X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

6 signs para malaman kung mababa na ang tiyan ng buntis

9 min read
6 signs para malaman kung mababa na ang tiyan ng buntis6 signs para malaman kung mababa na ang tiyan ng buntis

Ang isa sa mga last stage ng pagbubuntis ay ang pagle-labour at panganganak pero isa pa sa mga palatandaan na ikaw ay magle-labour ay kung mababa na tiyan ng buntis.

Paano ba malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis? Iyan ang kadalasang tanong mga pregnant moms na malapit na ang due date. Pero paano nga ba masasabi kung malapit nang lumabas si baby? 

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kailan nagsisimulang bumaba ang tiyan ng buntis?
  • Paano malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis?
  • Mga pwedeng gawin para maibsan ang pananakit ng balakang

Ang panganganak ay isa sa mga nakakatakot na bahagi ng pagbubuntis. Karamihan ng mga nanay, nakakaramdam na ng pangamba kapag iniisip nilang malapit na silang mag-labor.  Ang totoo, hindi talaga biro ang panganganak kaya naman dapat talagang handa ang iyong isip at katawan para rito.

Isa umano sa mga senyales na naghahanda na ang iyong katawan para sa labour ay kapag nagkaroon na ng tinatawag na baby dropping.

Sa ikatlong trimester o ilang linggo bago ang iyong due date. Mapapansin mo o ng mga tao sa paligid mo na bumababa na ang iyong baby bump.

Pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng baby dropping? Mayroon bang mga paraan upang malaman o mahululaan kung kailan ito mangyayari?

Bakit bumababa na ang tiyan ng buntis?

Kapag sinabi ng mga tao na mababa na ang iyong tiyan o parang manganganak ka na. Ang tawag umano rito ay lightening. Isa ito sa mga pangunahing senyales na malapit ka nang mag-labour.

Nangyayari ito kapag ang ulo ng iyong anak ay malapit na sa iyong pelvis at dumidikit na sa iyong pubic bones. Dito nagsisimulang gumalaw pababa ang iyong anak upang lumabas na sa iyong katawan.

Ayon kay Dr. Rebecca Singson, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, bumababa ang tiyan ng isang buntis kapag bumababa na ang ulo ni baby sa kaniyang birth canal.

“Well usually bumaba yung tiyan kapag nag-iengage ‘yung head o kapag bumaba ‘yung head dun sa birth canal. We say engage kapag ‘yung fetal head goes down to the level of ischial spines of the mommy. Dun sa birth canal.” aniya.

paano malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis

Larawan mula sa iStock

Lahat ng pagbubuntis ay magkakaiba. Kaya naman may mga nanay na nakakaranas ng pagbaba ng kanilang tiyan isa o dalawang linggo bago manganak. Habang ang ilan ay mararanasan ito ilang oras lamang bago sila mag-labour. Mayroon ding mga nanay na hindi nararanasan ang pag-drop ni baby hanggang nagsimula na ang kanilang labour.

Kadalasan, ang mga first-time moms ang nakakapansin ng pagbaba ng kanilang tiyan ng maaga. Habang ang mga nanay na nanganak na dati ay hindi na ito masyadong nararanasan hanggang dumating na ang oras ng labor.

Isang teorya rito: maaaring dahil alam na ng iyong katawan kung ano ang gagawin nito sa panganganak. Kaya hindi na kailangan ang mahabang panahon para maghanda.

Ayon kay Doc Becky, magkaiba nga ang pagbaba ng baby depende kung ito ang unang beses ng pagbubuntis at panganganak o hindi.

“Usually kapag first baby, puwedeng hindi mag-engage ‘yung head. Kapag nanganak ka na dati, sa subsequent pregnancy, mag-o-open muna ‘yung cervix saka bababa ‘yung head. Sa first baby mag-i-engage muna ‘yung head tapos tsaka mag-o-open yung cervix so magkaiba.” aniya.

Dagdag pa niya, ang pagbaba ni baby ay magandang senyales na malapit ka nang manganak. Bagama’t hindi rin naman ito nangyayari agad-agad.

