
  • Home remedies at pagbabago sa lifestyle
  • Tigdas hangin sa matanda
  • Saan nakukuha ang tigdas hangin?
  • Paano ba maiiwasan ang german measles?
  • Mga komplikasyon sa tigdas
  • Ano ang MMR vaccine?

Sanhi at sintomas ng tigdas hangin

Saan nakukuha ang tigdas hangin? Maaaring maipasa ang viral infection na ito sa ibang tao sa pamamagitan ng droplets mula sa pag-ubo o pagbahing ng isang taong mayroong tigdas hangin.

Ibig sabihin, kapag mayroon kang nahawakang bagay kung saan may droplets ng isang taong may sakit ng German measles at humawak ka sa iyong bibig, ilong o mata, maaari kang mahawa ng tigdas hangin.

Gayundin, posibleng mapasa ang sakit na ito sa pamamagitan ng pag-share ng pagkain o inumin ng taong may tigdas-hangin.

Kadalasan, mild lang ang mga sintomas ng German measles kaya hindi agad sila napapansin. Maaaring lumabas ang mga sintomas 2 hanggang 3 linggo matapos ma-expose ng tao sa virus na nagdudulot ng tigdas hangin, at maari itong magtagal ng mula 3 hanggang 7 araw.

Narito ang mga karaniwang sintomas ng tigdas hangin:

  1. pink o mapulang rashes na nagsisimula sa mukha at kumakalat pababa sa buong katawan.
  2. lagnat (38.9C pababa)
  3. kulani o namamagang lymph nodes
  4. sipon o baradong ilong
  5. pananakit ng ulo
  6. pananakit ng katawan
  7. conjunctivitis o mapulang mata

Bagama’t hindi naman seryoso ang mga nabanggit na sintomas, dapat pa ring kumonsulta sa doktor kung may hinala kang mayroon kang German measles, lalo na kapag ikaw ay nagdadalangtao o mayroong kasama sa bahay na buntis.

Kailan dapat at agarang tumawag sa doktor?

Sa mga bihirang kaso, maaaring magdulot ng komplikasyon ang tigdas hangin tulad ng ear infections at pamamaga ng utak. Tumawag agad sa iyong doktor kapag napansin ang mga sintomas na ito.

  • matagal na pananakit ng ulo (kasama ng ibang sintomas ng tigdas hangin)
  • pananakit ng tenga
  • stiff neck o pananakit at paninigas ng leeg

tigdas hangin

Itsura ng tigdas hangin

Ayon sa Healthline, lalabas ang iyong mga unang sintomas 7-14 araw pagkatapos mahawaan ng tigdas. Ang lagnat, ubo, sipon, at pananakit ng lalamunan ang mga unang sintomas, na katulad ng sa flu o trangkaso.

Kadalasan, ang mga mata ay nagiging pula at matubig. Lumilitaw ang pulang-pula o kayumangging pantal pagkaraan ng tatlo hanggang limang araw at umaabot sa buong katawan mula ulo hanggang paa.

Maaari kang makakita ng maliliit na batik sa loob ng iyong bibig at sa buong pisngi 2-3 araw pagkatapos mong unang matuklasan ang mga sintomas ng tigdas.

Ang mga pulang tuldok na may asul-puting mga sentro ay karaniwan at tinatawag na mga Koplik’s spots. Ang mga ito ay ipinangalan sa pedyatrisyan na si Henry Koplik, na siyang unang naglarawan ng mga unang sintomas ng tigdas noong 1896. Habang ang iba pang mga sintomas ng tigdas ay kumukupas, ang mga batik ng Koplik ay dapat ding bumaba.

Ang pantal ng tigdas ay mapula-pula ang hitsura. Nagsisimula ito sa mukha at umuusad pababa sa katawan sa loob ng ilang araw, mula sa leeg hanggang sa katawan, mga braso, at mga binti, na kalaunan ay umabot sa mga paa.

Sa kalaunan, tatakpan nito ang buong katawan ng mga batik ng iba’t ibang kulay na mga pimples. Ang pantal ay tumatagal ng humigit-kumulang 5 o 6 na araw. Maaaring hindi lumitaw ang pantal sa mga pasyenteng immunocompromised.