“We always thought na at 38 weeks dapat mag-engage na ‘yung head. Actually, the research shows that the most babies mga 80% nag-engage mga 39 to 40 weeks. And usually average of mga 7 to 10 days bago manganak doon nag-engage ‘yung head. That’s a good sign na malapit ka ng manganak kapag bumababa na ‘yung head ni baby. Pero hindi naman immediate o hindi naman agad-agad.”

Paano masasabi kung papunta ka na sa pagle-labour?

Sinasabing mayroong 11 stations (-5 to +5) upang malaman kung mababa na ang tiyan ng buntis o malapit na sa iyong pelvis.

Ang pinakamataas na station umano sa ulat ng Healthline, ay kung ang ulo ng sanggol sa loob ng iyong sinapupunan ay nakapuwesto pa sa ibabaw ng iyong hips o balakang. Halimbawa, i-picture mo ito ng vertical scale na nasa zero ang gitna. Ito ang panahon o pagkakataon na ang iyong baby ay naka-engage na sa iyong midpelvis.

Habang papalapit ang iyong labor, pababa rin ng pababa si baby sa iyong birth canal.

5 signs paano malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis?

Walang makakapagsabi kung kailan eksaktong bababa ang iyong baby. Hindi mo rin agad ito mararamdaman dahil dahan-dahan ang pangyayaring ito kaya mahirap talaga hulaan kung kailan darating ang labor.

paano malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis

Larawan mula sa iStock

Pero may mga sintomas na maaaring maramdaman ng ilang babae na magsasabing bumaba na si baby, at nalalapit na ang panahon ng labor.

1. Mas madali kang makakahinga.

Kapag bumaba na si baby, pumupuwesto ito malapit sa iyong pelvis. Dahil rito, nababawasan na ang pressure mula sa uterus papunta sa iyong diaphragm, kaya naman mapapansin mo na mas madali ka nang nakakahinga.

Paliwanag ni Doc Becky, “So ang nangyayari, ma-fefeel ni mommy na parang bumababa yung top ng uterus ng by 2-3 centimeters. Tapos parang medyo mas nakakahinga na siya ng maluwag. Kasi mas mababa na yung excretion ng lungs kasi mas malaki na yung space.”

2. Mas matinding bigat sa iyong pelvis.

Kapag ang iyong baby ay nasa ibaba na ng iyong pelvis o malapit dito. Maaari mong mapansin ang mas matindi na ang bigat na iyong nararamdaman sa parteng iyon ng iyong katawan.

Partner Stories
Catch NBA All-Star 2021 with your NBA League Pass from PLDT Home Fibr
Catch NBA All-Star 2021 with your NBA League Pass from PLDT Home Fibr
Filipino comfort food right to your doorstep
Filipino comfort food right to your doorstep
Wear Your Best Ever Denim Fit with Marks and Spencer
Wear Your Best Ever Denim Fit with Marks and Spencer
BGC's Christmas events lineup is perfect for the whole family
BGC's Christmas events lineup is perfect for the whole family

Dahil sa bigat o pressure na iyong nararamdaman, maaaring mag-iba at bumagal ang iyong paglalakad. Pwede ring magkaroon ng tinatawag nilang pregnancy “waddle”. Kung saan para kang nagbabalanse ng bowling ball sa pagitan ng iyong mga hita.

paano malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis

Larawan mula sa Woman photo created by torwaiphoto – www.freepik.com

BASAHIN:

Brown discharge sa unang trimester ng pagbubuntis: Ano ang normal at hindi? 

#AskDok: Buntis at lagpas na sa due date ng panganganak, ano ang dapat gawin?

Mga kumplikasyon sa panganganak na kailangan mong malaman

3. Mapapansin mo rin ang mas maraming discharge

Isang paraan para malaman kung mababa na ang tiyan ng buntis ay kung mas marami na ang kaniyang discharge. Sapagkat ang ulo ng baby sa loob ng iyong sinapupunan ay mababa na at dumidiin sa iyong pelvis.

Makakatulong ito sa iyong cervix upang numipis at mag-dilate para magsimula sa pagle-labour. Kapag nangyari ito, unti-unti na ring matatanggal ang iyong mucus plug, na nagsisilbing harang sa cervical opening.

4. Madalas na pagpunta sa banyo.

Paano malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis at malapit na siyang manganak? Kung napapadalas na lalo ang kaniyang pag-ihi.  Sapagkat ang ulo ng iyong baby ay nasa bandang ibaba na. Nadidiinan nito ang iyong pantog kaya dumadalas na ang iyong pagpunta sa banyo para umihi.

Sabi ng iba, kapag dumalas ang pagpunta mo sa banyo ng kada 10 segundo, malapit nang magwakas ang iyong pagbubuntis dahil malapit ka nang manganak.

5. Mas madali nang kumain

Ayon kay Doc Becky, isa sa mga senyales na mababa na ang tiyan ng buntis ay kung hindi na siya gaanong sinisikmura. Dahil nasa baba na si baby, nababawasan ang pressure sa tiyan mula sa uterus kaya nagiging mas madali ang kumain at kadalasan, nawawala na rin ang heartburn at acid reflux na laging idinadaing ng mga buntis.

6. Nakakaramdam ka o nakakaranas ng pananakit sa iyong pelvis.

Ang isa sa mga kakaibang sintomas kung paano malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis ay pananakit ng iyong pelvic area. Dahil ito sa ulo ng iyong baby na nasa ibaba na at nagdudulot ng matinding pressure sa mga ligaments sa paligid ng iyong pelvis.

Maaari mo ring mapansin na nangyayari ito kapag may ginagawa kang kilos o posisyon. Pwede rin naman itong sumakit na lang bigla. Nangyayari ito kapag nag-a-adjust ang iyong baby sa kaniyang bagong posisyon sa loob ng iyong sinapupunan.

Tandaan, ang maliit na twinges ng pananakit sa iyong pelvis ay maaaring senyales ng baby dropping. Pero kung nakakaramdam ka ng regular o lagi-laging pananakit ng pelvis, at may kasamang iba pang sintomas tulad ng lagnat, bleeding o pagdurugo o fluid loss, ipagbigay-alam ito agad sa iyong doktor.

paano malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis

Larawan mula sa iStock

 

May paraan ba para makaiwas sa pananakit ng pelvis na sanhi ng pagbaba ni baby?

Walang paraan upang maiwasan ang lightening, kasama ito sa natural na paghahanda ng ating katawan sa labor. Ang maaari mo lamang gawin ay maibsan ang pananakit na iyong nararanasan.

Subukan ang mga sumusunod na paraan:

  • Magpalit ng puwesto. Upang mawala o maibsan ang pananakit, maaaring baguhin ang iyong posisyon para hindi mo maramdaman ang pressure sa iyong balakang. Maaari kang tumayo kung ikaw ay nakahiga o nakaupo.
  • Pagsuot ng belly support garment o belt. Makakatulong ito upang gumaan ang pressure na nararamdaman sa iyong pelvis.

Paalala, maaaring hindi ito mag-work sa inyo. Baka kailangan mo lang munang tiisin ang sakit hanggang sa manganak ka. Maaari ka ring magtanong sa iyong OB-GYN para makasiguro na normal ang pananakit na iyong nararamdaman.

Kung malapit na rin ang iyong due date sa iyong unang pagbubuntis at sa palagay mong hindi pa bumababa ang iyong tiyan. At wala pang nararamdamang mga sintomas ng lightening, kumonsulta sa iyong doktor para malaman ang lagay ng iyong baby.

Ayon kay Doc Becky, kapag hindi agad bumaba o nag-engage ang ulo ng sanggol, maari itong humantong sa cesarean delivery.

“Doon sa mga hindi nag-engage ang fetal head, three times higher ang cesarean section rate sa kanila. Kasi it’s a sign nga na medyo masikip ‘yung pelvic bones, o ‘yung birth canal mo. Bukod sa mas mataas ‘yung cesarean secion rate nila. ‘Yung mga unengaged heads, mas matataba ‘yung baby nila kaya nga hindi sila makababa at mas mababa yung APGAR score. Kaya di successful ang vaginal birth.” aniya.

Huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa iyong doktor kung mayroon kang katanungan tungkol sa pagbaba ng iyong tiyan kapag buntis at sa nalalapit mong panganganak.

Source:

Healthline, MottChildren,

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • 6 signs para malaman kung mababa na ang tiyan ng buntis
Share:
  • #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

    #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

  • #AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

    #AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

    #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

  • #AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

    #AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.