Tigdas Hangin (Rubella o German Measles): Sanhi, sintomas at gamot

Larawan mula sa Shutterstock

Mga buntis, mag-ingat sa tigdas hangin

Kapag dumapo naman ito sa buntis, maaring maapektuhan ang  na nasa sinapupunan pa lamang. Maaring ipanganak ito na may congenital rubella syndrome (CRS). Isa itong seryosong sakit na maaring magsanhi ng miscarriage o mga sumusunod na komplikasyon sa sanggol:

  • mabagal na paglaki
  • problema sa pag-iisip
  • sakit sa puso
  • pagkabingi
  • problema sa ibang organs o bahagi ng katawan.

Sa katunuyan, kaya nga ginawa ang rubella vaccine ay para protektahan ang mga buntis laban sa impeksyong ito.

Kaya napaka-importante para sa nagdadalantao, or sa mga gustong magdalantao na magpabakuna laban sa rubella upang masiguro na protektado ang magiging baby nila.

tigdas hangin

Larawan mula sa iStock

Ano ang gamot sa tigdas hangin

Kadalasan, sa bahay lang ginagamot ito, at nawawala naman ng kusa ang mga rashes. Maaari ka ring uminom ng gamot sa lagnat para gamutin ang sintomas na ito.

Makakatulong ang pagpapahinga at pag-inom ng maraming tubig para mas mabilis na mawala ang sintomas ng tigdas hangin.

Kung mayroong tigdas hangin ang iyong anak, bantayan ng maigi kung tumataas ang kaniyang lagnat at ipagbigay-alam agad ito sa inyong doktor.

Kung sakali na nagkaroon ng impeksyon tulad ng pneumonia habang mayroon kang tigdas o ang iyong anak, maaari kang bigyan ng iyong doktor ng antibiotics.

Mainam din na uminom ng vitamin A, dahil ang mga bat ana may mababang Vitamin A sa katawan ay kadalasang nakakaranas ng mas malalang kaso ng tigdas.

Para makasiguro, dalhin sa doktor ang iyong anak para makasiguro na hindi ito measles o scarlet fever sapagkat magkamukha ang mga sintomas nito.

Mas mabuti na ring sabihan niyo ang doktor kasi baka meron palang kumakalat na impeksiyon sa inyong lugar, nang maagapan nila ito.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Treatment para sa tigdas

Walang espisipikong gamot sa tigdas kapag nagkaroon na nito. Kasama na sa paraan ng paggagamot nito ay ang mga bagay na maaaring makapagbigay ginhawa at mabawasan ang sintomas, tulad ng pagpapahinga, at pagpapagaling at pag-iwas sa mga maaaring makapagpalala nito.

Gayunpaman, may mga maaaring sundin ang mga tao na walang immunity matapos silang magkaroon ng exposure dito.

  • Post-exposure vaccination. Ang mga taong walang immunity laban sa tigdas, lalo na ang mga sanggol, ay maaaring bigyan ng bakuna laban sa tigdas sa loob ng 72 oras mula nang magkaroon ito ng exposure. Kung sakaling magkaroon pa rin ng tigdas ay mahina nalang ang mga sintomas at hindi namagtatagal ang pagkakasakit.
  • Immune serum globulin. Ang mga buntis, sanggol, at mga tao na may mahinang immune system at nagkaroon ng exposure sa virus ay maaaring makakuha ng injection para sa proteins (antibodies) na tinatawag na immune serum globulin. Kapag naibigay ito sa loob ng anim na araw mula sa pagkakaroon ng exposure sa virus, ang mga antibodies na ito ay maaaring mapigilan ang tigdas o kaya ay mapahina ang mga sintomas nito.

Tandaan: Labis na nakakahawa ang rubella kaya siguruhing huwag na palabasin ng bahay o papasukin sa eskwela ang iyong anak sa loob ng 2 hanggang 3 linggo para maiwasang makahawa ng ibang bata.

Home remedies at pagbabago sa lifestyle

Kapag ang iyong anak ay may tigdas, siguraduhin na magpakonsulta agad sa doktor. Maaari ring sundin ang mga sumusunod:

  • Magpahinga at umiwas sa maraming Gawain.
  • Uminom ng maraming tubig, fruit juice, at herbal tea upang maging pamalit sa mga nawalang fluid sa katawan  dahil sa lagnat at pagpapawis. Kung kinakailangan, maaaring bumili ng rehydration solutions na di kailangan ng reseta.
  • Gumamit ng humidifier para sa ubo at sore throat. Ang pagdadagdag ng moisture sa hangin ay nakakatulong guminhawa ang pakiramdam.
  • Gumamit ng saline nasal sprays upang mapatigil ang pangangati ng ilong.
  • Kung sa tingin mo o ng iyong anak ay nakakairita ang liwanag ng ilaw, tulad ng karamihan ng mga tao na nagkakaroon ng tigdas, hinaan ang ilaw o gumamit ng sunglasses. Iwasan din ang pagnood ng tv dahil maaaring makairita din ang liwanag na nagmumula dito.

Tigdas hangin sa matanda

tigdas hangin

Larawan mula sa Shutterstock

Ang tigdas hangin sa matanda ay hindi rin dapat ipag-alala. Ito ay kailangan lamang ipahinga. Sa panahong mayroon ka nito, hindi ka dapat lumabas ng iyong bahay dahil nakakahawa ito.

Para naman mas bumilis ang iyong paggaling, kumonsulta agad sa doktor. Huwag mag-self medicate dahil maaaring mas palalain nito ang iyong kalagayan.

Ang karaniwang sintomas nito sa matanda ay pananakit ng ulo na may kasamang lagnat. Nariyan din ang pagbabara ng ilong at pananakit ng kalamnan. Kung ikaw ay buntis, mahalaga na maagapan agad ito dahil maaring makasama ito sa iyong pagbubuntis.

Pagdating sa edad na 15, dapat ay kumpleto na ang iyong bakuna laban dito. Ang bakuna kasi ang magsisilbing proteksyon laban sa viral infection na ito, lalo na para sa mga taong exposed sa mga ospital o iyong mga nagtatrabaho roon.

Importante rin ito para sa mga madalas na lumabas ng bansa. Pero ang pinaka-delikadong madapuan nito ay ang mga buntis.

Saan nakukuha ang tigdas hangin?

Ang rubella ay naipapasa sa bawat tao sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing. Ang virus ay nagrereplika sa mga lymph node gayundin sa nasopharynx, ang tubo na nag-uugnay sa lukab ng ilong at malambot na palad.

Sa humigit-kumulang 5 hanggang 7 araw, kumakalat ang virus sa buong katawan sa daloy ng dugo pagkatapos ng pagkakalantad, na may mga sintomas na lumalabas 2 hanggang 3 linggo pagkatapos ng impeksyon.

Ang Rubella ay nakakahawa hanggang 7 araw bago lumitaw ang pantal at hanggang isang linggo pagkatapos magsimula ang pantal.

Paano ba maiiwasan ang german measles?

Sa panahon ngayon, bihira na ang nagkakaroon ng rubella dahil nga sa meron nang bakuna laban dito. Ang tawag sa bakunang ito ay measles-mumps-rubella o MMR vaccine.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang isang dose ng MMR vaccine ay 97% epektibo laban sa rubella, habang ang dalawang dose naman ay 97% epektibo laban sa measles at 88% epektibo laban sa mumps.

Kadalasan, ibinibigay kapag ang sanggol ay 12 hanggang 15 na buwan, at isa pa kapag nasa edad 4 at 6 taong gulang na ang bata, bago siya pumasok sa paaralan.

May mga magulang na nag-aalinlangang pabakunahan ang kanilang mga anak ng MMR vaccine dahil sa mga haka-haka na nakakapagsanhi ito ng autism sa mga bata. Subalit huwag mangamba, mommies, dahil walang katotohanan ito.

Ayon sa World Health Organization, walang sapat na ebidensya na nag-uugnay sa MMR vaccines at iba pang bakuna sa pagkakaroon ng autism ng isang bata.

Kaya’t siguraduhing mapabakunahan ang anak ninyo sa tamang panahon. Para lubusang maiwasan ang virus na ito at mga sintomas ng German measles.

Kung ikaw naman ay buntis, mahalagang kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa nararapat na bakuna laban sa rubella para makasigurong walang maging komplikasyon ang iyong pinagbubuntis.

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa tigdas hangin o napapansing kakaiba sa iyong anak, huwag mahiyang magtanong sa iyong doktor.

Mga komplikasyon sa tigdas

Tigdas Hangin (Rubella o German Measles): Sanhi, sintomas at gamot

Larawan mula sa Shutterstock

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nasa 30% ng tao na nagkakaroon ng tigdas ang nagkakaroon ng mga komplikasyon sa kalusugan tulad ng pneumonia, ear infection, diarrhea, at encephalitis. Ang pneumonia at encephalitis ang dalawang malalang komplikasyon na maaaring mauwi sa ospital.

Ito ay isang sakit sa baga na nagdudulot ng lagnat, pananakit ng dibidib, hirap sa paghinga, at ubo na may plema. Ang mga tao na may mahinang immune system dahil sa iba pang sakit ay mas nanganganib sa pagkakaroon ng pneumonia. 

Ayon sa CDC, isa sa bawat 1,000 bata ang maaaring magkaroon ng pamamaga sa utak o encephalitis. Minsan nagsisimula ito matapos magkaroon ng tigdas.

Isang seryosong sakit ang encephalitis na maaaring mauwi sa pagkokombulsyon, pagkabingi, at mental retardation ng bata. Delikado rin ito sa mga babaeng nagbubuntis dahil maaaring maging underweight ang kanilang sanggol pagkapanganak.

Ano ang MMR vaccine?

Ang measles-mumps-rubella (MMR) vaccine ay isang bakuna na nagsisilbing proteksyon laban sa tatlong sakit na nabanggit. Naglalaman ito ng buhay ngunit mahina na strains ng virus kung saan hinahayaan na magkaroon ng immunity ang katawan laban sa mga virus na ito.

Mahalaga ang bakunang ito sa mga bata at mga babaeng maaaring magbuntis. Higit 90% ng mga nakakuha nito ay hindi nagkaroon ng rubella o tigdas.

Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na makapagpabakuna nito ang mga batang nasa 12-15 months old, at ang ikalawang dose sa ika-4-6 years old, o kahit 28 na araw matapis ang unang shot ng MMR vaccine. Ang mga adolescents na walang bakuna ay mainam na makakuha ng dalawang MMR vaccine, na may pagitan na 28 na araw.

Maaaring makaramdam ng mild side effects matapos maturukan ng MMR vaccine, ilan dito ay:

  • Pananakit ng muscles at pamumula sa bahagi ng tinurukan
  • Lagnat
  • Mild rash
  • Pansamantalang pananakit ng mga joints
  • Pansamantalang kaso ng thrombocytopenia o pagbaba ng platelet count.

At dahil naglalaman ang mga bakuna ng buhay ngunit mahinang strains ng virus, maaari ring magkaroon ng mild case ng rubella.

 

Ang article na ito ay isinalin mula sa Ingles na isinulat ni Alwyn Batara.

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores at Shena Macapañas

Healthline, MayoClinic, Medical News Today, Centers for Disease Control and Prevention

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

Inedit ni:

Margaux Dolores

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Tigdas Hangin (Rubella o German Measles): Sanhi, sintomas at gamot
Share:
  • Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

    Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

  • Tigdas Hangin at Pagbubuntis: Isang delikadong kombinasyon

    Tigdas Hangin at Pagbubuntis: Isang delikadong kombinasyon

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

    Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

  • Tigdas Hangin at Pagbubuntis: Isang delikadong kombinasyon

    Tigdas Hangin at Pagbubuntis: Isang delikadong kombinasyon

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.